CHAPTER 2

64 5 0
                                    

“Akala ko ba kunti lang 'yung ipapainum mo kay Suzette? Eh halos naubos niya na 'yung laman ng basong binigay mo sakanya kanina.” puna ni Claire ng mapansin na halos lulong na lulong na si Suzette sa party drugs.

“She deserved it, Claire. Akala niya siguro hindi ko napapansin na may lihim siyang gusto sa boyfriend ko.” sarcastic na pagkakasabi ni Vhivianna.

“Alam mo?!” gulat at halos hindi makapaniwalang tanong ni Claire sa kaibigan.

“Anong tingin mo sakin? manhid para hindi makaramdam? o bulag para hindi ko mapansin? Mukha lang hindi makabasag pinggan 'yang si Suzette, pero may kating itinatago sa sarili.” sarcastic na saad ni Vhivianna.

“Pero bakit hindi mo nalang siya pagsabihan? I mean, komprontahin mo siya. Bakit kailangan gawin mo pa 'to? bakit kailangan pagamitin mo pa siya ng drugs para makaganti ka?!”

“Hindi pa ako gumaganti Claire, patikim palang 'to.” nakangising saad ni Vhivianna sa sarcastic na tono ng boses.

“Vhivianna..”

“Don't worry, magiging maingat naman ako Claire. Gusto ko lang turuan ng leksyon ang babaeng sumusubok na agawin ang boyfriend ko.“ mariing pagkakasabi ni Vhivianna.

Pasado alas-dos na ng madaling araw ng matapos ang house party na ginaganap sa bahay mismo nila Suzette. Pagod na pagod at lasing ang lahat. Si George ay nakatulog na sa sofa habang nagkalat sa paligid ang mga balat ng titserya at can ng alcoholic drinks. Si Claire ay kasama ni Suzette sa iisang kwarto, habang sina Vhivianna at Rakesh ay magkasama sa guest room.

Katatapos lang na may mangyari kina Vhivianna at Rakesh ng bumangon sa kama ang binata, sinuot nito ang boxer nito at maingat na lumabas ng silid upang hindi magising si Vhivianna. Ngunit linggid sa kaalaman ng binata na kanina pa gising ang kasintahan nito.

“Saan naman kaya pupunta ang lalakeng 'yun? masundan nga.” sambit ni Vhivianna sa sarili, at agad na bumangon sa kama. Nagbihis muna 'to saka 'to lumabas ng silid.

Kitang kita ng dalawang mata ni Vhivianna na pumasok ito sa kwarto kung saan natutulog sila Claire at Suzette.

“What the f*ck!!” sambit ni Vhivianna sa sarili at agad ng pumasok sa silid upang alamin kung anong ginagawa ng boyfriend niya sa kwartong iyon.

Samantala, habang mahimbing na natutulog si Suzette ay may bigla na lamang may sumukal sa kanya. Sa gulat ay bigla siyang nagising, sisigaw pa sana ang dalaga ng takpan ang kanyang bibig gamit ang panyo. Hindi niya makilala ang mukha ng kung sinong sumasakal sakanya dahil madilim sa silid at lango pa siya sa droga.

Kinabukasan...

“Oh My God!” sambit ni Claire at halos manginig ang buong katawan niya ng makitang wala ng buhay ang kaibigang si Suzette na nakahiga sa kama, may laslas din ang kaliwang kamay nito.

“S-Sino ang may gawa nito kay Suzette?!” nauutal na tanong ni George na kakapasok lang sa silid. Halos hindi naman makatingin ng diretso si Vhivianna sa bangkay ni Suzette.

“Tumawag tayo ng pulis o ng ambulansya.” saad ni Rakesh.

“Wag!” halos magkasabay na sambit ni Vhivianna at Claire.

“Anong wag? Vhivianna, kailangan madala si Suzette sa hospital!” saad ni Rakesh.

“Pag ginawa natin 'yun, malalaman na lulong sa droga si Suzette bago siya nag suicide.” saad ni Claire.

“Teka anong sabi mo? lulong sa droga si Suzette? eh kahit nga sigarilyo hindi siya tumitikim! at bakit magsu-suicide si Suzette? anong dahilan?!” labis na pagtataka ni Rakesh. Kapansin-pansin naman na lumapit si George sa bangkay ng dating kasintahan.

“Tingin ko, hindi suicide ang kinamatay ni Suzette. Base sa hitsura ng pagkamatay at ang mga mata niya, hindi siya nag-suicide. Someone killed her.” seryosong pagkakasabi ni George at pinapikit na lamang ang mga dilat na mata ni Suzette.

Agad naman nagtinginan sila Rakesh, Vhivianna at Claire.

“Ano bang pinagsasabi mo, George? sa pagkakaalam ko accountant ang tinapos mo at hindi criminology. Kaya wag kang mag imbento na maaaring ikapahamak nating apat.” sarcastic na saad ni Claire sa mataas na tono ng boses.

“Claire has a point, hindi tayo pwedeng mag jump into conclusion.” ani Rakesh.

“Nag-suicide siya, 'yun ang totoo.” mariing pagkakasabi ni Vhivianna, habang nanggigilid ang luha sa kanyang mata.

Hindi pa man nadadala nila Rakesh si Suzette sa hospital upang mabalsamo. Ay nadinig na nila ang pag doorbell sa pintuan. Sensyales na dumating na ang mommy ni Suzette.

“A-Anong gagawin natin?” tarantang tanong ni Claire.

“Dadalhin ko na si Suzette sa hospital. Sa likod ako dadaan para hindi mapansin ng mommy niya. Kayo ng bahala mag-explained o gumawa ng kwento. George, sasama ka sakin.” saad ni Rakesh.

Agad naman na binuhat ni Rakesh ang walang buhay na katawan ni Suzette at saka nilabas ng silid. Sa back door sila dumaan ni George at agad na sinakay si Suzette sa kotse. Habang sina Claire naman ay tinungo ang front door upang salubingin ang mommy ni Suzette.

“Teka lang Claire, paano 'yung mga kalat?” tarantang tanong ni Vhivianna.

“Yan pa ba ang iniisip mo? alam mo kung anong iniisip ko ngayon? kung paano natin sasabihin sa mommy ni Suzette ang nangyari sa anak niya.” mariing pagkakasabi ni Claire. Napabuntong hininga naman ni Vhivianna.

“H-Hi, T-Tita.” nauutal na bati ni Vhivianna sa ina ng kaibigan, ng buksan na niya ang pintuan.

“Oh! Vhivianna, nandito ka pala. Nasaan nga pala si Suzette?” agad na tanong ng inang kararating lang mula sa business trip sa Cagayan.

Agad naman na nagkatinginan sina Claire at Vhivianna.

“Ang totoo po niyan Tita, si S-Suzette po..” naluluhang saad ni Claire.

“Bakit ka umiiyak Claire? anong nangyari sa anak ko?” labis na pagtataka ng ina ni Suzette.

“P-Patay na po si Suzette, Tita. Nag-suicide po siya.” saad ni Vhivianna kasabay ng paghagulgol.

“H-Hindi. Hindi totoo 'yan.” halos hindi makapaniwalang saad ng ina, at agad 'tong nawalan ng malay matapos malaman ang sinapit ng nag-iisang anak.

INNOCENT (RAINBOW SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon