"WEDDING OF THE DECADE"

1.5K 62 22
                                    

-----------

Tanch: shhh, ayan na si father...

*agad naman tumahimik si Sarah dahil sa sinabi ko, mag kahawak kamay kaming tumayo, naramdaman ko yung panlalamig ng kamay nya, well hindi ko alam kung kamay ko ba yung nanlalamig o yung kanya ang alam ko lang mixed emotions kaming dalawa, alam kong parehas kaming masaya at kinakabahan..

para akong nasusuka, na mahihimatay, gusto kong sabihin na "father don na tayo sa "i do" part", pero syempre hindi ko yon ginawa.. si Sarah kalma lang parang wala lang sakanya but i can feel her foot stamping the floor once in a while.. parang ako yung mag manifest ng nerbyos nya..

para akong pinag pawisan ng malamig at buo buo, gusto kong sumuka, gusto kong sumigaw, gusto kong tumalon..

ako ang may plano ng lahat ng to, pero ako yung ninerbyos ng todo..

habang busy si father para sa ceremony ng kasal namin ni Sarah, parang lumilipad tong utak ko, kusa nyang binalikan lahat lahat.. kung paano kami nag kita ni Sarah, yung unang pag kikita, pangalawa, pangatlo, yung drunk wedding, as in lahat..

nangingilid na yung luha ko, luha ng saya at ng pag mamahal ko kay Sarah.. kung pwede ko lang sana sabihin ngayon agad kay Sarah lahat ng to baka hinalikan na ko neto sa kilig..

to be honest hindi din nag sink in sakin yung kasal namin dahil sa kaba..

kung hindi pa ko tatapikin ni Sarah hindi ako babalik sa ulirat ko..

on the middle of the ceremony moment na namin ni Sarah for our promises to each other then the wedding vows..

-----------

SARAH's POV..

*Tanch mahal, alam kong naaalala mo lahat ng masaya at panget na nangyare sa buhay natin mula sa umpisa.. Love, you never ask me why did i choose you.. and now i want you to know the truth, i was never ever been so sure about you, yan ang totoo, hindi ako sigurado alam kong naiintindihan mo ako at alam kong alam mo kung bakit.. nung makita kita sa mall akala ko ikaw sya, pero mali ako, mali ako dahil iba ka.. sabi nila walang sigurado, walang permanente kaya natakot akong buksan ulit ang puso ko para sa panibagong tao.. nung nag kita ulit tayo sa Bora at pumunta tayo sa island, parang magic nakuryente ako sa yakap mo sa bewang ko, nung madulas ka, nung halikan mo ko.. lahat hindi bago sa pakiramdam ko pero iba nung ikaw ang kasama ko.. hindi ko namalayan, unti unti mula nung unang pag kikita natin i was telling our "first meet story" to my bestfriend Sue, hanggang sa ikaw ang kasama kong mag almusal, ikaw ang kasama ko sa walking trip ko sa isla ng Bora, ikaw ang unang babaeng kasama kong pumasok ng simbahan, ikaw ang kasama kong mag sindi ng candle at mag wish..

ikaw yung bukod tanging ipinag luto ako ng lahat ng favorite food ko, ikaw yung nag ccheck sakin if i eat na, if i sleep early.. ikaw lang ang babaeng ganon ka corncern sakin.. kaya nasabi ko sa sarili ko, susugal ako sayo kung tayo, tayo.. kung hindi atleast naging tayo dahil ayoko ng maranasan yung ako mas gusto ko yung tayo..

after ng church date natin, we are so drunk.. nag tatawanan lang tayo, actually kahit nga walang nakakatawa nung time na yon natatawa ako dahil iba yung happiness na binigay mo sakin mula nung dumating ka, hanggang sa kinasal tayo on the same night na lasing tayo.. we both know that it was just a dare, pero sabi ko non, wala na kong paki kung kinabukasan hindi mo maalala at divorce na agad, atleast naging misis kita kahit sa sandaling oras lang..

pero hindi, mali na2man ako, dahil naaalala mo lahat at wala kang pinag sisihan, walang divorce na nangyare the day after our wedding..

it all happened in the past pero ang sarap laging balikan, and now Love.. sigurado na ko.. sigurado na akong tama ang naging desisyon kong buksan ang puso ko para sayo.. tama ang puso kong pinapasok ka nya dahil hindi mo sya iniwan.. tama ako Love, tama yung pag mamahal ko sayo..

MISTAKEN IDENTITY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon