TEASER

2.5K 180 60
                                    

IMPERFECTLY WRITTEN.

Hindi pa gaanong polished 'to
pero i-edit ko kapag
marami na 'kong spare time.


❗❗R-18❗❗

💦💦💦

  Hindi naman mahirap para sa isang kalog na babaeng katulad ni Phoebe Anne Benitez ang pagdadala ng patung-patong na mga problema dahil lagi siyang naniniwala sa kasabihang "Huwag mong tambayan ang problema kung ayaw mong maloka".

    Lagi namang nandiyan ang mga pagsubok sa buhay kung kaya't nakikisabay na lamang siya sa agos nito.

   Sanayan na lang ang labanan dito, ika nga.

   Alam naman niyang hindi habambuhay ganoon ang magiging sistema ng bawat nilalang sa mundo.

   Iniisip niyang magaan pa nga ang kaniyang pasanin kumpara sa ibang tao.

   Kaya imbis na magmukmok at mabaon sa kalungkutan ay dinadaan na lamang niya ang lahat sa pagiging masiglahing baklang babae.

   Sanay na rin siyang masabihang maarte, gaga, prangka at malandi dahil ganoon ang paulit-ulit niyang naririnig mula sa bibig ng mga magulang at kaibigan.

   Hinahayaan na lamang niya ang mga itong husgahan siya base sa kaniyang pananalita at mga ikinikilos dahil wala rin namang silbi kung ipagtanggol pa niya ang sarili.

  Hindi naman kasinungalingan ang mga bagay na iyon. Sa katunayan ay mas pinatutunayan pa niya sa mga tao kung ano at sino talaga siya.

   Katuwiran niya'y mabuti nang malaman at makita agad ang mga baho sa kaniyang pagkatao kaysa umarte siyang anghel-anghel-an ngunit nasa loob naman ang kulo.

  Ganito siya kaya magtiis sila, iyan ang pananaw niya.

  Walang sino man ang maaaring magdikta sa kaniya kung ano ang mga dapat niyang gawin. Walang kahit ano ang magpapabago sa kaniyang mga nakasanayan.

   At walang may karapatang gumulo sa kaniyang buhay na matagal nang walang kaayusan.

  Kaya kung gusto niyang sumama sa iba't ibang lalaki para lang panandaliang makakuha ng saya ay gagawin niya dahil isa ito sa kaniyang mga paraan para makahanap ng pahinga.

   Maikli lamang ang buhay kaya dapat lang na maranasan niya't matikman ang iba't ibang sarap sa mundo.

  Alam naman niyang mali iyon para sa paningin ng iba ngunit buhay niya ito kaya siya na lamang ang mananagot sa kaniyang kamunduhan.

    Walang basagan ng trip, sabi nga niya.

   Kung siya man ay nagkakasala, siya na ang bahalang humingi ng kapatawaran para roon.

  Kung hindi man siya makapasok sa langit dahil dito, wala siyang magagawa kung 'di maging reyna sa impyerno.

  Pero kung may reyna, malamang ay may hari rin.

  Marami na naman siyang prinsipeng nakasama ngunit wala ni isa rito ang nagparamdam sa kaniyang posible pang dumoble ang alab ng apoy na kaniyang matagal nang pinaglalaruan.

   Nagbago lang ang kaniyang pananaw nang makilala ang isang lalaking nag-uumapaw ang sex appeal. Isang lalaking makasalanan katulad niya.

   Isang taong kayang makipagsabayan sa larong kaniyang sinimulan.

   Isang hari ng kamunduhan at kahalayan.

  Sa pag-aakalang sanay na siyang maglaro ng apoy ay unti-unti na rin niyang nararamdaman ang pagkapaso. Ang hapdi. Ang sakit.

  Kaya pa ba niyang panindigang manatili sa impyernong ginagalawan o pipiliin na lamang niyang maging anghel kahit alam niyang hindi niya mararating ang langit?

🌹🌹🌹

REFERENCE IMAGE ONLY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REFERENCE IMAGE ONLY. MAY PINAGBASEHAN PO ITO, GUYS.

CTTO.

Paglisan (Ikalawang Tamis) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon