Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 5

64.6K 2K 1.8K
                                    

Chapter 5

"Bakit narito pa iyan?" I mumbled.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang matanaw ko ang lalaking iyon. Ilang araw ko rin siyang iniwasan. Naging madali naman kasi maaga siyang umaalis para pumasok sa school.

Mukhang naging busy na rin siya na sobrang ikinatuwa ko. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit narito pa siya ngayon? Mamaya pa ba ang klase niya?

Ipinatong ko ang siko ko sa railing ng hagdan at humalumbabang nakatingin sa kaniya. Kasalukuyan niyang tinitikman ang niluto ni Mom. Hindi ko mapigilang mapalunok nang matanaw ang paggalaw ng adams ng apple niya.

Magulo rin ang kaniyang buhok. Tanging sando lang ang suot niya kaya lumalantad ang maganda niyang mga braso.

"Putik, ang guwapo talaga!"

Natakpan ko ang bibig ko kasi napalakas ang boses ko. Nakahinga naman ako nang maluwag kasi mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko.

Baka magpalamon na lang ako sa lupa kung nagkataon na narinig niya ang sinabi ko. Bakit kasi hindi ako nag-iingat?

"Sinong guwapo? Si Dad? Umuwi na si Dad?"

Napahawak ako sa dibdib nang bigla na lang may umimik sa gilid ko. "Margaux naman! Bakit ba bigla ka na lang nanggugulat diyan?"

She pouted. "Ops! Sorry, ano ba kasing ginagawa mo riyan, Ate? Bakit hindi ka pa bumababa? Kanina ka pang tambay riyan, ah."

Sinilip niya ang tinitingnan ko. Mabuti na lang wala na roon ang lalaking iyon. Si Mom na lang na kasalukuyang naghahanda ng umagahan namin.

Bumaba na ako kasi baka ma-late pa ako sa klase kapag nagpa-bebe pa ako. Sana lang ay umalis na ang lalaking iyon. Hindi talaga ako kumportable na makasama siya.

"What?!" Napatayo ako mula sa kinauupuan nang marinig ang sinabi ni Mom.

"Yes, isang linggo lang naman na mawawala si Manong kasi kailangan siya ng asawa niya kaya pansamantalang ang Kuya mo muna ang maghahatid at susundo sa inyo."

What?

"Ayoko, Mom, please... Magpapasundo na lang ako sa kaibigan ko, saka ayaw ko rin na makaabala kay kuya kasi marami siyang ginagawa..."

Umiiling pa ako. Tahimik lang na kumakain si Margaux. Si Dad naman ay ilang araw nang hindi pa rin umuuwi na kasalukuyang nasa Batangas. Kasama nito si Lolo para sa business.

Miss na miss ko na si Dad. Lalo na siguro si Mom. Pero kahit na sobrang busy nito'y hindi pa rin siya nakakalimot na tawagan si Mom. Sobrang clingy talaga ni Dad.

"Nakausap ko ang Kuya mo kanina, pumayag siyang ihatid at sunduin kayo. Hindi naman daw iyon kabawasan sa oras niya."

My lips parted. Hindi ko alam kung anong magiging reaction sa narinig. Mabuti na lang hindi sumabay sa amin ang lalaking iyon na kumain ng breakfast kasi hindi talaga ako mapapakali kung narito siya.

Saka anong hindi kabawasan sa oras niya? Hindi nga niya ako maisabay sa pagpasok at masundo sa pag-uwi sa sobrang busy niya o talagang iniiwasan niya lang ako?

Bakit niya naman ako iniiwasan? Gusto niya rin ba ako?

"Paano kung ako na lang po ang magmaneho? Marunong naman po akong magmaneho," pamimilit ko pa.

"No, Kayren, siguradong hindi ka papayagan ng Dad mo saka hindi ka pa gaanong marunong magmaneho. Paano kung may mangyaring masama sa inyo, ha? Huwag na matigas ang ulo."

I bit my lower lip. Mukhang wala na talaga akong magagawa pa kundi ang hayaan ang lalaking iyon na ihatid at sunduin ako. Saka baka magtaka pa siya kung bakit parang ayaw kong makasama si Zairus.

Samaniego Series #1 - Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon