Kabanata 9

36 5 6
                                    

"Elsie!" Tawag ni Tatay Virgilio sa kanya nang sigawan ako ng Nanay nina Dariel, pumunta siya sa tabi ni Nanay at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

Malakas pa rin ang ulan sa labas, gusto ko na ring umalis at hindi na muling magpakita sa kanila. Tumayo ako at tinignan silang dalawa, maging sina Kuya Allerick ay nagulat sa ginawa ng Nanay nila samantalang si Dariel ay agad na lumabas sa kwarto dala ang tuwalya.

"P-Pasensya po sa n-nagawa ng Daddy ko sa inyo, pasensya na po talaga... H-Hindi ko po a-alam na ganoon a-ang ginawa ng Daddy ko sa i-inyo, pasenya na po..." My voice broke.

Yumuko ako. Nangangatal ang tuhod ko, hindi ko aakalain ganito ang magiging kalalabasan ng paghingi ng tawad ko sa kanila. Tumulo ang ilang butil ng luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan ngunit patuloy pa rin ang pagpatak nito kaya mas lalo akong yumuko.

Please, ayokong umiyak. Ayokong dito gumawa ng eksena, ayokong may makakita na umiiyak ako. Nakakahiya. Mas gugustuhin ko na lang na umalis kahit mabasa ako kaysa may makakita na ganito ako.

"Tingin mo sapat na ang salitang 'patawad' at 'pasensya' sa mga nagawa ng pamilya ninyo sa amin?! Nagkasakit ang Nanay namin at kailangan pa naming magtrabaho araw-araw para kumita lang ng pera! Huwag ka nang magpakitang tao dahil alam naming kagaya ka rin ng Daddy mo!" Inangat ko ang tingin ko sa babaeng na nasa hapag habang nakatingin sa akin, matalim ang tingin niya akin. Nakatayo siya, si Kuya Allerick ay gulat na nakatingin sa amin, habang nakatayo. Si Dariel ay nakahinti habang seryosong nakatingin sa akin.

Bakit ako aasa na kahit isa sa pamilya na ito ay ipagtatanggol ako? Malaki ang kasalanan ng pamilya ko sa kanila kaya bakit ako aasa na kahit si Kuya Allerick ay ipagtatanggol ako? 

Hahayaan ko na lang sila sabihin ang gusto nilang sabihin sa akin. Kung ano ang tingin nila sa akin ay hahayaan ko na lang sila.

"P-Pasensya na---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang dumapo sa akin ang palad ng babaeng nasa harapan ko. Sinampal niya ako ng isang beses pero ang sakit ng sampal na iyon at ang hapdi ng pisngi ko. Hindi ako nakasagot dahil sa sakit na naramdaman ko, napahawak ako roon. Nanginginig rin ang kamay ko pero hinayaan ko iyon at pilit na pinipigilan, panay ang patak ng luha ko sa pisngi ko.

"Ate Alvina!" Tawag ni Kuya Allerick, agad siyang lumapit sa akin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya saka tipid na nginitian.

"Pasensya n-na, sana nalaman ko na lang ng mas maaga. H-Hindi ko po sinasadyang magpunta rito. Aalis na p-po ako..." Mahinang saad ko.

Tinignan ako ni Kuya Allerick, bakas ang mukha niya ng pag-aalala. Nag-aalala lang naman sila dahil mayaman ang pamilya ko at... kung simple lang ang buhay ko ay hindi nila ako itra-tratong ganito.

"Malakas pa ang ulan." Napatingin ako kay Dariel na seryosong nakatingin sa labas. Nang lingunin niya ako ay gulat niya akong tinignan, iniwas ko ang tingin ko saka naglakad papunta sa pintuan ng bahay nila.

Nagulat ako nang tumabi sa akin si Dariel, hawak niya ang payong niya kanina na maayos na. Mas lalong tumulo ang luha ko dahil akala ko kanina ay walang tutulong sa akin.

"Uminom ka muna ng tubig saka tayo magpunta sa mansyon." Seryosong wika niya, inabutan niya ako ng bote ng tubig. Binuksan niya muna iyon bago ibigay sa akin.

Kinuha ko iyon at uminom ng kaunti bago ibalik sa kanya. Inilagay niya iyon sa gilid saka tinignan ako, agad niya ring inalis ang tingin niya sa akin.

Hindi ko aakalain na siya pala iyon. Ang laki ng pinagbago niya, hindi ako makapaniwala na siya talaga ang kaibigan ko noon.

"Tara na,"

Naglakad na kaming dalawa, wala pang mga tao na nagtr-trabaho dahil may kalakasan pa rin kanina.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon