Chapter 1
"What?!"
Inis akong nagpapadyak sa inis. Sobrang aga ko pa naman na gumising kasi gusto kong magpahatid sa kaniya sa school pero nabigo lang ako.
Iniwan ako ng lalaking iyon na mukhang sinadya nito.
"Magpahatid ka na lang sa driver, baka meron lang importanteng gagawin ang Kuya mo kaya maaga itong umalis."
Mom kissed my cheek. Napanguso ako. "Minsan na nga lang siyang umuwi rito tapos iiwanan niya pa ako. Magpapahatid lang naman ako sa kaniya sa school, ah, saka hindi naman kabawasan iyon sa oras niya."
I bit my lower lip. Kinalma ko ang sarili ko kahit ang totoo'y naiiyak na ako sa inis. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang katagang binitiwan niya.
Anong ibig niyang sabihin? Bakit bumilis ang kabog ng puso ko nang sandaling marinig ko ang katagang iyon?
Bawal kami? Bakit? Tanggap naman namin siya bilang pamilya, ah. Bilang kapatid namin ni Margaux. Pero bakit ganito?
Bakit parang tumututol ako? Na para bang ayaw ko na maging kapatid siya? Anong nangyayari sa 'kin?
"I love you, Mom!" I kissed her cheek.
Mabilis ko na siyang tinalikuran. Humigpit din ang hawak ko sa strap ng aking bag habang muli na namang pumapasok sa isip ko ang katagang iyon.
"Argh, Kayren! Ano bang nangyayari sa 'yo?" Mahina kong sinampal ang pisngi ko.
Padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin nawawala ang inis ko kasi iniwan ako ng lalaking iyon. Akala ko pa naman ay maihahatid na niya ako sa school.
Hindi kaya may girlfriend na siya kaya maaaga siyang umalis para sunduin ito? Na ayaw niya lang na maging sagabal ako sa kanila?
"No way," I shook my head.
Imposible. Sa sobrang sungit ng lalaking iyon. Magkakaroon siya ng girlfriend? Mukha ngang allergic siya sa babae kasi maging ako'y nilalayuan na niya. Hindi ko talaga siya maintindihan.
Parang may sarili siyang mundo. Hindi na ako magtataka kung hindi na naman uuwi ang lalaking iyon mamaya. Mas gusto niya pang kasama ang mga kaibigan niya kaysa sa amin na pamilya niya.
"Oh, God."
Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang bigla na lang may humawak sa balikat ko. Agad ko naman itong sinamaan ng tingin. Umupo siya sa nasa harapan kong upuan, kunot pa rin ang noo ko.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? May problema ba?"
I sighed. "Wala... si Kuya kasi..."
Her eyes widened. "Oh gosh! Talaga?! Umuwi na ang Kuya mo?!" Halos humiyaw pa siya sa gulat.
Naagaw tuloy namin ang atensyon ng iba pa naming kaklase sa lakas ng hiyaw niya. Nakakahiya talaga.
"Maricar Mikhylla Cueto!" I glared at her.
She zipped her mouth. Sinubsob ko naman ang mukha ko sa ibabaw ng lamesa at malakas na bumuntonghininga.
"Anong chika, girl? May girlfriend na ba ang Kuya mo?"
Mariin akong pumikit. "Siguro?"
"Sinasabi ko na nga ba't may girlfriend na ang kapatid mo."
"What?!" Agad akong napaayos ng upo, napahawak naman siya sa dibdib sa gulat.
"A-anong sinabi mo? May girlfriend na ang kapatid ko? Saan mo naman nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?"
She raised a brow. Nag-iwas naman ako ng tingin. Bakit kasi hindi ko napigilan na itanong ang bagay na iyon? Ano naman kung may girlfriend na nga ito?
BINABASA MO ANG
Samaniego Series #1 - Lines Between Us
RomanceDo happy endings really exist? Because of her parents, Kayren Melody Samaniego strongly believes in one. Will she do everything to get her own happy ending or she will let her family be in between and have a sad one? *** Kayren Melody Samaniego grew...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte