Chapter 20: Mother
Nyx's POV
"He tried stealing Nyx away", sabi ni Drake. Napangiti ako. Paulit-ulit ko itong naririnig sa utak ko.
"Chill.. Hindi niya 'ko makukuha sayo", bulong ko sa kanya pero nakapout pa rin siya. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya. Tumingin din siyakaya agad kong iniba ang tingin.
Sinulyapan ko siya at nakatingin siya sa labi ko kaya't nanlaki ang mata ko at agad na binaling ang tingin sa lamesa.
Chill. Kaya ko 'to.
Nagusap ang dalawa at nagshake-hands sila dahil sinabi namin. Mukhang 'di pa rin sila okay pero hindi na sila nagsasakitan kaya mas okay yun.
Nalapit na ang pagtatapos ng trabaho ngayong araw. Ang dami talagang costumer kapag gabi.
Umonti na ang costumer hanggang sa maubos na. Binaliktad ko na ang open sign at nakikita na sa labas ang close na sign.
Nag-ayos na kami para umuwi. "Nyx... May dadaanan kami ni Michael pauwi pero ihahatid niya raw tayo. Sasama ka diba?", tanong ni Susie pero umiling ako.
"Pa'no kung..", bulong niya kaya umiling uli ako. "Hindi na mangyayari yun. Magquality time muna kayo", sabi ko sa kanya pero halata pa rin ang pag-aalala sa mukha niya.
"Don't worry. Ihahatid ko siya", narinig ko si Drake mula sa likod ko kaya lumingon ako at nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ako.
"Alagaan mo yan, sir Drake ah. Salamat! Ingat kayo", si Susie at yumuko ng onti. "Kayo rin", sabi namin kaya pumunta na siya kay Michael na nakangiting sinalubong siya.
Parehas na kaming may love life. Nako po. Pumasok na ako sa passenger seat ng sasakyan ni Drake at sinara niya ang pinto para sa akin.
Tinignan ko ang rearview mirror at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Nagulat naman ako at agad na tinignan nalang ang sideview mirror.
May nakita akong sasakyan sa likod pero kumibit-balikat ako at tumingin nalang sa harap.
Mabilis kaming nakarating ni Drake sa bahay. "Bye. Ingat ka", paalam ko. "Go inside. You might be cold", sabi niya. Umiling ako.
"Alis ka muna ta's papasok na 'ko", sabi ko pero siya naman ang umiling. "No. Go inside first", wika naman niya.
"Hindi. Ikaw ang pumasok sa kotse mo at umuwi na." Tinulak-tulak ko siya papunta sa kotse niya at pinapasok siya sa loob na sinunod naman niya.
"Sige na. Shoo!", sabi ko na para bang nangbubugaw ng langaw. Natawa ako sa sarili habang nakasimangot siya at nakapout.
Lumunok ako habang nakatingin sa pout niya. Nakita ko namang naging ngisi ito. Umiling ako at nagwave na para magpaalam.
"Ingat!", sigaw ko at unti-unti nang naglaho ang sasakyan niya sa paningin ko.
May naramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko kaya lumingon ako. "Nyx", banggit nito sa pangalan ko.
"Pa'no mo po nalaman ang pangalan ko?", tanong ko. "Ipapaliwanag ko lahat. Sumunod ka muna sa akin", sabi niya. Don't talk to strangers pero parang ang lapit ng puso ko sa kanya.
Sinunod ko ang instincts ko na sumunod sa kanya dahil mukhang hindi siya masamang tao kahit na parang nakakatakot ang pag-approach niya sa akin.
Napunta kami sa isang park na parang luma na dahil may kalawang na ang ibang mga laro dito at ang mga swings.
Umupo ako sa duyan at nakatayo siya sa harap ko. "Sige na po", sabi ko. Mukha kasing ang lalim ng iniisip niya at nag-aalala.
"Nyx.. I-i'm here. I'm your mother", sabi niya kaya agad kong tinaas ang ulo ko para tignan siya.
BINABASA MO ANG
Daylight Amulet (Complete)
WampiryDaylight Amulet (Standalone) Nyx Vergara, a person who doesn't really believe in vampires who can turn into human not until he met Drake Heinrich Serrano. Nyx was raised by her mother's bestfriend since the day her parents died because of an unkn...