Kabanata 8

26 4 0
                                    

"A-Anong sinasabi m-mo? Paano mo n-nakilala si Dariel?" Gulat kong tanong sa kanya. Hinawakan ni Ate Ezikiah ang kamay ko pero inalis ko iyon habang nakatingin kay Ate Katherine, lumayo nang kaunti si Ate Katherine saka tinignan ako.

Paano niya nakilala ang kaibigan ko noon? Sana mali ang iniisip ko na ang Dariel na kilala ko noon ay ang Dariel na kilala ko ngayon dahil sobrang imposible iyon. Mabait, masiyahin at maalagain ang Dariel na kilala ko noon, mayaman din sila katulad namin hindi katulad ng Dariel na kilala ko ngayon. 

Hindi ko alam kung bakit niya kilala iyon. Punong puno ako ng pagtataka dahil nakilala niya iyon kung nandito siya sa Marinduque nakatira, ang layo ng Marinduque sa Maynila para malaman niya ang mga bagay na iyon.

"Si Dariel Elio Astaril ay ang lalaking nandito at nagtr-trabaho sa hacienda ninyo. Naging mahirap sila dahil sinuhulan ng Daddy mo ang Tatay nila na si Virgilio, kahit mahirap na lang sila ay dito pa rin sila nagtr-trabaho para pagsilbihan ang pamilya ninyo kahit malaking pera ang nawala sa kanila! Dahil sa inyo kung bakit sila naghirap ng ganoon!" Sigaw niya sa harapan ko, napapikit ako sa sigaw niya. Idinilat ko na ang mata ko at nakita ko si Ate Riana na nasa harapan niya at masama ang tingin niya sa pinsan ko.

Si Ate Ezikiah ay nasa tabi ko lang at hindi kumikibo, mukhang nagulat din siya sa nangyari dahil alam niya na si Dariel ang nag-iisang kaibigan ko noon.

"Are you stupid? Bakit mo kami sinisisi kung wala kaming alam? Ano rin ang ikinagagalit mo eh, hindi ka naman nila pamilya at hindi ka naman naapektuhan. Isa pa, anong karapatan mong sigawan ang kapatid ko? Hindi bagay ang patapon mong ugali sa mansyon na ito. Pati ang kapatid ko ay sinisisi mo na walang alam. Umalis ka sa mansyon ngayon din dahil kahit may sakit ka ay papatulan kita." Hinatak niya si Ate Katherine sa braso patayo, nang makatayo si Ate ay nilingon niya ako at nginisihan muli.

Nanginginig ang kamay ko dahil sa mga narinig ko sa kanya. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang nangyayari, bakit ganito? Pinilit kong hindi manginig ngunit hindi ko mapigilan iyon, patuloy pa rin ang panginginig ng dalawang kamay ko at tumutulo ang luha ko.

Why me? Did I do something wrong? Why they're blaming me? 

"Kung hindi dahil sa Daddy mo e 'di sana mayaman din kami katulad ninyo at hindi naghihirap! Kung hindi mo rin naging kaibigan si Dariel ay maayos sana ang buhay nila ngayon, hindi sana nakilala ng Dad mo ang Tatay niya---"

"Kapag hindi ka pa umalis, tignan natin ang mangyayari sa iyo. Kakadladkarin kita sa labas..." Putol sa kanya ni Ate Ezikiah, pagkatapos noon ay umalis na si Ate Katherine pero hindi kumikibo si Kalia habang nakatingin sa akin.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko para pakalmahin ako, inabutan ako ng isang kasambahay ng tubig habang bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. Hindi ko iyon pinansin at yumuko. Huminga ako ng malalim nang ilang beses, pumikit ako at patuloy ng paghinga nang malalim hanggang sa maging maayos na ang lahat pati ang paghinga ko.

Si Dariel, siya iyon. Siya ang kaibigan ko dati at iisa lang pala silang dalawa. Pero hindi ko maiwasan na isipin ang sinabi ng pinsan ko sa akin na ang Daddy ko ang dahilan kung bakit sila naghirap, bakit nagtr-trabaho sila para sa pamilya ko kung malaki ang nawalang pera sa kanila? 

He's so different unlike before. I hate myself for being numb.

Bakit kahit malaki ang kasalanan ng pamilya ko sa kanila ay mabuti ang trato nila sa aming magkakapatid? Bakit ang bait-bait nila sa amin? 

"Adelaide, inumin mo muna itong tubig. Huwag mo na munang isipin si Katherine, may sayad yata iyon sa utak. Kapag nagpunta pa siya rito ay hindi na namin hahayaan na makatapak sa sahig ng mansyon dahil napaka plastik." Rinig kong sabi ni Ate Ezikiah na halatang inis sa nangyari kanina.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon