Chapter 32

3.5K 69 28
                                    


Mom is livid, tinawagan niya agad lahat ng koneksyon niya para malaman kung sino-sino ang kumuyog kay Siobhan. She wants to sue everyone involved lalo na't nakapost na sa lahat ng social networking site ang video. Nagkalat na fin ang mukha ni Siobhan, pinagpipiyestahan na nilang lahat ang anak ko.

Galit din ako at kung hindi lang ako nakapokus kay Siobhan ay baka ako na ang nagunga sa pangangalap ng impirmasyon para sa mga taong nandoon. Someone leaked their location, I don't know who did it but my family will not stop until they get to the bottom of things.

"How's Siobhan, Ate?" Tanong ni Meara nang nakababa na ako.

Umupo ako sa couch, sa tabi ni Cassius at ihinig ang ulo sa balikat niya. Ilang minuto pa lang matapos tuluyang bumaba ang araw pero pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyari ngayong araw.

"Kakatulog lang. Napakain ko rin konti, mga ilang subo lang." Everyone's here today and everyone is on their phone, calling everyone that they know to get the videos and pictures online. Si Silas naman hindi ko alam, but I'm sure his side is doing something too.

"Are you okay?" Tanong ni Kuya Aiken nang umupo siya sa tabi ko.

I bit my lip to control my emotion but it didn't do much. "When does it get easy for me and Siobhan, Kuya?" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang maingay na kwarto ay biglang tumahimik ng magsimula na akong umiyak. "Siobhan's scared then I don't know what happene dwith her and Silas but our daughter doesn't want to be around her father." Mas humagulhol ako sa pagod. "I can't even catch a break."

"Rest, Giovanna." Tumigil si Kuya Keiran sa pakikipagusap kay Syd. "We'll take care of everything."

Umiling ako, "I just need a good cry, Kuya. Tutulong na rin ako pagkatapos nito." I don't want to appear in front of my family but I just need to cry it all out in order to function properly.

Cassius never moved as I cry on his shoulder. I noticed Mom staring at me, her eyes hold anger and what seems like pain. She noticed me staring back and her expression became blank again. She focused back on her phone and started talking furiously again.

"Can I borrow your phone?" Tanong ko kay Cassius. Wala akong kahit anong social networking app dito sa phone ko. I want to watch the whole video baka doon ko malaman kung bakit ganoon na lang si Siobhan sa Papa niya.

Inabot niya sa akin ang phone niya. Nakabukas na ang video at kailangan ko na lang na i-play ito. The video that I'm watching now is from a different angle, mas malapit iyon sa mukha ninSiobhan kaya mas kita ko ang takot sa mukha niya. Silas is trying to shield our daughter but there was just too much people on around them. Wala man lang bang body guard doon na tumulong man lang sana sa kanila.

Nagsimula ng umiyak si Siobhan at si Silas naman ay unti-unti nang nagagalit. "Anak mo ba siya, Alastair?"

"Sino ang Mama ng bata?"

"Totoo ba na anak niyo siya ni Vega?"

"Bakit mo itinago ang anak mo?"

Sunod-sunod ang mga tanong nila. They even became more aggressive when the guards finally arrived and stood between them. Nakita ko kung paano nahawakan si Siobhan sa balikat at muntik ng matumba ang bata. So that's how she got those scratches on her shoulders.

Mas lalong umiyak si Siobhan sa video dahil sa nangyari. Silas snapped and punched the guy who pulled Siobhan. May ibinulong siya sa lalaki pero hindi iyon nakuha sa video. Bumalik si Silas kay Siobhan at binuhat ang bata. Nang may isang nangahas na ilapit ang kamera sa mukha nilang dalawa ay hinablot niya ito at ihinagis sa semento. "I said no fucking comment."

Binangga niya ang sino mang tao na humarang sa daan niya. Doon na natapos ang video dahil mas rumami na ang mga guard na humaharang. Nanghihina kong binalik ang phone kay Cassius. They were so horrible, nakita na nga nila kung gaano na tatakot ang anak ko pero hindi pa rin sila tumitigil. My daughter's traumatized by the mob just for them to earn a few coins and make a viral story.

Behind The CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon