CHAPTER 6

52 5 0
                                    

[FLASHBACK]

“Daddy, ayaw kong makulong.” umiiyak na saad ng noon ay 18yrs old na si Claire habang nakikiusap sa kanyang ama na isang Police General.

“Malinaw naman sa CCTV footage na self-defense ang nangyari. Pinagtakaan gahasin ang anak natin Manuel, and you should do something!” saad ng ina ni Claire.

“Pero matibay ang ibendensya laban sa anak natin, at mading saksi na binaril niya ang security guard na naging resulta ng pagkamatay nito. Mahirap malusutan 'yun!” mariing pagkakasabi ni Manuel.

“Hindi ka ba talaga nag-iisip Manuel? hahayaan mo ba talaga makulong ang anak natin. Kung malinaw naman na self-defense ang nangyari?!” mariing pagkakasabi ni Cynthia.“Hindi ako papayag na makulong ang anak natin Manuel! Hinding-hindi Manuel!”

[END OF FLASHBACK]

Samantala, abala si Vhivianna sa paglilinis ng kwarto ni Rakesh. Nakaugalian niya na kasi na kapag bumibisita siya sa condo ng boyfriend niya ay naglilinis siya dito.

Nang mga sandaling iyon ay nasa labas si Rakesh dahil may binibili itang pagkain.

Patapos na si Vhivianna sa kanyang paglilinis sa kwarto ng kasintahan nang may makita siyang isang bagay na dahilan upang mapatigil siya sa kanyang ginagawa.

Walang iba kundi ang jacket na kulay indigo, na nakita rin niyang suot ng taong pumasok sa silid ni Suzette bago 'to matagpuang patay.

Nanginginig ang mga kamay ni Vhivianna hawak hawak ang jacket. Hanggang sa tumulo narin ang kanyang luha.

“S-Si R-Rakesh, s-siya ang pumatay kay Suzette.” nauutal na sambit nito sa sarili.

Ilang saglit pa ay dumating na si Rakesh na may hawak na paper bag, nang mapansin niya na wala ang girlfriend na si Vhivianna sa sala ay agad niyang ipinatong ang dalang paper bag sa coffee table.

“Sabi na nga ba at nandito ka.” nakangising saad ni Rakesh ng pumasok siya ng silid at nadatnan ang kasintahan na nakaupo sa gilid ng kama hawak ang jacket niya.

“Wag kang lalapit sakin!” mariing pagkakasabi ni Vhivianna ng humakbang si Rakesh patungo sa kinauupan niya.

“B-Bakit?” nauutal at nagtatakang tanong ni Rakesh ng mapatigil siya sa paghakbang. Agad naman tumayo si Vhivianna sa kanyang kinauupan hawak hawak parin ang jacket, humarap siya kay Rakesh tinitigan ito sa mga mata.“B-Bakit hawak mo ang jacket ko? I-Isa pa, bakit umiiyak ka? Vhivia---”

“You killed Suzette!” pasigaw na pagkakasabi ni Vhivianna kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

“Vhivianna ano bang pinagsasabe mo? H-Hindi ko pinata---”

“Ano 'to? Bakit na sayo 'to? Rakesh, ito ang suot na jacket ng pumasok sa kwarto ni Suzette bago siya matagpuang patay. Oo lasing ako ng gabing 'yun, pero hindi ako maaaring magkali.” mariing pagkakasabi ni Suzette.“Tama ang hinala nina George at Claire, ikaw nga pumatay kay Suzette.” naiiyak na saad ni Vhivianna.

“Vhivianna hindi ko 'yun magagawa.”

“Rakesh tama na! tigilan na natin ang kalokohang ito pwede?! pagbabayaran mo ang ginawa ko kay Suzette!”

“Kaibigan ko si Suzette, kaya hindi ko magagawa ang mga paratang niyo sakin. Vhivianna alam mo 'yan. Alam mong hindi ko magagawa 'yun lalong lalo na kay Suzette.” depensa ni Rakesh sa sarili niya.

“Mas mabuti pang sa prisento kana lang magpaliwanag Rakesh. Oo boyfriend kita, mahal kita. But I can't tolerate you anymore!” huling salitang binitawan ni Vhivianna sa kasintahan bago ito nagmamadaling lumabas, sinubukan pa siyang habulin ni Rakesh pero masyadong mabilis ang bawat hakbang ng dalaga.

“Bwiset!!” panggigigil ni Rakesh at agad na binato ang figurine na nahawakan niya. Agad niyang hinanap ang susi ng kotse niya upang sundan ang kasintahan na ngayon ay patungo sa police station.

Samantala, tulero parin ang utak ni Claire matapos niyang makausap ang police na si Nhelson ng makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan na si Vhivianna.

“Oh! napa---” hindi niya naituloy ang sasabihin ng marinig ang tila pag hangos ni Vhivianna.“Vhiv, are you ok?” nag-aalalang tanong ni Claire sa kaibigan.

“A-Alam ko na kung sino ang pumatay kay Suzette.” naiiyak na saad ni Vhivianna sa kabilang linya. Mababakas din sa tono ng boses nito na siya ay natatakot.

Halos nanlake naman ang mga mata ni Claire at napaawang kanyang labi sa sinabing 'yun ni Vhivianna.

“S-Sino? sino ang pumatay kay Vhivianna?” nangigigilid ang luha sa mga mata ni Claire habang nagsasalita.

“Si.....” hindi na naituloy pa ni Vhivianna ang kanyang sasabihin matapos na may tumaga sa batok niya, na naging resulta upang humiwalay ang kanyang ulo sa kanyang leeg. Bumulwak ang napakaraming dugo sa paligid ng madilim na eskinita bago tuluyang bumagsak ang kanyang katawan na wala ng ulo.

“Vhivianna! Vhivianna magsalita ka!!” magkakasunod na sambit ni Claire. Hanggang sa tuluyan ng naputol ang tawag.

Sa hindi niya mawaring kadahilanan, bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding kaba.

Kaya nagmamadali siyang umalis ng bahay upang magtungo sa bahay ni Vhivianna. Habang nasa biyahe ay kino-kontak naman niya ang boyfriend ni Vhivianna na si Rakesh pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.

Sa kabilang dako naman, nagtungo ang si Mrs. Salvador sa puntod ng yumaong anak na si Suzette upang mag-alay ng bulaklak at dasal para sa anak.

“Anak, si Mommy 'to. Miss na miss na kita.” naluluhang saad ni Mrs. Salvador habang hinahaplos ang lapida ng anak.“Kung nasaan ka man ngayon, wag ka mag-alala. Lahat gagawin ni mommy magkaroon lang ng hustisya ang pagkamatay mo. Hindi ako papayag na hindi makulong ang gumawa nito sa'yo. Pangako 'yan anak.” muling saad ni Mrs. Salvador habang nagpatuloy sa pag-iyak. Labis-labis ang kaniyang pangungulila sa nag iisang anak na pumanaw.



INNOCENT (RAINBOW SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon