Kabanata 10

29 5 0
                                    

Dalawang araw na ang nakaraan noong harangin ako ng mga babaeng hinihingan ako ng pera. Kahapon ay itinapon nila ang kinakain kong sopas sa cafeteria pero hindi ko na lang sila pinansin at pinatulan.

Ayokong gumawa ng eskandalo rito. Ayoko ring pagbulungan ng mga estudyante rito, college na ako at hindi na ako isip-bata para pumatol pa sa kanila.

"We were having a group for research, humanap na kayo ng ka-grupo ninyo at apat na tao lang ang pwede o lima. Buong week ay aasikasuhin ninyo sa next week ay may pag-aaralan tayong bago iyon ay pagtuunan niyo mun ng pansin ang research ninyo tungkol sa Elements of Fashion and Design." Paliwanag ng prof namin habang nakatayo at seryosong nakatingin sa amin. Ang prof namin ay nasa edad 50's na pero ang gwapo pa rin niya.

Kasabay ng pagsabi ng prof namin ay nagsitayuan na ang mga kaklase namin para maghanap ng ka-grupo pero ako ay nananatiling nakaupo sa upuan ko.

Gusto kong magkaroon ng kaibigan kahit ang tingin ng karamihan sa akin ay basura, hindi ko alam kung bakit nila ako binu-bully katulad ng mga ginagawa ng estudyante sa Maynila kung saan ako nag-aaral.

Gusto ko lang naman ng kaibigan.

Kanina habang nagdi-discuss ang prof namin ay akala ko magiging tahimik na ang pakikinig ko pero nararamdaman ko na binabato ako ng mga lalaki sa likuran ko. Nasa pinaka-unahan kasi ako sa pinakagilid na bahagi ng pader.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong umalis na lang dito dahil hindi naman ako belong sa kanila. Magkakakilala na silang lahat samantalang ako ay walang kilala rito, anong gagawin ko?

"Miss, gusto mo sa amin ka na lang? Kulang kasi ng isa sa aming tatlo. Huwag kang mag-alala hindi naman kami katulad ng ibang estudyante, pwede ka?" Inangat ko ang tingin ko sa babaeng nagsalita sa tabi ko.

Kasama niya ang isang lalaki, isang babae, at siya. Simple lang ang pananamit niya pati ang isang babaeng kasama niya, nakangiti sila sa akin na parang hinihintay ang sagot ko. Tinuro ko ang sarili ko para alamin kung ako ba ang sinasabihan nila o ang nasa likuran ko na babae.

"A-Ako ba 'yung t-tinatanong niyo?" Gulat na tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. Natawa naman ang lalaking nasa harapan ko pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Oo, wala na kasi kaming mahanap na ka-grupo. Kaming tatlo lang ang magkakaibigan kasi hindi naman namin ka-close 'yung iba tapos nakita ka nitong siraulong ito kaya pinuntahan ka naming tatlo, mabait naman kami." Tinuro niya pa ang lalaking katabi niya na masama ang tingin sa kanya. Kalaunan ay binatukan siya n'ong lalaking iyon.

"Hindi ka mabait! Ako lang ang mabait sa ating tatlo!" Angil niya, umubo naman ang kasama niya. Tumingin sa amin ang kaklase namin pero hindi nila iyon pinansin.

Nakatingin lang ako sa kanila dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa ginagawa nila sa harapan ko, akala ko ay tatanungin nila ako tungkol sa group namin para sa research pero hindi ko aakalain na magbibiruan pa sila sa harapan ko.

Nanliliit ako dahil wala naman akong kaibigan. Mayaman, marangyang buhay at siguro lahat ng bagay ay mabibili ko kahit mamahalin pa pero hindi ko mabibili ang gusto kong kasiyahan at totoong kaibigan.

Kahit gaano pa tayo kayaman ay mayroon pa ring isang bagay na hindi ibinigay sa atin na kailangan natin hanapin at ibigay sa sarili natin katulad ng kasiyahan.

"Ang kapal mo naman. Kanina nga may nadapa na bata tapos imbis na tulungan mo, pinagtawanan pa. Sinumbong ka tuloy sa mama niya kaya no'ng umalis ka nadamay pa kami sa pagtakbo." Irap ng isa pang babae.

Sana naging simpleng tao na lang ako para katulad ng iba ay magkaroon ako ng kaibigan. Sana hindi na lang ako naging mayaman.

"Uhm... S-Sige, ako n-na lang ang maging ka-group niyo!" Ngiti ko. Napatigil silang tatlo saka tumingin sa akin, ngumiti silang tatlo at umupo sa bakanteng upuan na katabi ng desk ko.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon