Chapter 15

3 0 0
                                    

Continuing . . . 10-29-2023



Four Popular Boys Fall in Love in One Extraordinary Girl.

Belle's POV

   Friday. Bagong umaga, bagong sabak sa panibagong buhay. Char! Bitbit ko ang Output na ipapasa kay Ms. Flores ang English teacher namin. Patungo na ako sa English department para iwanan na ito doon bago dumiretso sa classroom namin.

   "Wala pa ata ang mga ugok ha." Palinga-linga ko pa sa paligid. Naka pagtataka ata ha. Sinipat ko ang aking relo pambisig. 7:15 am na, karaniwan ay 7am pa lamang nag ga-grand entrance na ang mga iyon.

  "Belle!" Awtomatik na napalingon ako sa tumawag sa akin mula sa likuran.

  Si Coco? Pinaningkitan ko siya ng mata. At ano naman ang kailangan sa'kin nito. Sesermunan na naman ba niya ako tungkol sa boyfriend ko na si Ceron? Hay nako! Bahala nga siya sa buhay niya. 

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad.

"Huy!" Hinigit na niya ako dahilan upang mapalingon ako bigla sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya, muntik ko na iyong ika-out balance. 

Dug. Dug. Dug.

Ilang beses pa akong napakurap-kurap sa kaniyang harapan. Never in my life kong naisip na malapitan kong maaaniag ang mukha ng bakulaw na ito, and in fairness, makinis  at wala siyang blackheads. Pero ba't parang mayro'ng kakaiba?

  Sumilay ang malawak na ngiti mula sa mapupulang labi ni Coco. "Tinatawag kita."

  Oo nadinig ko at wala akong pake! Sa isip-isip ko.  Winasiwas ko ang kamay niyang  nakahawak sa braso ko para bitiwan nya ako. Inayos kunwari ang layayan ng aking palda at saka siya hinarap. Ang bakulaw na 'to nakakapang-init talaga ng dugo.

  "Nagmememorise ako ng table of Elements. Hindi kita narinig." Mataray kong sagot sa kanya. Ano ba kasing kailangan nito sa akin?

"Ah. Pagayahin nalang kita mamaya sa quiz. 'Wag ka na magmemorise, usap na lang tayo."

Pinaningkitan ko siya ng mata. For sure tungkol lang ito kay Shine.

"Kung magpapatulong ka sa akin tungkol kay Shine, well sorry kay Louie ang supporta ko." Tunay naman mas boto ako sa bestfriend kong si Louie para kay Shine no. Coco is a jerk, ayoko siya para kay Shine.

"Ito naman. Lumapit lang ako, si Shine agad?"

"Bakit may iba pa bang dahilan, 'yon naman ang kailangan mo talaga sa akin?" Pagtataray ko ulit sa kanya bago nagsimulang maglakad ulit patungo sa classroom.

  "Napakajudgemental mo talaga kahit kailan. Yayayain lang naman kita, sabay na tayong pumasok." 

Sinabuyan ko siya ng nakapagtatakang tingin, ineksamin ko ang kilos at pagmumukha niya ngayon. Parang wala naman siyang sakit, ang kaso lang bakit parang may iba ako talagang nasesense? May nakian ba siyang masama ngayong araw? At saka bakit hindi di niya kasama ang tatlo pang mokong?

"Puwede ba Coco, tigil-tigilan mo nga ako ngayong araw. Kung balak mo na naman akong i-prank, please lang, back off." Mariin kong pagbabanta sa kaniya. 

Natanaw ko ang pigura ni Mr. Santos, ang P.E teacher namin na pasalubong sa amin kaya naman naghanda na ako upang batiin siya, mahirap na baka maidagdag pa ako sa mga target niyang estudyante na hindi nagbibigay ng greetings sa kaniya. 

"Napaka-sungit mo talaga kahit kailan, ikaw na nga itong sinasabayan, choosy ka pa talaga? Tignan mo nga kung gaano sila kainggit sa 'yo. Out of all people ako, si ang poging si Coco ang kasabay mo sa paglalakad, aba naman!"

"Tsk!' Inismiran ko siya. Grabe, taas ng kumpiyansa sa sarili ha. Pero  hindi ko rin naman masasabi na mali ang sinabi niya. Halos lahat naman talaga ng estudyante na malalagpasan namin ay napapatili at kilig sa presensiya niya. Nakakairita! Mas cool naman tignan si Louie kaysa sa kaniya, no.

"Lumayas ka nga sa harapan ko, nanggigigl ako sa 'yo Coco. Do'n ka na nga!" Sabay tulak ko pa sa kaniya. Konti na lang sisipain ko na rin 'to. Kahit kailan napakapanira sa araw.

Ngunit ang biglang  bad aura ko ay napalitan ng tuwa ng matanaw si Ceron, kumaway pa ito sa akin kaya naman gumanti rin ako ng masiglang pagkaway sa kaniya. 

"Masaya ka naman? Eh, playboy 'yan," seryosong sambit ni Coco. Deretso lang ang tingin nito, habang ang mga kamay ay nasa pockets na ng pants niya. Para bang  may masamang hangin na umihip sa lalaking katabi ko at nag-iba ang tono nito. 

"Alam mo, mauna ka na sa classroom, kaya ko ang sarili ko." Kanina ko pa siya pinagtatabuyan pero nag tigas ng ulo niya't hindi man lang nakikinig sa akin.

"Mamaya."

"Whatever!" Pinaikutan ko siya ng mga mata at saka masayang binungad si Ceron. "Am, hi!"

"Hi, kanina pa kita hinihintay, tara, ihatid kita sa room mo," anito na ikinagulat ko. For the first time kasi sa loob ng one month na pagiging mag-on namin ay ngayon niya lang ata ako sasamahan sa room ko. At isa pa ang sabi niya ay secret daw dapat ang relationship namin dahil ayaw daw niya na maraming makikisawsaw. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero bukod sa apat na mokong na tinatawag ang sarili nila na Populars ay may mga pogi at astig na nilalang pa rin naman sa eskwelahan na ito.

"Ahm, s-sige, kung 'yan ang g-gusto mo," jusmiyo, nauutal ko pa talaga na sabi.

"Sandali." 

Na-estatwa ako sa muli na namang pagbuka ng bibig ni Coco, binalingan ko pa siya at pasimpleng pinanlakihan ng mga mata. At ano na naman ang gusto niya ngayon?

"Hindi siya puwedeng ihatid ngayon, may project kami na kailangang matapos bago magsimula ang klase, kaya kung puwede ay dumistansiya ka muna."

What was that?

Sumilay rin naman any hindi inaasahan na ngiti sa labi ni Ceron, pero sa ekspresyon niya ay tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Coco. Anyways, noon pa naman ay mayroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawang ito, lalo na sa dance competition. 

"Mawalang galang sa 'yo 'tol ha, pero girlfriend ko si Belle kaya ako ang mas may karapatan sa oras niya-" nagsalita na si Ceron na siyang kinabillib ko pa sa kaniya. Mas lalo ata siyang gumu-gwapo sa paningin ko, yieh.

"Really?" putol ni Coco sa sinasabi ni Ceron. "Well, sorry pero wala kang magagawa. Halika na Belle, ayokong magkaroon ng pulang grade ngayong Period."

"Pero-"

Shocks! Wala na ba akong karapatan na magsalita ngayon? And wait, am I born para hila-hilahin lang? Nanggigil na talaga ako kay Coco, panira siya sa buhay ko kahit kailan, pati lovelife ko sisisrain niya rin ata.

"Ano ba, Coco, nakakaasar ka na. Ano ba kasing trip mo sa buhay ha. FYI lang mas gusto kong sumama kay Ceron kaysa sa 'yo, no." Panunumbat ko sa kaniya. Mabuti at nabitiwan na niya ako dahil balak kong balikan si Ceron at ayain siyang ihatid na ako sa room. Magkaiba kasi kami ng section kaya medyo nakakalungkot." 

"Bahala ka nga," sabi niya at saka naglakad na nauuna sa akin.

Napaarko ang kilay ko sa asal niyang iyon. Napaka-freak naman talaga oh. Manghihila pagkatapos ay basta-basta mag-iiwan, ano kaya 'yon?

"Gusto mong bumalik do'n? Fine, it's your choice. Go!"

Aba! At hinahamon ako. "Talagang babalik ako, tse!"

Pero isang maling desisyon ata ang ginawa kong paglingon sa gawi ni Ceron dahil nagselos lang ako sa kumpol ng babae na nakikipag-usap sa kaniya. Ano, ang aga-aga nakikipaglandian sila? At isa pa itong si Ceron, ano masayang-masaya rin siya? 

Napadabog na lang ako sa senaryo na 'yon.  Ibinaling ko na lang ulit ang tingin sa papalayo na si Coco.

Isa ring weirdo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOUR Popular Boys Fall Inlove in ONE Extraordinary Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon