This story contains matured scenes, read at your own risk. (18+)
"Gael!" Sinalubong ni Erin si Gael nang isang mahigpit na yakap nang makarating sila sa Zambales. Mabilis na lumabas si Gael sa kanilang kwarto nang mailapag niya ang kanyang mga gamit. Ayaw muna kasi niyang makasama nang matagal si Oliver dahil pakiramdam niya'y hindi siya makahinga nang maayos.
"I miss you!" ani Erin sa kanya na agad niyang tinulak.
"H'wag ka naman masyadong dumikit sa akin," ani Gael dahilan para mapanguso si Erin.
"Grabe, diring-diri sa akin?"
"May problema ako," ani Gael at huminga nang malalim.
"Omg, what's the tea?" Erin said in excitement. Lumingon-lingon naman si Gael sa paligid at napansin niyang maraming tao kaya inaya niya ito papunta sa may dalampasigan para walang makarinig sa kanilang usapan.
"It's about Oliver," Gael started.
"Ano na namang mayroon sa gagong 'yon?" tugon ni Erin.
"He's changed," ani Gael.
"Paanong he's changed?"
Hindi naman alam ni Gael kung sasabihin niya ang lahat ng mayroon sa kanila ni Oliver. As a matter of fact, Gael's afraid. Takot siyang magalit sa kanya si Erin dahil wala itong alam.
Gael breathed heavily. "I think I like him, Erin," pag-amin ni Gael.
"Oh my God, Gael!" Napatakip si Erin sa kanyang bibig. Bakas sa mukha nito ang labis na gulat at para bang hindi makapaniwala.
Wala namang nagawa si Gael kung hindi ang i-kwento ang lahat ng tungkol sa kanila ni Oliver. Alam naman kasi niyang hindi siya huhusgahan ni Erin at alam niyang hindi rin nito sasabihin sa iba ang lahat ng kanyang mga sinabi.
"Honestly Gael, I didn't know what to say," ani Erin na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng mga sinabi ni Gael.
"I'm sorry if I kept it a secret."
"You should really be sorry. I'm your best friend, Gael," tugon ni Erin habang nakasimangot.
"Hindi ko kasi talaga alam kung paano sasabihin sa'yo. Isa pa, alam kong galit nag alit ka kay Oliver kaya baka magalit ka rin sa akin kapag nalaman mo. Sorry talaga, Erin," ani Gael.
"I'm not going to judge you, Gael, and I'm still trying to process everything you've said."
"Ako rin Erin, hindi ko rin alam kung bakit kami umabot sa ganito. I feel like I'll have a nervous breakdown if I keep it to myself."
"I understand, Gael. Tsaka ano ka ba? Pwede kang magsabi ng kahit ano sa akin. I'm here to listen," Erin smiled widely. Pakiramdam naman ni Gael ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
"I just wanna ask you. Does it mean that Oliver is not straight?" Erin asked. Hindi naman alam ni Gael ang isasagot niya. Sa totoo lang, wala namang sinasabi si Oliver sa kanya pero kung titingnan sa lahat ng aspeto, oo ang sagot.
"I don't know, Erin. Ayoko rin naman siyang tanungin tungkol doon. Wala rin naman siyang sinasabing gusto niya ako o ano. Isa pa, nabasa ko dati na may mga straight na pumapatol sa kapwa nila lalaki dahil curious sila or dahil lang sa pleasure. Maybe, Oliver is one of those men."
"Ikaw ba? When did you find out that you are not straight?" tanong ni Erin.
Huminga naman nang malalim si Gael.
"I felt it naturally. I always have this feeling before that I was just trapped inside a boy's body," Gael said.
"Pakiramdam ko, laging may mali. Iyong mga batang lalaki sa amin, basketball ang nilalaro habang ako swimming ang pinakagusto ko. Back then, I wished I was a mermaid so I could swim the whole ocean. I also imagined myself having a long black hair, with big boobs as well," Gael laughed.