Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 4

69.6K 2.1K 1.7K
                                    

Chapter 4

"Hawakan mo nga ang dibdib ko..."

Akmang ipapatong ko sa dibdib ko ang kaniyang kamay pero agad niya namang binawi. "Gaga ka, bakit ko naman hahawakan ang dibdib mo?"

Humalumbaba at malakas na bumuntonghininga. Hindi ko rin mapigilan na mapanguso. Naabutan ko kanina si Kuya pero hindi ako nagpumilit na magpahatid sa kaniya.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko. Hindi kaya may sakit ako sa puso? Kaya bumibilis na lang kabog nito sa tuwing kasama ko ang lalaking iyon?

"Papakiramdaman mo lang naman kung malakas ba ang kabog ng puso ko..."

She raised a brow. Wala rin siyang nagawa kundi ang hawakan ang bandang dibdib ko. Hindi ko naman inalis ang tingin sa kaniya.

"Malamang na malakas ang kabog ng puso mo kasi buhay ka. Ano ba kasing nangyayari sa 'yo? Ilang beses na kitang narinig na bumuntonghininga. Iniisip ko na tuloy na may pinagdaraanan ka na hindi mo lang masabi sa 'kin..."

Hindi ko napigilan na muling bumuntonghininga. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na kaya ako nagkakaganito nang dahil sa kapatid ko?

Baka isipin niya pa na may sayad na ako sa utak kasi nararamdaman ko ito sa lalaking iyon, sa kapatid ko.

"Naranasan mo na bang magmahal?"

Patagilid kong ipinatong ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari kahapon. Sa ginawa niyang pagsayaw sa 'kin at sa salitang binitiwan niya.

Bakit ayaw niya akong magpaligaw sa iba? Na mag-Boyfriend? Anong ibig sabihin niyon? Dahil ba natatakot lang siyang masaktan ako? Na masaktan ang kapatid niya nang dahil lang sa isang lalaki?

Hindi ko na alam. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko, siya pa kaya ang maintindihan ko? Pareho na yatang may sayad kami sa utak.

"Anong bang tanong iyan? Malamang, oo. Mahal ko ang pamilya ko, ikaw na kaibigan ko-wait... in love ka ba kaya ka nagkakaganiyan?"

My eyes widened. Napasandal din ako sa likod ng upuan sa gulat sa sinabi niya.

"H-huh? Ako? In love? Bakit ko naman mamahalin ang kapatid-oh, God."

Agad kong natakpan ang bibig ko nang ma-realize ang sinasabi ko. Namilog naman ang kaniyang mga mata sa gulat.

"Umamin ka nga sa 'kin, girl, may hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat, namimilog pa rin ang kaniyang mga mata. Pilit naman akong umiiwas ng tingin sa kaniya.

"A-ano naman ang sasabihin ko sa 'yo?" I pursed my lips.

"May gusto ka ba sa Kuya mo?"

Mariin akong pumikit. Mukhang wala na talaga akong kawala pa sa kaniya. Saka hindi ko rin naman ito maitatago ng matagal kasi siguradong kailangan ko rin na humingi ng payo niya.

Siya lang naman ang malalapitan ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Mom ang tungkol sa nararamdaman ko. No way.

"W-what?"

Mabagal naman akong tumango. Ibinulong ko sa kaniya na hindi ko talaga kadugo ang lalaking iyon. Na anak ito ng ex ni Dad.

Malamang na magugulat siya. Sa tagal na naming magkaibigan, ngayon ko lang sinabi sa kaniya ang bagay na ito. Siguradong nagtatampo siya sa 'kin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko ba itinago sa kaniya ang katotohanan... siguro dahil natatakot akong mag-iba ang tingin niya rito? Na isipin niya na sampid lang ang lalaking iyon sa pamilya namin.

Samaniego Series #1 - Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon