“Bakit kasi kailangan sa bahay pa namin gagawin 'yung house party?” tila hindi pag sang-ayon ni Suzette sa kagustuhan ng kaibigang si Claire.
“Alangan naman sa bahay namin? eh alam mo naman kung gaano kahigpit si Mommy sakin pag dating sa mga ganyang house party diba? kaya sa bahay niyo nalang. Tutal, aalis naman si Tita sa makalawa diba? dahil may business trip siya sa Cagayan at solong-solo mo 'yung buong bahay niyo.” pagpupumilit ni Claire.
“Eh hindi pa naman sure 'yung alis ni Mommy.” saad ni Suzette, at hindi na nangulit pa si Claire. Tumahimik nalang ito habang nakatitig sa special Halo-Halo niyang unti-unti ng natutunaw ang yelo.“Claire..”
“Sige na wag na.” pagtatampo ni Claire sa kaibigan. Agad naman na napabuntong hininga si Suzette, hindi talaga nito kayang tiisin ang kaibigan.
“Wag kana magtampo d'yan. Payag na 'ko, basta after ng house party. Tayo-tayo rin ang maglilinis ng bahay ah? ayaw ko kasing madatnan ni Mommy na makala---” hindi na pinatapos pa ni Claire si Suzette na magsalita at agad na 'tong sumabat.
“Yieeee! thank you Suzette, the best ka talaga.” sobrang sayang reaction ni Claire at yumakap pa 'to sa kaibigan.
“Hindi lang talaga kita kayang tiisin, at alam mo 'yan.“ saad ni Suzette.
“Alam ko naman 'yun, kaya nga love love kita eh.” nakangising saad ni Claire.
“Weh? kaya pala muntik mo na ako ilaglag kay Rakesh na crush ko siya.” nakataas ang isang kilay na saad ni Suzette.
“Kailan 'yun? wala ako maalala.” nakakunot na noong saad ni Claire.
“Noong nag truth or dare tayo, sinabi mo na may gusto ako kay Rakesh. Mabuti nga't hindi 'yun narinig ni Vhivianna eh.” ani Suzette.
“Ikaw naman kasi, sa dinami-dami ng pwede mong magustuhan na lalake eh 'yung may girlfriend na. Dami-daming single sa mundo eh----”
“Ang dami nga, eh si Rakesh talaga 'yung tipo ko Claire. Bukod sa gwapo, matalino, mayaman, eh sobrang down-to-earth pa.”
“Hay naku, ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon kinokonsente kita.” napapailing na saad ni Claire.
“Eh kasi nga, magkaibigan tayo Claire.”
“Tsk.”
——
“Ano babe, round 4 pa tayo?” nakangising tanong ni Rakesh sa long-time girlfriend nitong si Vhivianna at hubo't hubad na magkatabi sa kama.
“Tama na babe, baka hindi na ako makalakad nito.” pag tanggi ni Vhivianna sa boyfriend na tila nabibitin pa.
“Ok lang 'yan, bubuhatin na lang kita.” bulong ni Rakesh sa tenga ng girlfriend niya habang ang kamay nito ay lumilibot na naman sa hubad na katawan ni Vhivianna.
“Rakesh..aAah..” mahinang unggol ni Vhivianna, ngunit natigil ang kanilang ginagawa ng mag-ring ang cellphone ni Rakesh.
“Hayst..kahit kailan talaga 'to si Claire, laging wrong timing.” inis na saad ni Rakesh dahil sa pagkabitin.
“Hindi ka pa nasanay d'yan sa kaibigan natin.” nakangising saad ni Vhivianna.
Hindi na lamang kumibo si Rakesh at agad ng sinagot ang tawag ng kaibigan.
“Tagal sagutin ah, may ganap na naman ba.” natatawang bungad ni Claire ng sagutin ni Rakesh ang tawag niya.
“Buti naman alam mo. Istorbo ko nga eh.” sarcastic na saad ni Rakesh.
“Sus, ngayon lang ako tumawag Rakesh. Imposible na hindi pa napapasok 'yan?” sarcastic na saad ni Claire sa kabilang linya.
Samantalang si Vhivianna naman ay dumikit sa boyfriend nito at pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ni Rakesh.
“Bakit ka ba kasi tumawag?” seryosong tanong ni Rakesh.
“Pumayag na si Suzette na sa bahay nila gagawin 'yung house party. Bukas ng 7PM.” saad ni Claire agad naman na nagkatinginan sila Rakesh at Vhivianna.
“What?” pagtataka ni Vhivianna.
“House party bukas sa bahay ni Suzette, 7PM.” saad ni Rakesh.
Agad naman inagaw ni Vhivianna ang cellphone kay Rakesh.
“Mabuti naman at napapayag mo ang kaibigan natin, Claire.” sarcastic na tono ng boses ni Vhivianna.
“Well, ako pa ba? sure naman akong hindi ako tatanggihan ni Suzette.” natatawang saad ni Claire.
“Ok, see you tomorrow night.”
BINABASA MO ANG
INNOCENT (RAINBOW SERIES #6)
Mystery / Thriller[Rainbow Series #6: Color Indigo] "I'm Innocent!" - Christine Claire Hernandez "Kaibigan ko s'ya, kaya hindi ko magagawa ang binibintang n'yo sa'kin!" - Rakesh Del Mundo "Nag suicide s'ya, 'yun ang totoo." - Vhiviana Ricafort "I don't know anything...