Miss Sidekick

20 0 0
                                    

Coco's

    Pagkalipas ng 30mins pagkatapos nang nangyaring kababalaghan sa bahay nila Shine ko ay umuwe na din kami tinawagan ni Ivan ang driver nila para magpasundo dahil di naman namin kabisado doon.

  Kagulat gulat talaga na malamang beki pala ang kuya na tinatawag ni Shine.

  Hehehe.

    Aayain ko pa naman sana mag basketball minsan kaso parang di naman yun naglalaro non sa haba ng mga kuko nito sa kamay.

   Hahahaha.

  " Mga bro, mauna na muna ako sa inyo ha. May pinapabili kasi sakin si Carol e." pagpapaalam ko sa kanila. Andito kami sa bahay nila Ivan.

  " Cge " sabay sabay nilang sabi ng walang kabuhay buhay.

   Hmp. Parang ok lang sakanila umalis ako ha.  Siguro may mga binabalak na naman tong mga mokong na ito.

   Hindi ko na lang pinansin masyado iyon at umalis na. Bat ba kasi ako pa nautusan ng kapatid ko na iyon e. Pwede naman sya ang bumili ng libro na gusto nya. Bahala sya pag diko nahanap yun , uuwe akong magiging luhaan sya.

  May kalayuan ang mall sa subd. Nila Ivan kaya inabot ako ng 45mins bago nakarating.

   Dapat lumipat na nang subd. Sila Ivan. Mapera naman sila dun na sa malapit lapit sa mall nahirapan tuloy ako.

Pagka pasok agad ay dinerecho ko na ang bookstore at hinanap agad ang name ng book na minessage nya kanina sa akin.

  Paano mapabunga ng bayabas ang puno ng mangga. By. Kulasisi

  Haa? Seryoso di ko na napansin ang title ng librong to pag ka send nya sa akin ha. Nag eexist ba talaga to o pinagti tripan ako ng kapatid ko na iyon. Baka mamaya mapahiya lang ako pag pinagtanong ko ito. Hahanapin ko nalang.

  Atsaka balak nya ba magpabunga ng bayabas sa puno ng mangga?

  Ay ewan na lang.

   Tinignan ko bawat bookshelf na andoon. Inisa isa ko pa para sure , ayoko magtanong no. Sa dami ng libro dito mahahanap ko kaya iyon. Naduduling na nga ako .

  Kulasisi

Kulasisi

Kulasisi.

  Nasaan ka ba?

  Yari ka sa akin pag nakita kitang bata ka. Pinapahirapan mo ko .

  Nag inat inat ako saglit dahil parang nangangawit na ang leeg ko ah. Konting stretching lang , kinusot ko ang mata ko at pinagkuskos ang mga palad hudyat na handa na ulit ako sa paghahanap kay Kulasisi.

  Payuko na ako ulit ng may pamilyar na tao akong nakita. Napadaan sa harap ng bookstore.

  Hindi ako pwede magkamali. Si Sidekick Belle iyon at bakit nya kasama si Ceron. Ang lintik na Ceron na iyon , e kalaban ko yon sa dance challenge lagi ah. Bakit nya kasama ang bakulaw na yon. At magkahawak pa sila ng kamay ?

  Ano to?

   Kaya pala hindi sya nakapunta kila Shine kasi naglalandian sila ng bakulaw na ito.

Teka nga lang.

  Lumabas ako ng bookstore at sinundan sila.

Sinipat ko ang relo ko , alas sais na ng gabi ha.

  Ewan ko ba pero para akong ninja na nagtatago dito at nagmamanman. Pake ko ba kung may dinadate ang babae na to di naman kami close. Kaso lintik naman bakit sa kaaway ko pa, nakakapanggigil lang.

Atsaka hindi ba alam ng babae na to na playboy ang Ceron na yun? Linggo linggo kaya magpalit ng girlfriend  yun. Kala mo naman sobrang gwapo , e hindi naman.

Tumigil ang dalawa sa tapat ng DQ.
Wow! May pa DQ ang mayor mo ah. Sosyal!

Kaso bat may mali?
 
Bakit si Sidekick ang nagbayad?

Hmm... I smell something ha.

  Naglakad pa ng kaunti ang dalawa habang nagtatawanan.

  At tuwang tuwa pa syA?

  At the end sa likod  ng mall ang tungo ng dalawa. Lumapit ang mga ito sa isang motor na nakapark . Kita ko ang paglalandian nila. Argh.

Mukhang nabobola na ang babae na ito. Kawawa.

Umangkas si Ceron at nag helmet na. Inistart ang motor at...

  Haa?

Iniwan nya si Belle doon?

Tinanaw naman ng Sidekick na ito ang papalayong Ceron the cheater.

  Naglakad ako palapit kay Belle.

  " Kala ko naman ihahatid ka ng Ceron na iyon. Iniwan ka?"

  " Ah may importante kasi sya-"

  Hindi nito natapos ang sasabihin. Nagulat ata.

Napalingon ito.

Nagulat nga. Ang epic ng malalaki nyang mata. Haha

  " Ano namang ginagawa mo dito?" pagalit na tanong nito.

" Nanonood ng live show?" mapamg asar kong sabi

Tinaasan ako nito ng kilay. " Hmmp.. Ewan ko sayo" at saka ako tinalikuran

" boyfriend mo ang Ceron na yon?" tanong ko. Sumunod na din ako sa paglalakad nito.

  " Wala kang pakialam kung Oo" masungit nitong sabi

" Iniwan ka lang dito, napaka iresponsable naman nun" sabi ko ulit

Totoo naman. Kung si Shine iyon ay ihahatid ko pa ito sa kanila makasiguro lang na safe ito. Ganun ako magmahal ng tunay.

" Manahimik ka nga. May importante syang lakad ok. At saka ano naman ba ang pakialam mo kasi ha" tumigil ito at nilingon ako. Kita sa mukha na naiirita ito.

  " Concern lang ako sayo Sidekick, alam mo naman na dakilang playboy yun ha. Pinatulan mo" natatawa kong sabi

Hindi ito umimik.

" Atsaka, sa dami dami ng lalaki bat yun kaaway ko pa. Alam mo naman na pag kaaway ng isa sa amin kaaway na ng lahat. Ano nalang sasabihin ni Louie sayo. " tuloy tuloy kong sabi

" 'Di mo na naman pinapagana utak mo e" dugtong ko pa.

" Minsan mag isip isip ka din" iling iling kong sabi.

" Pustahan tayo, 1week iiwanan ka din nun. Tatawanan lang kita pag nangyari yon. Haha"

 
  " Iiyak ka lang"

Napatigil ako sa pagsunod dito. Tumigil kasi sya at nabundol ko tuloy.

  " Edi ikaw na ang nag iisip. Talino mo. At isa pa, wala kang pakialam kung ano mang gawin ko sa buhay ko. Mga magulang ko nga walang pakialam sakin e. Kaya pwede ba, wag kang umasta na kung sino sa buhay ko. Hindi tayo Close Coco para ipaalala ko sayo" galit nitong sabi .

Kita ko sa mata niya ang pagpipigil nya sa luhang namumuo at malapit ng tumulo.

" Kung masaktan ako, edi masaktan. Ganun ang buhay e. " dugtong nya.

  " Labas ka na doon kung umiyak ako kahit isang drum pa ng luha. Wag kang mag aalala hindi mo naman makikita pag nangyari yon"

Shet. Tumulo na ang luha ni Sidekick. Shet.

Pinaiyak ko ba sya. Nagbibiro lang ako .

  " Masyado mo naman dinibdib mga sinabi ko-"

  " Hindi ko dinidibdib yon, napuwing ako kaya naPaluha ako. " pagputol nya sa sasabihin ko sana.

Napangiwi ako.

Totoo naman ang sinabi ko ha.

 

" Sige na . Aalis na ko. Wag ka mag alala , kung maloko man ako ni Ceron akin nalang yun. Sarili ko to, buhay ko to" sabi nya

  " Handa akong masaktan para sa taong mahal ko"

Iyon ang huli nyang sinabi at iniwan na ako na nakatayo doon.

FOUR Popular Boys Fall Inlove in ONE Extraordinary Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon