KABANATA 16 - SPG

1.4K 147 62
                                    

   "Tangina, Angeles, hindi naman kaya masakit iyon. Ang layo-layo sa bituka no'nay, pero malapit din pala," pagkausap ni William sa sarili habang tinatapik-tapik ang dibdib. Tumungga siyang muli ng alak mula sa bote bago muling nagsalita, "Kung ayaw niya, iba na lang aayain kong magpakasal!"

  "Siraulo ka! Magpatulog ka nga, Yam! Saka mahiya ka nga, baka may ibang makarinig sa 'yo riyan sa tabi-tabi. Parang timang 'to," pagsaway sa kaniya ni Phoebe mula sa loob ng tent. May iba pa itong ibinulong ngunit hindi na niya iyon masyadong naintindihan.

  Hindi niya nagawang sumagot, sa halip ay gumapang siya papasok sa loob ng tent bago pumaibabaw kay Phoebe na halatang gulat na gulat ngayon.

  "Why, Babe? Hindi ba ako katiwa-tiwalang maging asawa?" tanong niya, binabalanse ang katawan para hindi mapadikit nang tuluyan dito.

  "Ano ba? Umalis ka nga sa ibabaw ko," iritableng bulong nito.

  Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Sagutin mo muna ang tanong ko."

  Umiwas ito ng tingin kung kaya't inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa bandang tainga nito. Akmang hahalikan na niya ang leeg nito nang biglang lumapat ang palad nito sa kaniyang pisngi dahilan para mapahiga siya sa tabi nito.

  "Tigil-tigilan mo nga ako. Ang dami-dami mo nang nainom." Binato nito ang isang unan sa mukha niya. "Hoy, excuse me, hindi ako pumapatol sa 'yo kapag lasing ka."

  Hindi siya sumagot. Hinayaan lang niyang matakluban ang mukha niya ng unan. Hinayaan lang niyang balutin sila nang katahimikan at ang tanging naririnig lamang nila ay ang paghampas ng alon sa dagat.

  "Kung ayaw mong mailang ako sa 'yo, William, umakto ka lang ng normal. Iyong katulad no'ng dati. Ayaw ko kasing makokonsensya ako. Gets mo? Ayaw ko 'yong ipararamdam mong luging-lugi ka dahil hindi kita sinagot o hindi ako um-oo sa 'yo. Ayaw kong ma-pressure sa mga bagay-bagay," seryosong saad nito.

  Mariin siyang napapikit dahil sa narinig niya. Wala siyang sapat na lakas para magmura at para bang nais na lamang niyang dapuan ng antok.

 Alam naman niyang posibleng ganito nga ang kahinatnan ng kaniyang mga desisyon at plano pero hindi niya lubos akalaing tatablan siya nang ganito.

  Nakakalalaki talaga, isip niya.

 Inalis niya ang unan mula sa pagkakatabon sa kaniyang mukha bago umupo nang maayos at tumingin sa gawi ni Phoebe.

   Dahil may liwanag na nanggagaling sa labas ay napansin niyang kasalukuyan din itong nakatingin sa kaniya.

  Dahan-dahan niyang inangat ang suot na shirt hanggang sa tuluyan na niya itong nahubad. Sunod siyang humiga sa tabi nito at isiniksik ang sarili.

  "Ang bango mo," pagsinghot pa niya sa bandang leeg nito. "Bawal pa rin ba 'yong ganito? Ginagawa ko naman 'to lagi sa 'yo, 'di ba?"

 "Oo na, oo na, hihirit ka pa, eh. Puwede 'yong ganito basta huwag ka lang magdadrama sa akin," sabi nito sa mataas na tono. "Teka nga. Bakit matigas 'to?"

  Napangisi siya nang bigla nitong dakmain ang kaniyang naninigas na alaga.

 "Napadikit sa 'yo, eh. Automatic iyan," pilyo niyang sagot habang hinihimas-himas ang baywang nito. "Don't want to fuss and fight. Just wanna make love to you right here, right now."

 Tumagilid ito at bumawi ng yakap sa kaniya. Ramdam din niya ang pagpapak nito ng halik sa kaniyang leeg. Sunod pa niyang naramdaman ang pagdila nito sa kaniya kaya mas lalong nag-alab ang kaniyang nadarama.

  Bigla itong bumangon at pumatong sa ibabaw niya. Gumiling ito habang tinatanggal ang suot na bra kung kaya't napahawak siya nang mahigpit sa baywang nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paglisan (Ikalawang Tamis) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon