Saktong magkakasabay ngayong araw ang schedule ng klase nina Oreo, Xandro, Rei, Jax at Ren kaya naman isa isa na silang sinundo ni Oreo sa bahay ng bawat isa para sabay sabay silang pumasok sa school.
Minsan lamang ito mangyari kaya masaya ang buong tropa. They are all excited about what the day will be like today.
As soon as they arrived at the gate, they found Gene who was just entering the school.
Mag isa lamang ito na naglalakad.
"Gene, ma boy!", ang maangas at malakas na tawag ni Oreo kay Gene na sinamahan pa ng matinis na good morning ni Xandro tuwing umaga.
Natigilan naman si Gene dahil sa lakas ng mga tawag sa kaniya. Ito ang kauna unahan na may tumawag sa kaniya sa gate ng school.
Gene didn't know if he would continue walking na parang walang narinig.
Hihinto ba siya o hahayaan ang mga ito na maabutan siya?
Pero hindi kalaunan ay napag isipan ni Gene na manatili na lang sa kaniyang posisyon. Hindi siya naglakad papalayo, hindi rin lumingon pero inantay niyang makalapit ang mga ito sa kaniya.
Nakatingin na sa kaniya ang mga taong nasa harapan niya ngayon na kanina ay nasa likuran niya lang.
Napayuko siya dahil bago lang sa kaniya ang mga ganito lalo pa at mga nakatitig ang mga ito sa kaniya.
"Hoy! tantanan niyo nga, yang mga titig niyo. Tinatakot niyo eh", ang sikmat ni Rei sa mga kaibigan.
Titig na titig ang mga ito sa kaniya na para bang ngayon lang sila nakakita ng tao na tulad niya. Mga nakaabante pa ang mga mukha ng mga ito papalapit sa kaniya.
Napapapikit na lamang si Gene dahil hindi niya malaman kung ano ang susunod na gagawin hanggang sa may maramdaman siyang umakbay sa kaniya.
Tumatawa tawa pa si Oreo habang nakaakbay sa kaniya.
Iniharap siya ni Oreo sa lahat ng mga kaibigan nito kaya pati si Ren ay nakita niya na rin.
"Kumpleto na pala tayo eh", ang excited na sabi ni Oreo.
Mukhang nagulat si Gene dahil aa sinabi ni Oreo. Napakasarap 'non sa pandinig.
Tumingin naman si Gene kay Ren na parang nanghihingi ng tulong dahil hindi siya sanay sa ganon. Hindi siya sanay na may umaakbay sa kaniya kahit pa sinabi ni Oreo na kasama siya sa kanila.
Pero na disappoint lang siya dahil ang hinihingian niya ng tulong ay tinatawanan lang siya.
Napakunot naman ang noo ni Jax nang makita ang tinginan ng dalawa.
"Tara pasok na tayo. Baka malate pa tayo", ang seryosong aya ni Jax sa lahat. Tinalo pa ang pagiging kj ni Rei.
Pero mas nakaramdam pa ng inis si Jax dahil ang papasukang building nina Gene at Ren ay same way.
Wala siyang nagawa kundi manguna na at umalis na doon.
Naghiwa hiwalay na rin sila pero sinigurado naman nilang magkikita sila mamaya at sabay sabay pupunta sa tambayan.
Magkasabay na tinahak nina Gene at Ren ang papunta sa kanilang mga building.
Hanggang ngayon ay nakangiti parin si Ren at naiinis na si Gene.
"Ganon ba talaga iyon?", ang mukhang problemadong tanong ni Gene.
"Sino?", ang inosenteng tanong naman ni Ren kahit alam niya naman kung sino ang tinutukoy ng kausap.
"Si Gregorio", ang napipilitang sagot ni Gene.
Hindi na nakipagkulitan pa si Gene at sinabi na agad kung sino ang kaniyang tinutukoy dahil alam niyang doon din papunta iyon dahil makulit ang batang kasama niya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/268148762-288-k913083.jpg)
YOU ARE READING
Fallin' All In You
Fiksi UmumYou are bringing out a different kind of me. Now, I'm Falling All In You Language: English & Tagalog Date Started: May 7, 2021 Date Finished: - -