Diary Entry #6: December 21, 2014
Dear Diary,
Nag sisimula nang maging weird si Iris. Hindi na niya ako masyadong kinakausap magmula kahapon Diary. May problema kaya siya?
Anyway, pagkagising ko, wala na si Iris sa kama. Pero may tray ng pagkain sa mesa kaya kumain na ako. Ang sarap ng pagkain dito. Pancake with strawberry syrup yung agahan ko.
Pag katapos kong kumain, wala na akong magawa. Gusto ko sanang lumabas kaso wala akong kasama. Nanood na lang tuloy ako ng TV.
Maya maya rin ay may kumatok. Si Red pala Diary. Gusto niya daw magpasama para bumili ng souvenirs. Sumama na lang ako since wala naman akong magawa dito sa loob ng room.
Namangha naman ako sa hotel na 'to Diary. Sa likod pala may malaking garden tapos may pool and may secret na labasan. Dun kami lumabas kasi shortcut daw yun.
Nagkwekwentuhan lang kami habang nag lalakad. Malayo daw kasi yung souvenir shop dito at walang dumadaan na sasakyan kaya nag lakad na lang kami.
Habang nag kwekwentuhan kami ay may narinig ako umiiyak. Pamilyar yung iyak na yun. Nanggagaling sa likod ng puno yung sound. Pupuntahan ko na sana yung umiiyak kaso bigla akong hinila ni Red. May tricyle kasing dumaan. Sumakay na lang daw kami kesa maglakad.
Dumating naman kami sa sinasabing lugar ni Red. Akala ko simpleng shop lang 'to. Pero isa pala itong park! Sobrang daming flowers at stalls! Hinila agad ako ni Red papunta sa isang karinderya. Kumain daw muna kami.
Ang sarap ng mga pagkain. Si Red umorder ng Sweet and Sour Chicken. Gawa daw sa strawberry yung sauce nun. Ang inorder ko naman ay Sinigang na baboy. Strawberry daw yung pangpaasim nun kaya special. Sarap na sarap naman ako kasi halos 1 oras ang biyahe papunta dito. Napagod kasi ako masyado.
Pagkatapos naming kumain, pumunta agad kami sa isang bench malapit sa mga bulaklak. Magpatunaw daw muna kami bago mamili.
Napansin kong may kinuhang kung ano si Red sa bag niya. Mapa lang pala. Pinakita niya sa'kin yung mga places na pupuntahan daw namin.
"Akala ko ba bibili lang tayo ng souvenirs?"
Napatanong naman ako. Kaya pala kumain muna kami kasi marami pala kaming pupuntahan.
"Kasi nag aalala lang ako sayo. Alam kong hindi mo mapuntahan 'tong mga lugar na 'to ng walang kasama. Napansin ko kasing parang wala kang magawa eh. Sayang naman ang bayad mo sa vacation na 'to."
Kinilig naman ako sa sinabi niya. Ang totoo niyan, wala talaga akong planong lumabas sa kwarto ko ng walang kasama. Wala rin naman kasi si Iris. Buti nalang mabait si Red.
Tinuro niya yung mga pupuntahan namin. PMA, Strawberry Farm, Teacher's Camp, at The Mansion. Nalaman ko rin na nasa Burnham Park kami ngayon.
Tumayo na kami tapos pumunta sa isang shop. Binati agad siya ng mga tao dun.
"Good Morning Sir!"
Nalaman ko na siya palaya yung may ari ng shop na 'yon. Sabi niya kumuha lang daw ako ng gusto kong souvenir dahil libre na daw yun para sa'kin. Kumuha ako ng tatlong necklace at T-shirt, para sa amin ni mama at papa.
Pagkatapos namin doon ay pumunta na kami sa Philippine Military Academy. Hindi pwedeng pumasok kaya hanggang sa gate lang kami. Nagpicture picture lang kami doon at umalis na.
Sunod na pinuntahan namin ay ang Strawberry Farm. Nagulat ako sa sobrang laki ng farm na 'yon. Pinayagan kami ng mga tao doon na pumitas ng mga bunga. Nagpicture picture din kami ni Red doon. Bago umalis ay bumili ako ng 3 jar ng strawberry jam. Bumili naman si Red ng mga Strawberry coated chocolate bars.
Sunod na pinuntahan namin ay ang Teachers Camp. Sobrang luma na ng gusaling 'yon. Papasok sana kami ni Red kaso ayaw ko. Narinig ko kasi na nakakatakot sa lugar na 'yon.
Sunod na pinuntahan namin ay ang The Mansion. Sobrang ganda ng lugar na 'yon kaso hindi kami pinapasok.
Hapon na kami nakauwi. Dumiretso na siya sa kwarto niya ako naman dumiretso na sa kwarto ko. Sarado yung pinto kaya kumatok muna ako. Pinagbuksan naman ako ni Iris. Dumiretso agad ako sa kama at nahiga. Sobrang nakakapagod!!
Binati ko naman si Iris. Kaso dumiretso siya sa kama niya at umupo.
"May problema ba?"
Tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin. Huminga siya ng malalim.
"Wa-wala akong problema."
Ang simple ng sagot niya sa'kin. Hindi ko na siya kinulit kasi parang ang bad ng aura niya. Nagpatawag ako ng butler at nagpakuha ako ng pagkain.
Kumain kami ng magkasama ni Iris. Bumalik na siya sa dati at nag uusap na kami. Kaso parang may kakaiba pa rin sa kanya ang weird niya talaga ngayon.
Yan lang muna ang ikwekwento ko sayo Diary. Bukas ulit. Merry Christmas!
Ang Pinakamaganda,
Jeijin Reyes***
Hanggang December 26 lang po ito. Yun lang sana magustuhan niyo!~Author★
~Chocolate Lovers ♡ 2015~
BINABASA MO ANG
Chocolate Lovers
RomanceThe Diary Full OF Sweetness!! Hope You'll Like My Story! ~Author