Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Prologue

203K 3.9K 2.7K
                                    

Prologue


"Argh! I hate math!"

Inis ko sinubsob ang aking mukha sa ibabaw ng lamesa. Kanina ko pa sinusubukang sagutan ang homework namin sa math pero hindi ko talaga makuha ang tamang sagot.

Bakit naman kasi ang bobo ng calculator?

Mabuti sana kung narito si Daddy para maturuan niya ako sa pagsasagot. Magaling pa naman siyang magturo at madaling maintindihan kaso busy si Dad ngayon.

Madalas na nga siyang gabihin sa pag-uwi galing sa company. Of course, hindi matutulog si Mom hangga't hindi umuuwi si Dad. Kahit pa abutin ng madaling araw ay maghihintay pa rin siya. Ganoon niya kamahal si Dad.

Sa tuwing pinapanood ko silang dalawa. Hindi ko mapigilan na kiligin. Sobrang mahal talaga nila ang isa't isa.

How I wish na makatagpo rin ako ng lalaking katulad ni Dad na sobrang magmahal, na handa rin akong ipaglaban kahit na pinagbabawalan na ng buong mundo.

"Ate!"

Nagtatalon si Margaux sa ibabaw ng kama. Pinandilatan ko naman siya ng tingin kasi kakaayos ko lang niyon tapos magugulo na naman.

"Oh, sorry..." She giggled.

Umupo na siya sa gilid ng kama at niyakap ang unan ko. "Bakit?"

"Nandito na si Kuya!"

My eyes widened. Agad rin akong napatayo mula sa kinauupuan upang magtungo sa harapan ng salamin. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para mapapula iyon. Sinuklay ko rin ang mahaba kong buhok. "Teka, bakit ko ba ginagawa ito?"

Napailing ako at mariin na pumikit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang lumundag ang puso ko nang marinig na umuwi na ang lalaking iyon.

Paano ba naman, halos tumira na siya sa condo ng mga kaibigan niyang siraulo. Madalas siyang wala rito. Hinahayaan na rin nina Mom kasi hindi na talaga siya mapigilan pa.

Saka kaya na naman nito ang kaniyang sarili. Baka nga isang araw ay magkaroon na siya ng sariling condo na malapit sa kanilang school. Hindi ko maintindihan pero ayaw kong umalis siya rito.

Sasabihin ko kay Mom na huwag siyang payagan na magkaroon ng sariling condo. Uso pa naman iyong magdadala ng babae sa unit para lang maglandian.

No way.

"What are you doing here?"

Napahawak ako sa aking dibdib nang marinig ko ang kaniyang boses. Nakadungaw ako sa loob ng kaniyang silid. Hinanap ko naman kung nasaan siya.

Napatakip ako sa bibig nang makitang wala siyang pang-itaas. Para akong napako mula sa aking kinatatayuan habang hindi ko pa rin maalis ang tingin sa kaniyang katawan. Halatang alagang gym dahil sa kaniyang abs.

God, Kayren, please do something!

"Shit."

Mukhang napansin niya na hindi ako mapakali nang makita siyang nasa ganoong kalagayan. Agad din siyang nagtungo sa cabinet at hinila ang isang damit na mabilis niya namang sinuot.

"P-pwede mo ba akong tulungan sa homework ko?"

Tuluyan na akong pumasok sa kaniyang kwarto. Umupo naman siya sa gilid ng kama habang tinutuyo ng tuwalya ang basa niyang buhok.

"Anong subject?"

He looked at me. Umiwas ako ng tingin at umupo rin sa gilid ng kama. Malayo sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.

Naiilang ako! He is my brother for Pete's sake! Kahit na hindi man kami magkadugo, kapatid ko pa rin siya.

Dala niya ang apelyido ni Dad. He is a Samaniego!

Zairus Nathaniel Samaniego! Damn.

"Math," I replied.

He nodded. Mukhang wala siyang balak na lumapit sa 'kin kaya ako na ang tumabi sa kaniya. Kinuha niya naman ang notebook ko at tiningnan iyon.

Hindi ko naman maalis ang tingin sa kaniya. Basa pa rin ang kaniyang buhok. Humahalimuyak din sa aking ilong ang amoy ng kaniyang shampoo.

Sobrang bango niya!

"Stop staring at me, it's rude..."

I blinked twice. Hindi ko akalain na mapapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Bakit kasi ang gwapo niya? Marami tuloy ang nagkakagusto sa kaniya.

Naiinis tuloy ako lalo na kapag nagpapansin ang mga ito sa kaniya. Sarap hilahin ang mga buhok!

"Tapos na." Ibinalik niya sa 'kin iyong notebook.

Napaawang na lang ang aking bibig. "Tapos na agad?!"

Hindi niya ako tinugon. Tiningnan ko ang problem at nagulat ako kasi nasagutan na nga niya nang hindi ko man lang napapansin.

Para bang mayroon siyang calculator sa utak. Hindi na rin naman nakakapagtaka, matalino talaga siya. He's taking civil engineering. Kung ano pa ang pinakaka-ayawan kong subject, iyon naman ang kaniyang paborito.

"Hindi ka pa ba aalis?"

Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Seryoso lang ang titig niya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit dumating kami sa ganito.

Na para bang nilalayuan niya ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"K-kuya..."

Hindi niya inalis ang titig sa 'kin. Napansin ko ang pagtaas baba ng kaniyang adams apple. Mariin akong pumikit at humugot nang malalim na hininga.

"P-pwede bang bumalik na tayo sa rati? Kasi napapansin ko, nilalayuan mo ako. Hindi tulad noon na hinahayaan mo lang ako na kulitin ka. Na kahit sa pagtulog ay magkatabi tayong dalawa. Anong nangyari? Bakit ka naging ganito sa 'kin?"

Nananakit na ang lalamunan ko para lang pigilan na maluha. Nanatili ang titig niya sa 'kin na para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako.

"Please leave, I wanna rest."

Umiling ako. Hindi ko na napigilan na umiyak na kaniyang ikinagulat. Wala akong pakialam kung marinig sa labas ang pag-iyak ko.

"I hate you, Zairus, I really hate you!"

Inis ko siyang pinaghahampas. Hinayaan niya lang ako na saktan siya habang mas lumakas pa ang iyak ko.

"W-wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah! Pero bakit mo ako iniiwasan?! Dahil ba sa pagtulak mo noon sa 'kin sa mall? For Pete's sake, ang tagal na niyon! Move—" he cut me off.

"Bakit ako lumalayo sa 'yo? Dahil nagagalit ako sa sarili ko!"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tumitig sa aking mga mata.

"...kasi hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko! Tangina, maling-mali!"

Tumayo na siya habang walang tigil pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko siya maintindihan. Anong mali? Bakit siya nagagalit sa sarili niya?

Dahil ba sa 'kin? Pero bakit? Anong ginawa ko sa kaniya?

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

Muli niya akong nilingon. Magkapako lang ang tingin naming dalawa. Nababahid ang inis sa kaniyang mukha.

"Please leave."

Umiling ako. Tumayo ako at hinawakan ang kaniyang braso. "A-anong ibig mong sabihin? Please, enlighten me..."

Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat. Nagulat ako nang ipaglapat niya ang noo naming dalawa.

Bumilis din ang kabog ng puso ko sa hindi na maipaliwanag na dahilan. Pero mas lalo pang dumoble ang tibok niyon nang marinig ang katagang lumabas mula sa kaniyang mga labi.

"Every time I look at you, it hurts... because we can't. We really can't..."

Samaniego Series #1 - Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon