Chapter 7: Mansion

14 2 0
                                    

Chapter 7: Mansion

Nyx's POV

"Meow." Tinignan ko si Heaven, my cat, she's laying on my tummy. I slightly stroke her fur. "Ang cute cute mo naman", sabi ko at pinisil ng onti ang pisngi niya, nag-meow naman siya dahil don.

Bakit kaya ako niyaya ng mama ni Drake na pumunta sa bahay nila at magdinner doon? Baka plano nilang gawin akong ulam. Jusko, 'wag naman sana..

Napapraning ako dito kakaisip. Sumigaw ako at sinabunutan ang sarili. Nagulat naman si Heaven kaya niyakap ko siya. "Sorry", sabi ko dito at pumikit lang siya ng slow motion kaya ginawa ko rin. Sabi nila, yun ang way nila para magsabi na 'I love you'.

"Nyx. Kanina ka pa sumisigaw dyan. Anong klaseng masamang espirito ang sumapi sayo?", tanong ni Susie na pumasok sa kwarto ko. Tumabi siya sa 'kin at kinuha ni Heaven.

"Gaga!", sabi ko nalang. "Chika. I-chika mo! 'Di mo ako pinansin kagabi at pumunta ka agad sa kwarto mo! Nagtatampo ako", sabi niya at nagcross-arms at tumalikod sa 'kin. "Sorry na nga! Andami kasing nangyari kagabi kaya muntik na akong mabaliw!", sigaw ko kaya ngumisi siya.

"Ano nga bang nangyari kagabi?", tanong niya kaya nagsimula na akong magkwento.

"Tinanong ka na sumama sa dinner nila?!", sigaw niya kaya tumango ako. "Oras na, Nyx. Oras na para maging masaya ka sa love life mo!", sigaw niya, tinayo niya ako. "Magbihis ka. Maghahanap tayo ng magandang damit para sa dinner niyo", nagulat ako nang hinila niya ako papunta sa damitan ko.

"Dali! Para ma-inlove sayo lalo si sir!", sabi niya kaya umirap ako at nagbihis ng wala sa oras. Plano ko pa namang humiga at mag-isip buong araw hanggang sa maghapon na.

Pumunta kami sa isang mall at pumasok sa isang shop na puro damit at mukhang mahal ang mga damit dito. "Susie. Mukhang mahal ang mga damit dito", sabi ko. "May sariling pera na tayo kaya afford yan! At libre ko rin 'to para sa masaganang love life mo!", wika niya kaya ngumiti ako.

"Salamat, Susie", sabi ko kaya tumango siya. "Ikaw pa ba!", ngumiti siya kaya niyakap ko siya.

Nagpatuloy na kaming maghanap ng damit at lahat ng damit na nakita namin ay pinasuot niya sa akin doon sa dressing room. Nakakapagod magpapalit-palit ng damit. Kung walang aircon dito ay siguradong pawis na pawis na ako.

"Yan!", sigaw ni Susie. Eto ang na-bet-an niyang suotin ko sa dinner. Isang red ruffled top na long sleeves at v neck din at isang black pants. Naka-high heals din ako na red din at mga 2 inch lang dahil hindi ko naman kaya ang sobrang taas. Mukha akong mayaman grabe.

"Bibilhin na po namin yan", sabi ni Susie sa babaeng inalalayan akong maglakad dahil hindi ako masyadong sanay sa gantong high heels.

Umabot ng 1k pesos mahigit iyon. Tatlo lang ang nabili namin at 1k na.. Grabe. "Suotin mo kaya muna ang high heels na yan para masanay ka?", tanong ni Susie. "Baka masira..", sabi ko kaya tumawa naman siya. "Suotin mo nalang! 'Di yan masisira", sabi niya kaya tumango ako.

"Sa mga accessories naman tayo! Kailangan mo ng kwintas na babagay sayo", sabi niya. "Hoy! Sobrang dami naman ng bibilhin natin! Okay na 'to", sabi ko pero umiling siya. "Hindi! Kailangan maganda k-" Nagulat ako nang biglang may humablot ng wallet ni Susie.

"Hoy!", tumakbo ako papunta don sa lalaking nanghablot. Aba'y bwiset yon ah! "Nyx!", sigaw ni Susie pero 'di ko siya pinansin at hinabol lang ang walang hiyang panget na magnanakaw.

Tinanggal ko ang suot kong heels at binato sa ulo ng magnanakaw. Nauna namang sumalampak ang ulo niya sa lapag. Tinayo ko siya at hinila ko ang ulo niyang semi-panot at nilagay ko ang braso ko sa leeg niya na para bang sinasakal. "Akin na yung wallet", sabi ko dito. Agad naman niyang binigay ito.

Daylight Amulet (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon