Diary Entry #1: December 14, 2014
Dear Diary,
Ito ang una kong diary! Ang saya saya talaga! Alam mo ba diary kung bakit? Kasi nga bigay ka sa'kin ng crush ko. Si Red!
December 14, 2014 ngayon, at special day to para sa'kin. Alam mo ba diary kung bakit? Kasi first time kasi akong kinausap ni Red!
Christmas party kasi ng club namin kanina. Ako yung ka exhange gift niya at ikaw ang regalo niya sa'kin.
"Merry Christmas!"
Yan yung bati niya sa'kin nung inabot niya sa'kin yung gift niya.
"Thank You!"
Hindi ko na na pinigilan yung sarili ko diary. Kiniss ko siya. Yung smack lang. Pero tinulak niya lang ako.
"A-a welcome.."
Pagkatapos niya yang sabihin tumakbo siya palayo. Naiwan ako doon na nakangiti. Ang tamis ng labi niya lasang chocolate! Paborito ko pa naman yung chocolate!
Hindi ako mapakali kaya sinundan ko siya. Ang totoo niyan maraming nakatingin sa amin kanina nung kiniss ko siya. Nakasunod pa rin yung mga tingin nila sa'kin nung lumabas ako sa pinto.
Nakita ko siyang papunta sa court. Nag tataka lang ako kasi walang tao doon palagi.
Umupo siya sa may entrance ng court. Nakatago ako sa punong nasa gilid niya kaya hindi niya ako kita. Kumuha siya ng chocolate bar sa bulsa niya. Yun rin yung paborito kong brand ng chocolate!
"Alam mo Choco, ikaw ang kaunaunahang chocolate na pag sasabihan ko nito."
Sinabi niya yan bago siya kumagat. Ang gwapo niya habang ngumunguya! Kyaahhh! Kinuha ko kaagad yung camera ko para makuhan siya ng litrato.
"Nakakainis kasi Choco!"
Kumagat ulit siya kaya kinuhan ko na agad siya ng picture.
Click!
Napatingin siya banda sa'kin kaya nag tago ulit ako sa puno. Siguro narinig niya yung shutter sound kaya agad kong sinilent yung camera. Nung naramdam ko na hindi na siya nakatingin pwumesto na ulit ako.
"Kasi plano ko talagang halikan siya pag katapos niyang mag sabi ng 'Thank You' kaso naunahan niya ako."
Pag katapos niya yung sabihin, muntik na akong maihi sa kilig! Ibig sabihin ba nun gusto niya rin ako?
Wah diary kinikilig talaga ako! Pag katapos nun umalis ako ng dahan dahan.
Tumakbo agad ako papunta sa locker ko tapos napangiti.
Yun lang ang mahalagang nangyari ngayong araw diary! May gusto kaya siya sa'kin?
Ang pinaka maganda,
Jeijin Reyes***********
Imporatant Note from the author!
Hello po! Maiksi lang po talaga lahat ng diary entries. Salamat. Maiksi lang rin kasi yung story.
Salamat sa pagbabasa. Hope you like it.
BINABASA MO ANG
Chocolate Lovers
RomanceThe Diary Full OF Sweetness!! Hope You'll Like My Story! ~Author