Matapos na makausap ng imbestigador si Claire ay agad na muna 'tong pinalabas ng silid, gayundin sina Rakesh at George. Ngunit pinaiwanan si Vhivianna dahil siya naman ang masinsinang tatanungin.
“Bago mangyari ang pagpatay sa biktimang si Suzette Rizz Salvador, nasaan ka ng mga oras na 'yun?” seryosong tanong ng imbestigador kay Vhivianna.
“Pasado alas-dos ng madaling araw, nagising ako matapos kong maramdaman na bumangon si Rakesh. Nakita ko siyang lumabas ng silid, and out of curiosity sinundan ko siya. Nakita ko si Rakesh na pumasok sa kwarto kung saan doon natutulog sina Claire at Suzette. Papasok narin sana ako sa silid na 'yun, pero...“
“pero ano?”
“...pero may nakita pa akong isang tao na pumasok din sa silid ni Suzette, kaya hindi na ako tumuloy. Medyo nasa katawan ko pa ang espiritu ng alak ng gabing 'yun, kaya hindi ko ma-figure out 'yung hitsura ng taong 'yun. Isa pa, hindi rin bukas ang ilaw sa hallway papunata sa silid ni Suzette. Kaya hindi talaga malinaw sakin ang lahat.” sanaysay ni Vhivianna.
“Ano ang suot ng taong pumasok sa kwarto ng dalawang kaibigan mo?”
“Jacket na may hood. Kulay indigo 'yun.”
——
“Claire, umamin ka nga sakin. Ikaw ba ang naglagay ng party drugs sa drinks ni Suzette ng gabing 'yun!?” seryosong tanong ni Rakesh kay Claire habang hinihintay nila ang paglabas ni Suzette sa silid.
“Aminando ako, na ako ang nagdala ng party drugs ng gabing 'yun, pero hindi ako ang naglagay ng party drugs sa inumin ni Suzette.” depensa ni Claire sa sarili.
“Kung hindi ikaw sino?” sabat ni George.
“S-Si...”
“Si Vhivianna ba?” seryosong sambit ni Rakesh.
“It's just for fun lang naman, hindi naman namin inisip o inakalang ganito ang kahihinatnan ng ginawa namin ni Vhivianna.” naluluhang saad ni Claire.
“Pero ginawa niyo parin. At kung hindi ka rin nagpumulit na magkaroon ng house party sa bahay ni Suzette, baka buhay pa si Suzette hanggang ngayon.” panunumbat ni George kay Claire.“Kaya kung meron man dapat na sisihin dito, 'yun ay walang iba kundi ikaw Claire.” mariing pagkakasabi ni George kay Claire, nakayuko naman si Claire na halos hindi narin kumikibo.
Ilang sandali pa ay lumabas narin si Vhivianna sa silid, at saka naman si Rakesh ang pinapasok sa loob upang imbestigahan.
——
“Ayon sa saksi na si Ms. Vhivianna na iyong kasintahan, nakita ka niyang pumasok sa silid ng biktima bago ito matagpuaang patay. Gusto ko lang malaman, at gusto ko rin magsabi ka sakin ng totoo. Anong ginagawa mo sa silid ni Ms. Suzette ng mga oras na 'yun?” seryosong tanong ng imbestigador kay Rakesh.
“Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Suzette. Inosente ako.” serosong sagot ni Rakesh. Sandali namang ibinaba ng imbestigador ang ballpen na hawak niya sa lamesa, saka mainam na tinitigan si Rakesh.
“Kung hindi ka makikipag-cooperate samin Mr. Rakesh, lalo lamang tatagal ang kasong 'to. Isa pa, nagbigay na ng kanya-kanyang testimony ang kaibigan at kasintahan mo. Pero bakit hindi mo magawa? may itinatago ka ba? ikaw nga kaya ang suspek sa pagkamatay ng nurse na si Suzette?” sarcastic na pagkakasabi ng imbestigador.
“Oo, pumasok ako sa silid na 'yun. Pero inalam ko lang kung gising pa ba si Claire. Balak ko kasi manghiram ng cellphone sakanya upang makitawag. Pero ng makita kong mahimbing na siyang natutulog sa kama, lumabas narin ako agad. Pero ng bumalik ako sa kwarto namin ni Vhivianna, wala siya sa higaan niya.” salaysay ni Rakesh dahilan upang mas lalong mapaisip ang imbestigador.
——
“Hindi mo 'ko masisisi kung iisipin kong ikaw ang pumatay kay Suzette. Dahil bago siya natagpuang patay sa kwarto niya, nagbanta ka Vhivianna. Nagbanta ka na tuturuan mo ng leksyon si Suzette.” mariing pagkakasabi ni Claire sa kaibigan, habang hasa loob sila ladies room sa loob ng police station.
“Oo aminado ako, aminado akong sinabi ko 'yun pero hindi ko 'yun ginawa. Dahil kahit gaano ako kagalit kay Suzette, hindi ko kayang patayin siya. Hindi ko kayang pumatay ng kaibigan.” buwelta ni Vhivianna.“Kung pagbintangan mo 'ko dahil sa pagbabanta ko kay Suzette. Para naman napaka-inosente mo talaga Claire, who knows ikaw talaga ang pumatay kay Suzette. At ang lahat ng 'to ay planado mo, aminin mo na kasi Claire na anghel ka man tignan sa panlabas na anyo mo. Demonyo ka parin Claire, kaya wag ka masyadong mag-malinis.” sarcastic na pagkakasabi ni Vhivianna dahilan upang magpantig ang tenga ni Claire at agad niyang sinakal si Vhivianna.
“Wag mong ubusin ang pasesnya ko Vhivianna, dahil baka gawin ko sayo ang binibintang mo sakin.“ pananakot ni Claire bago niya bitawan ang leeg ni Vhivianna.
——
Tulad ng mga itinanong ng imbestigador kila Vhivianna, Claire at Rakesh, ganon din ang itinanong niya kay George.
“Sa sala lang ako natulog ng mga oras na 'yun. Maraming alak ang nainum ko kaya talagang tulog mantika ako, kung hindi ko pa narinig ang malakas na sigaw ni Claire kinabukasan, ay hindi pa yata ako magigising.” sanaysay ni George.“Pero may napansin lang din ako kay Rakesh, bago pa man namin dalhin si Suzette sa hospital...”
“Ano 'yun?” intresadong tanong ng imbestigador.
“May dugo sa laylayan ng T-shirt ni Rakesh.”
BINABASA MO ANG
INNOCENT (RAINBOW SERIES #6)
Mystery / Thriller[Rainbow Series #6: Color Indigo] "I'm Innocent!" - Christine Claire Hernandez "Kaibigan ko s'ya, kaya hindi ko magagawa ang binibintang n'yo sa'kin!" - Rakesh Del Mundo "Nag suicide s'ya, 'yun ang totoo." - Vhiviana Ricafort "I don't know anything...