Diary Entry #2: December 15, 2014
Dear Diary,
Diary! Sobrang rush ako ngayong monday! Pasahan kasi ng mga project ngayon. Bakasyon na sa Miyerkules.
Anyway diary, nakakakilig ang araw na 'to. Alam mo kung bakit? Well ikwekwento ko.
Ganito kasi 'yon diary. Recess kanina at katatapos ko lang kumain. Nag ring na yung bell, hudyat na kaylangan ko ng bumalik sa room. Kaso naiwanan ko yung assignment ko sa locker. Ipapasa pa naman 'yon ngayon.
Tumakbo na ako papunta sa locker ko. Pero biglang...
Pak!
May nabunggo ako! Ang sakit nga ng ulo ko hanggang ngayon eh.
"Miss ayos ka lang ba?"
Yan ang sabi nung nakabunggo sa'kin. Humarap ako sa kanya. Nagulat nga ako eh. Alam mo ba diary kung bakit? Si Red kasi yung nakabunggo sa'kin.
Pagkatingin ko sa kanya mukhang nagulat siya. Siguro na iiliang siya sa'kin dahil hinalikan ko siya.
Pinulot niya agad yung mga gamit ko. Napatayo siya nung nakita niya yung isang piraso ng tsokolateng Hany sa tabi ng notebook ko.
"Sayo ba 'to?"
Pinakita niya yung Hany nung nagtanong siya. Tumango tango lang ako bilang sagot.
Napayuko naman siya. Tapos namumula siya nung humarap sa'kin. Ang cute!
"P-pwede ko bang mahingi?"
Nagtaka naman ako sa tanong niya. Tumango tango lang ako. Kahit paborito ko 'yon willing akong magbigay basta sa kanya!
"Sa-salamat!"
Pagkasabi niya nun, binigay niya na sa'kin yung mga gamit ko at mabilis siyang naglakad palayo.
Napatulala na lang ako. Totoo ba 'yon? Kinausap niya ako?
Narinig ko ulit yung bell. Nakalimutan ko na may klase pa pala. Dumiretso na ako sa locker.
Yun lang diary! Bukas na ulit!!
Ang pinakamaganda,
Jeijin Reyes************
Salamat po sa vote!! Yan lang po muna ang update ko! ^^~Author
BINABASA MO ANG
Chocolate Lovers
RomanceThe Diary Full OF Sweetness!! Hope You'll Like My Story! ~Author