Ano bang meron sa mga coffee shop?

50 3 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam na gusto mo mag-coffee shop para umupo at kausapin ang sarili mo para ilatag niya ang mga future niyang plano sa buhay? Yung mga planong 'di mo naman sinusunod ang timeline pero satisfied ka kasi pinlano mo pa rin. At least masasabi mo sa sarili mong: Yes life, handa ako. May plano ako.


Ano bang meron sa mga coffee shop at bakit lagi na lang parang gusto ng isip nating magmuni-muni sa mga lugar na may pa-jazz music sa playlist, may mga ugong ng espresso machines, may mga magkakaibigan o magkakatrabaho na nag-ccatch-up sa buhay buhay, at may mga baristang tama ang tawag sa pangalan mo pero nagkamali naman ng spelling neto sa cup mo?


Hindi ba natin kaya na mag-isip na lang sa bahay? Magtimpla ng 3-in-1 tapos sabayan ng kain ng Jolly biscuit? Unlimited internet access ka pa. Tapos yung lahat ng kailangan mong kulay ng ballpen — abot-kamay. Kapag napagod ka na magplano, pwede kang huminto anytime. Lalakad ka lang ng konti, kama na. Walang pipigil na makapagquick nap kung sa kalagitnaan ng pagpplano ay bigla kang dinalaw ng antok. Walang magjjudge kung hihinto ka saglit para matulog. Kaya mo ba yan gawin sa coffee shop? Syempre, hindi. Huhulihin ka kasi ng guard 'pag ganon. Hindi lang ikaw ang customer sa mundo at isang frappé lang yang binili mo.


Ambiance ba? Amoy ba ng kape (kahit 'di ka naman 100% coffee person)? Pakiramdam ba natin na nakakaangat-angat na tayo sa laylayan kapag nasa coffee shop tayo? Ang gastos gastos pa naman don. Sa totoo, hindi talaga praktikal. Pero bakit hinahanap-hanap mo pa rin? Hay.


Alam kong madami tayong pinagdadaanan ngayon sa gitna ng pandemya at napakaprivileged na ituturing na ang nasa isip at hinihiling ko lang ngayong araw ay makapagmuni-muni sa isang coffee shop. Pero kasi, namimiss ko talaga. Bago magpandemic, yung pagpunta ko sa coffee shop ay nagsisilbing oras ko para sa sarili ko para magsulat, magconfess kay Lord ng mga hinaing ko sa buhay, mag-isip ng mga susunod kong hakbang, at manuod (at makinig sa usapan) ng mga tao sa paligid o people-watching ika nga.


Komportable ako kapag nandun ako kasi alam kong 'yon ang oras para magkulong ako sa sarili kong mundo. Ang gastos 'no? Pwede naman sa bahay kasi talaga. Pero pagbigyan niyo na, 'yan na ang pinakaluho ko sa buhay. 'Yan at ang lahat ng pagkaing gusto kong kainin. 'Yan at pati na rin pala lahat ng naiisipang kong bilhin sa Shopee randomly. 'Yan at pagbbook ng hotel na madalas ay 'di ko naman naitutuloy. 'Yan at... joke lang, tapos na. Ang dami pa lang luho! Hahahaha! Pero gets niyo ba? Kapag hindi, edi bakit?


Hay, gusto ko talaga mag-coffee shop ngayon araw. O kahit sa susunod pa. O sa mga susunod pa kung 'di pa rin matupad yung sa susunod.


Gusto ko mag-coffee shop. Gusto ko magkulong sa sarili kong mundo nang walang inaalala. Kahit saglit lang. Ikaw ba?


***

PUBLISHED DATE: May 6, 2021

POSTED IN: rhetorical questions of a privileged kid  in the middle of a pandemic, sabi ni mace: please stop judging me

TAGGED UNDER: miss ko na magcoffee shop, miss ko na mawala sa sarili kong mundo, wag mo naman ako ijudge sa mga bagay na namimiss ko

paghinga; pahinga.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon