December 20, 2014

19 3 0
                                    

Diary Entry #5: December 20, 2014

Dear Diary,

Nandito na kami sa Baguio Diary. Alam mo ba super close na kami ni Red? Paano? Ikwekwento ko sayo!

Kaninang umaga paalis na sana ako para pumunta sa waiting place namin para sa vacation sa Baguio kaso biglang dumating si Red. Nagtataka nga ako kung bakit. Gusto lang pala niya akong ihatid. Kinikilig ako! 

Wala naman na akong nagawa kaya nagpahatid nalang ako. Pagkadating namin sa waiting place nag tilian bigla yung mga babae. Kawawa na ako ! Baka sugurin nila ako!

"Reijin!!"

Yan yung sigaw nila. Naka hinga naman ako ng malalim. Akala ko ang dami kong haters. Sinalubong agad ako ni Iris. Nagulat nga siya kasi kasama ko si Red. Kwinento ko lahat ng nangyari at kung bakit kami close. Ang weird nga eh nawala siya bigla nung nasa Baguio na kami.

Nung nasa Baguio na nga kami, dumiretso agad ako sa magiging kwarto ko. Kami ni Iris yung magkasama sa room. Tumalon talon pa nga kami sa kama kasi sobrang lambot! First tme talaga 'to in my life!!

Maya maya may tumawag kay Iris. Bigla na lang siyang lumabas ng kwarto. Weird diba? Ang alam ko kasi hindi masyadong kumakausap ng iba sa phone eh. Wala na tuloy akong makausap at magawa sa kwartong 'to. Lumabas na lang tuloy ako.

Ang ganda pala dito tuwing hapon Diary! Makikita mo talaga yung paglubog ng araw tapos sobrang lamig pa! Naglakad lakad din ako diary. Alam mo ba nakasalubong ko si Red? Wala daw kasi siyang magawa kaya lumabas siya ng kwarto nila. Dinala niya ako sa isang garden. Sabi niya kasi nakapunta na daw siya dito. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden na yun tapos may swing pa.

Umupo kami ni Red sa isang bench. Naguusap kami tungkol sa kung anu-ano. Ang daldal niya! Lagi niya ngang sinisingit yung chocolate. Adik pala talaga siya dun.

Natigil ako sa pakikinig kay Red nang may napansin akong pamilyar na tao sa likod ng isang malaking puno malapit sa garden. Si Iris pala. Balak ko siyang gulatin kaso narinig ko na may kausap pala siya sa phone niya.

"Hindi ko po talaga kayang gawin. Sige po Bye!"

Pagkatapos niya yung sabihin binaba na niya agad yung phone niya. Tungkol saan yung sinasabi niya? Nagulat siya nung nakita niya ako sa likod.

"Kanina ka pa ba nandito Jeijin!?"

Bigla namang lumapit si Red sa amin tapos napahinto si Iris.

"Wag mo nang sagutin."

Lumakad na siya palayo. Ang weird niya talag ngayong araw. Yun lang yung makwekwento ko sayo diary. Naging super close na kami ni Red!!

Ang pinaka maganda,

Jeijin Reyes

Chocolate LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon