Six - Pets

114 23 183
                                    

Dedicated to sasusaku15

Oh hayan beh! Masaya ka na? Huhu! Yieh! Salamat at nakasupport ka pa rin sa'kin beh! Labyou! Yieh! Basa ka lang hehe! ❤️
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Timothy's PoV

Hay, buti naman di nagtakaers ang baylalung si Dexo. Minsan di ko rin alam sa kaibigan kong to, napakapaniwalain niya, I mean kung anong sinabi mo, paniniwalaan niya. Kaya nakakatakot kung sa maling tao siya magtitiwala, kaya natatakot rin ako sa Darcosid Sinn na iyon. Hindi namin alam ang totoong pakay niya kay Dexo.

Buti na lang at ang galing galing ni Amelia Shin sa panghahack at nagawa niyang itago ang ibang impormasyon tungkol sa pagkatao ni Dexo. Pero nakatago naman na talaga lahat ang pagkatao ni Dexo, dahil na rin sa tatay niya.

Hindi ko maisip ang buhay ni Dexo. Iniisip ko pa lang lahat ng pinagdaanan niya, ang hirap hirap na, kung ako siguro iyon, patay na ako at wala na sa mundong ibabaw. Buti na lang talaga at ang tapang niya para harapin lahat ng iyon kahit maliit lang ang porsiyentong mananalo siya.

Isang beses ko lang siya nakitang maging mahina, nang iwan siya ng ex niya. Akala namin nang maging sila, magbabago na si Dexo, kasi dahil sa lalaking iyon, natuto siyang ngumiti at hindi laging ang seryoso ng mukha. Mula kasi ang mabuo kami biglang grupo, ni minsan hindi namin siya nakitang ngumiti. He never smiled nor laugh, or kahit anong ganap kapag masaya.

Pero nang dumating si Rogue, nagbago ang lahat. He was the sun that shined upon the cold flower, Dexo. Siya ang nagsilbing ilaw at init niya, nakita rin namin kung gaano talaga minahal ni Rogue si Vladexo. At kung paano sila nagmahalan. Kami ang saksi, kaming sampu. Akala namin matutuloy-tuloy na. Hanggang sa nalaman naming tauhan pala siya ng isa sa mga kalaban namin.

Hindi namin alam kung anong Mafia siya nabibilang, but we know he leeched some informations from us. We're a group na nabuo dahil kami ay mga leader ng isang gang sa iba't ibang lugar. Si Vladexo ang bumuo samin. Siya ang naghanap at naghalughog ng Pinas para lang mahanap kaming lahat. I remember na he's just 13 when he solidify us as one. Pero ako yung pinakaclose niya kasi mula 9 years old magkakilala na kami. We've known each other dahil nagbabakasyon siya sa lugar namin nang bata pa siya, at dahil baklang hari-hatian ako non sa lugar namin, ayun, inaaya kong makipagjumbagan. Talunan ako, nyeta, isang sapak niya lang sakin, tumbaers na ako eh. Hayy.

Our main goal is to take down every Mafia Group or Organization na nagkalat sa Pinas. His main goal is to erase all of the leeches from our society, which is good din naman. Pero ang hindi namin inaasahan ay ang pagsali ni Rogue sa amin.

When we run a background check, nalaman naming dati siyang miyembro ng isang organization similar to mafias. And his reason to join is, he wants to avenge all of the people that died because of them.

Kaya iyon, tinanggap namin siya. Sa aming lahat na miyembro, ako talaga ang pinakaclose kay Dexo, dahil na rin sa lagi niya akong kasama, I'm his right hand at, alam niyo naman ako, madaldal.

Pero nang masali sa grupo si Rogue? Nag-iba ang ikot ng mundo. He was so bright, I mean his personality. Siya lang ang kaisa-isang miyembro ng grupo ang lakas loob na magpapansin kay Dexo bukod kay self. Kaya di na kami nagtaka ng umamin si Rogue na gusto niya si Dexo. Halatang halata naman kasi sa mga galawan ng gago, lagi itong nangungulit kay Dexo.

Then one day nalaman na lang namin na nagtabi sila sa kwarto ni Dexo, yung kwarto niya ngayon, kwarto niya rin noon. Doon namin unang nakita ang totoong ngiti niya.

Perilous Affinity (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon