13 Kuya

36 1 1
                                    

Louie's POV

Ilang minuto din at nakababa na kami ng jeep. Sobrang init sa sasakyan na yon OhMyGad talaga, kalurky . Charot lang di ako bading guys ha. Balak ko pa magkapamilya kasama ang babe Shine ko. Naglakad kami ng konting konti lang naman bago lumiko sa isang kanto. Isang simpleng baranggay lang ito hindi gaya sa amin na nasa subdivision ang bahay. Ok naman , mukhang safe naman ang babe ko dito.

" Shine malayo pa ba? " tanong ni Coco

"Ah malapit na tayo, hihi" sagot ni Babe Shine .

Ayan na naman sya sa napaka cute nyang tawa.

" Araw-araw ba ganito lage nilalakad mo? " si Coco

" Hindi naman, ang kuya kasi pumapasok din kaya may kasama ko" sabi nya.

Bigla kaming nagkatinginan. Parang biglang nag connect ang mga utak namin. "May kuya sya??" Sabay lunok ng laway.

  " Mabait yun si kuya , papakilala ko kayo" nakangiti pa din sya.

  Tulo pawis naming apat. Patay!

  " Ah hehe, t-talaga ba? " sabi ko. Ano kaya magandang gawin nito.. Ayain ko kaya si kuya- ay ang kuya pala ni Shine na mag basketball minsan. Bonding ba para mas bumoto sya sa akin. Napangiti ako habang iniisip ang maitim kong balak.

" Ngini-ngiti mo dyan Louie?" pagtatanong sakin ni Kurt.

  " Ha? Wala ah" pag iling iling ko.

" Unggoy yan e, wag nyo na pansinin" banat ni Ivan.

Inambaan ko sya na parang susuntukin inawat lang ako ng dalawa.

" Ay , andito na tayo. Tara pasok kayo" pag aaya samin ni myLoves Shine.

  Bumungad sa amin ang isang maliit, hindi naman sa maliit talaga. Ahm, sabihin nalang natin na cute. Tama! Isang cute na bahay na may pintura na kulay blue. 

  " Tara, pasok kayo." Binuksan nya ang gate na kulay blue din.

  " Ito bahay nyo Shine?" tanong ni Coco.

  Ang bobo naman nito ni Coco , papapasukin ba kami ni Myloves Shine kung hindi to sa kanila.

  " Hindi, bahay to ng lola nya" sabat ni Ivan habang naka pasok lang ang kamay sa bulsa.

Isa pa itong ugok na ito.

  " Ang gAling mo Ivan ah paano mo nalaman? Oo sa lola ko talaga to ang bahay na to. Pinamana lang nya sa amin ng mamatay sya. Tara pasok na. " magiliw na sabi ni Shine. At ako naman napatingin ng masama kay Ivan. Inistalk ba nito si myloves?

" Manghuhula kaba tol?" tanong ni Kurt kay Ivan

" Hindi. Gwapo lang" napakayabang na sagot nito

Kakagigil talaga tong lalaki na to.

  "  Pa, andito na po ako. " sigaw ni Shine. Inalis nya ang sapatos na suot at inilagay sa shoerack . Kami namang apat ginaya namin ang ginawa nya.

" Dito ang sapatos ko sa tabi ng sapatos ni Crush " pagsusumiksik ni Coco.

" Dito sakin sa kabilang tabi " singit din ni Kurt dahilan para matulak ako nito sa pader.

  " Aray , aray! " react ko. " Gusto mong idikit ko mukha mo dto sa pader na to ha Kurt. Ano kayo mawawalan ng pwesto ng sapatos ha. Pagtatadyakan ko kayo dyan e" akma pang ibabatok ko sa kanya ang sapatos na hawak ko. Todo iwas naman ang loko.

   " Dahil nag agawan na kayo sa magkabilang side na available , dito na yung akin" binuhat ko ang saptos ni Shine at doon ipinatong ang shoes ko at saka ipinatong din ang sapatos nya. Ang lagay e parang buhat ko ang napaka halaga nyang sapin sa paa.
Napangisi ako .

FOUR Popular Boys Fall Inlove in ONE Extraordinary Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon