A week later, they treated Gene so well. Para na talaga itong isa sa kanila sa matagal na panahon.
Sometimes Gene went with them to Monestry Restaurant, sometimes not because Ren wasn't there. Dahil si Ren lang din naman ang mas close niya sa mga iyon.
Ren has started working at the Convenience store again and it is once again accepting students to tutor.
Minsan ay pinupuntahan nila si Ren sa Convenience Store para naman makasama nila ito. Masyado na kasi itong busy.
Pero bago pa man pumasok ulit si Ren sa Convenience Store ay nagkayayaan silang lumabas.
Padespedida daw nila ito kay Ren kahit babalik lang naman si Ren sa trabaho at hindi naman aalis.
Isinama ni Gene si Sza ng araw na iyon dahil nagpumilit itong sumama.
"Dahil nandito naman si Gene, pwedeng pasali?", ang nag aalangang tanong nito na parang nagtatanong kung pwedeng sumali sa laro. Nakalapat pa ang mga palad nito na parang humihiling.
"Sure", ang agarang sagot ni Jax.
"Thank you!", ang masayang pagpapasalamat naman ni Sza sa lahat.
Nginitian naman siya ng lahat ngunit nagtatanong na tingin ang ibinigay nila kay Jax.
Binigyan ni Jax si Gene ng hindi magandang treatment bago pa maging bahagi nila pero agad itong umoo at nagpasali ng member ng si Sza ang nagtanong.
Ayaw talaga nito kay Gene. Akala ba nila ay hindi pwedeng basta basta na lang na may mapasali sa grupo nila?
Binigyan lang sila nito ng alanganing ngiti at nagpauna na bago pa awayin ng lahat.
Nanood lang sila ng sine, kumain sa labas at nag arcade.
Kung pagmamasdan ay hindi sila mukhang mga college student. Mga mukha silang freshmen ng highschool with very gifted heights.
•••
Pagkatapos 'non ay bumalik na nga sa trabaho si Ren bilang cashier sa pareho paring shift na pinapasukan nito noong nakaraan.
Nagulat si Ren ng may pumasok sa loob ng convenience store. Nagmamadali kasi ito makalapit lang sa kaniya. At sa pagmamadali ay kamuntikan pang madapa ng ilang beses.
"Mabuti naman at nandito ka na ulit", ang sabi ng nakangiting si Kris.
Inabangan niya talaga si Ren dahil hindi sinabi sa kaniya ni Mix kung kailan ito babalik.
Gabi gabi siyang nandoon sa Mini Stop para lang malaman kung nakabalik na sa trabaho si Ren.
"Tapos na yung leave ko", ang magalang na sagot ni Ren.
Natutuwa rin naman siyang lagi itong nandito at may suki sila.
Umalis din naman ito dahil bawal na raw siyang magpuyat, magkakaroon na kasi ito ng panibagong papasukang trabaho.
Bumili lang ito ng usual na lagi nitong binibili. Bumili lang ito ng chuckie para sa kanilang dalawa, hindi parin tinanggap ang sukli at umalis na.
Pagkaalis nito ay dumating naman sina Gene at Sza. Nangulit kasi si Sza na puntahan si Ren.
Mamaya ay pupunta rin daw ang iba pa nilang mga kaibigan maliban kay Jax na may aasikasuhin sa gabing iyon.
"Hi, Ren!", Sza cheerfully said then pinched Ren's cheeks.
Ngumiti na lang si Ren kay Sza.
Tumambay muna sina Sza at Gene sa labas ng Convenience Store.
Maya maya ay pinalabas muna ni Mix si Ren kahit oras pa ng trabaho.

YOU ARE READING
Fallin' All In You
Fiction généraleYou are bringing out a different kind of me. Now, I'm Falling All In You Language: English & Tagalog Date Started: May 7, 2021 Date Finished: - -