Habang nagbababyahe pauwi si Jax at Ren ay napuno sila ng katahimikan.
Kung dati rati ay nag uusap sila at nagtatawanan kahit alas dos na ng umaga, ngayon ay hindi na.
Alam din ni Jax na nakasimangot si Ren ngayon at galit sa kaniya dahil hindi ito kumapit sa kaniya.
Makarating sila sa harapan ng bahay nila Ren ay bumaba na si Ren ng wala man lang sinasabi kay Jax.
Iniabot niya kay Jax ang helmet nito.
"Matulog ka na. Alis na 'ko", ang paalam ni Jax kay Ren pero wala parin itong imik.
Dahil wala namang nakuhang kahit ano si Jax sa pananahimik ni Ren kaya naman aalis na lang siya at uuwi na kapag nakapasok na si Ren sa kanila.
Binuksan na ni Ren ang gate ng bahay nila kaya naman napagpasyahan na ni Jax na umalis na.
Nang marinig ni Ren na wala na ang sasakyan ni Jax ay lumabas ulit siya ng gate para makumpirma na umalis na talaga ito.
Nang makalabas siya ng gate at wala na nga roon ang sasakyan ni Jax ay kinuha niya ang cellphone niya sa bag at nagtext sa mommy niya na doon muna siya makikitulog sa bahay ng kaklase niya.
Habang nagta type si Ren ay hindi niya maiwasang mapapikit. Dahil dito ay nakapagsinungaling pa siya na hindi niya naman talaga ginagawa.
Naglakad na siya papunta sa malapit na waiting shed sa kanila. Antayin niya na lang siguro muna ang alase tres. Alas tres pa kasi ang pamamasada ng mga jeep sa kanila.
Habang naglalakd sa may waiting shed ay may bumisina sa bandang likuran niya.
Pagkalingon niya ay ang motor pala ni Jax iyon.
"Napakatigas talaga ng ulo mo", ang inis na sabi nito.
Inosenteng tumingin si Ren kay Jax. Magkahawak ang mga kamay niya na parang batang napagalitan.
Kilala ni Jax si Ren kaya naman hindi na malabong gawin nito ang tumakas dahil nagiguilty.
Inasahan niya ng gagawin ito ni Ren kaya naman ay hindi pa siya umuuwi.
Bumaba si Jax ng motor niya at lumapit kay Ren.
"Ano bang mapapala mo diyan ha?", ang masungit na tanong ni Jax.
Wala namang nakuhang sagot si Jax. Tumungo lang ang ulo ni Ren habang naka pout ang mga labi.
"Ren, 'wag ng matigas ang ulo. Halika na iuuwi na ulit kita", ang sabi ni Jax na mas mahinahon kaysa kanina pero ramdam parin ang inis dito.
Naglakad na lang si Jax dahil malapit lang naman sila sa bahay nila Ren. Iniwan niya muna doon ang motor niya.
Nakailang hakbang na si Jax ng mapahinto siya dahil may humawak sa laylayan ng damit niya.
Humarap siya at nakita ang nagmamakaawang mukha ni Ren. Para na itong iiyak habang nakahawak sa lalayan ng damit niya.
Medyo naawa naman siya kay Ren.
Inalis ni Jax ang kamay ni Ren sa damit niya at naglakad pabalik sa motor niya.
Mas lumungkot si Ren kasi hindi niya na kayang mapilit si Jax sa pamamagitan ng pagmamakaawa niya. Dati rati ay simpleng simangot lang ay ginagawa na nito ang gusto niya at hinahayaan na siya.
Nakatungo lang si Ren kaya hindi niya alam na nakalapit na sa kaniya si Jax. Inabutan siya nito ng helmet.
Nakita ni Jax kung paanong sumigla kahit papaano ang mukha ni Ren.
Hindi katulad kanina ay hinayaan na lang ni Jax na si Ren ang magsuot ng helmet sa sarili niya, na kung kanina ay si Jax pa ang naglagay nito sa ulo niya.
YOU ARE READING
Fallin' All In You
Aktuelle LiteraturYou are bringing out a different kind of me. Now, I'm Falling All In You Language: English & Tagalog Date Started: May 7, 2021 Date Finished: - -