Chapter 13: Date
Susie's POV
"Susie", narinig ko si Michael sa likod ko kaya lumingon ako. "Hmm?", tanong ko. "Can we-uh.. Can i take you out?", tanong niya kaya natawa ako ng mahina.
"Ite-take out mo 'ko?", tanong ko. Napatango naman siya kaya natawa ako. "Sige, basta libre mo", sabi ko sa kanya kaya nakita kong nagningning ang mga mata niya.
'Di nalang sabihin na pwede bang magdate tayo. Dami pa niyang arte eh. Hindi na natuloy yung date namin kagabi dahil sa sobrang pagod napagdesisyunan namin parehas na umuwi nalang
Day off namin ngayon kaya pwede kaming gumala, may pasok pa rin si Nyx saka sila sir Drake. Hapon kami umalis ni Michael, hindi ko pa alam kung saan kami pupunta surprise daw
"Saan nga kasi?" pangungulit ko habang naglalakad kami, "Kung sasabihin ko sa'yo edi hindi na 'yon surprise?" napabusangot naman ako at hinayaan nalang siya sa surprise niya
"Mahilig ka ba sa isda?" napakunot ang noo ko, "Isda? As in fish?" napatawa naman siya at tumango, "Syempre, ang cute kaya ng mga isda. Doon ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakangiti
"Secret" saad niya ulit kaya napailing nalang ako, sumakay kami ng bus. Mukhang malayo layo din ang pupuntahan namin
Napatingin siya sa 'kin pagtapos ko mag-hikab, antukin pa naman ako baka iwan ako neto kapag nakatulog ako. "Inaantok ka?" tanong niya na ikinatango ko
"Tulog ka, malayo layo pa naman tayo" saad niya, "Baka paggising ko mag-isa nalang ako dito sa bus" saad ko at mahinang tumawa
"Ha? Sa tingin mo iiwan kita dito?" tumango naman ako umayos ng upo at pumikit, "Iuuwi pa kita, magpapaalam pa ko sa magulang mo diba?" lihim akong napangiti
"Oo na po, iuwi mo ko ha" mahina siyang napatawa at inihiga ang ulo ko sa balikat niya, "Sabihin mo kapag nilalamig ka okay?" saad niya na ikinatango ko
Ang komportable naman sa balikat niya, palihim akong napangiti sa naisip ko. Pa-fall 'tong lalaking 'to, baka mas lalo akong mafall kapag nilutuan ako
~~
"Susie" rinig kong tawag sa 'kin kaya marahan kong binuksan ang mata ko, umayos ako ng upo at nag-hikab. "Nasaan na tayo?" tanong ko at tumingin sa labas ng bus
"Ocean park?" tanong ko at tumingin sa kanila, tumango siya na ikinangiti ko. Dati ko pa gusto pumunta dito, ang cute kaya ng mga isda
"Tara na" saad niya at hinawakan ang kamay ko palabas ng bus, napatingin lang ako sa magkahawak naming kamay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko
Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa 'kin, napatingin din ako sakaniya kaya agad niyang binitawan ang kamay ko. "Sorry" saad niya kaya napangiti ako at hinawakan ang kamay niya
"Magkano daw ticket?" tanong ko nilingon siya, namumula ang pisngi niya. "Hoy, ayos ka lang? Namumula ka" saad ko at tumawa
"H-ha?" napatawa nalang ulit ako at napailing, binuksan ko at cellphone ko at nagsearch kung magkano ang entrance fee dito
"Yung 590 pesos nalang?" tanong ko at pinakita sakaniya yung picture, "Yung 995 nalang, treat ko" agad akong umiling
"Baliw ka, ang mahal non. Okay na ko sa 590, marami na naman tayo mapupuntahan" he smiled and nodded, ang galing ko talaga magpakilig
Agad naman kaming nakakuha ng ticket sabi ko ako na magbabayad kaso mapilit siya kaya wala akong choice kundi hayaang siya na magbayad
Anim na yung pupuntahan namin sa loob netong ocean park, unahin daw muna namin yung the barnyard sabi niya. "Ang daming rabbit!" saad ko at hinatak siya papunta sa mga rabbit
BINABASA MO ANG
Daylight Amulet (Complete)
VampireDaylight Amulet (Standalone) Nyx Vergara, a person who doesn't really believe in vampires who can turn into human not until he met Drake Heinrich Serrano. Nyx was raised by her mother's bestfriend since the day her parents died because of an unkn...