This story contains mature scenes, read at your own risk. (18+)
Kanina pa hindi mapakali si Gael. Tatlong oras na kasi mahigit natapos ang unang event pero wala pa rin si Oliver sa kanilang kwarto. It's actually prohibited to stay that long outside their room because of curfew. Kanina pa rin sinusubukan ni Gael na matulog pero wala ata siyang balak dalawin ng antok. He's worried about Oliver. Simula kasi nang mag-usap sila kanina, hindi na siya nito kinibo pa at pansin niya ang malaking pagbabago nito. Tila ba iniiwasan siya ng binata at hindi iyon gusto ni Gael.
"Gael, did you ever imagine that we are a couple?" Gael closed his eyes when he heard Oliver's voice again. Gael knew the right answer to that question but he refused to tell his true feelings. Isa sa mga rason kung bakit ay natatakot siyang malaman ni Oliver ang totoo niyang nararamdaman. Natatakot siya sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.
Mahal niya si Oliver. Paano nangyari at bakit? Hindi niya alam. Hindi niya maisip kung paanong nangyari sa ganoong trato ni Oliver sa kanya noon ay nagawa niya itong mahalin. Marahil ay tama nga ang ilan, na pwedeng magmahal kahit labis na nasasaktan.
Gael wanted to tell Oliver that he imagined himself being his partner. He imagined them always being together. Magkahawak ang mga kamay, sabay na kumakain, madalas na lumalabas, at kahit sa pagtulog ay magkasama. Mga bagay na magkasintahan ang gumagawa.
Gael saw himself with Oliver being...happy. The problem is, Oliver's straight.
Naramdaman ni Gael ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata. Masaya siyang nakakasama niya si Oliver ngayon, na nakakausap at nakikita niya ito. Pero sa tuwing maiisip niyang darating ang araw na pareho silang tatahak ng magkaibang daan, para bang pinapalaso ang puso niya ng ilang ulit. Ayaw man niyang isipin pero hindi niya maiwasan.
Gael gently wiped his tears and closed his eyes. He imagined himself swimming to calm himself, to forget for a while. A few minutes later, he drifted to sleep.
NAGISING si Gael nang marinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsara nito. He knew it was Oliver and he pretended he was still asleep. Pinapakiramdaman niya ang bawat galaw ni Oliver at hindi mapigilan ni Gael ang kabahan. Para bang sa isang iglap, nawala ang kanyang antok dahil sa presensya ni Oliver.
Gael heard the bathroom door opened and closed. Iminulat niya ang kanyang mga mata at tiningnan ang oras. It's already two in the morning and the room smelled alcohol. Kumunot ang noo niya sa pagtataka dahil alam niyang bawal magdala ng alak pero paanong nakainom ang binata. Namatay ang ilaw sa banyo kaya muling pumikit si Gael at muling nagpanggap na natutulog.
Lumabas si Oliver at muli na namang nakiramdam si Gael sa kanyang paligid. Bigla ay naramdaman niya ang paglubog ng kanyang kama, indikasyon ng pag-upo ni Oliver. Gael's heart started beating rapidly. Kung hindi dahil sa ingay ng aircon ay baka narinig na Oliver ang pagtibok ng kanyang puso.
Mas lalo pang naghuramentado ang puso ni Gael nang humiga si Oliver at yumakap sa kanya mula sa likuran. Tumindi rin ang amoy ng alak at may hula si Gael na lasing ang binata. Humigpit ang pagkayakap ni Oliver sa kanya at ramdam na ramdam ni Gael ang mainit nitong hininga sa kanyang batok at ang katawan nitong nag-aalab sa init.
Suddenly, Gael felt comfortable. As if he was safe already and he had nothing to worry about.
"Gael...I'm sorry," Oliver whispered huskily.
Gael bit his lower lip. Sa hindi niya malamang dahilan, bigla na lamang nangilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Wala naman itong ginagawa pero bakit siya naiiyak?
"I'm sorry for everything I've done, Gael. I'm sorry for treating you like garbage. I'm sorry..." Oliver's voice cracked.
A lump formed in Gael's throat. He didn't know what to do. He's frozen in his current position.