KABANATA 12 - SPG

977 141 67
                                    

   Naningkit ang mga mata ni William nang mabasa niya ang mensaheng nanggaling kay Gertrude Santilles. Hindi naman siya tanga para hindi maisip na posibleng pakana na naman ito ng magaling niyang pinsan na si Arki.

  Kung nakikipaglaro ang mga ito sa akin, eh 'di siyempre... sige, ako na lang ang referee, isip niya.

  Hindi naman niya para pag-aksayahan ng panahon ang mga taong may pinag-aralan nga ngunit ganoon naman kabaho ang trip.

  Sapat na 'yong pagdikit ng kaniyang kamao sa pagmumukha ni Arki Melendrez noon para maiganti man lang kahit papaano si Phoebe mula sa panggagago nito rito.

   Hey, Yam. What's up?

  "Tingnan mo nga 'tong babaeng 'to, William. Hindi man lang makaisip nang maganda-gandang message para ma-convince ka," natatawa niyang pagkausap sa sarili. "What's up her fucking silicone breasts."

   Uminom muna siya mula sa bote ng beer bago muling tumingin sa screen ng cellphone. Sakto namang may lumitaw na mensahe mula kay Phoebe kaya agad niya itong binuksan.

   Napainom ulit siya ng alak dahil bumungad sa kaniya ang larawan nitong halos hubo't hubad  na habang nakahiga ito sa kama.

  Hindi niya alam kung ano'ng tawag sa lingerie na iyon dahil wala siyang ideya sa mga damit pambabae pero aminado siyang napakaganda ni Phoebe sa suot nito.

   Tangina, nahiya pa. Hindi na lang sana nag-bra kung nipples lang din naman ang natatakpan n'on. At nag-panty pa, see-through din naman," bulong niya sa isipan.

   Nagtipa siya ng isasagot.

   Nice. Nakaw sa Google 'yang photo?

   Mabilisan naman itong nagreply sa kaniya.

   Oo, ganda, ano? Pakilala ko na sa 'yo 'yang nasa picture?

   Napakagat siya sa labi, nagpipigil ng ngiti. Lumipat pa siya sa kama para makapuwesto nang maayos.

   Mukhang mapapa-vidjakol na naman siya ngayon.

  Mabilisan nitong sinagot ang kaniyang tawag. Inutusan niya pa itong mag-on ng video dahil iyon ang dahilan kung bakit siya tumawag ditoang makita nang mas mabuti ang katawan nito.

  "Magkikita naman tayo bukas, kailangan talagang may pa-video pa ngayon?" tanong nito habang inaayos ang anggulo ng camera.

   Dumapa ito at isinandal sa headboard ng kama ang cellphone para hindi iyon matumba. Mas lalong napako ang atensyon niya sa cleavage nito.

  "Gusto mo rin naman," nakangising sabi niya. "'nga pala, nagtext sa akin 'yong Gertrude kani-kanina lang."

  Nagtaas ito ng isang kilay. "Sinearch ko sa Facebook iyon kahapon lang. Hindi naman kagandahan. Maputi lang at naka-ombre ang buhok. Ay nako, talbog iyon sa akin."

 Napahimas siya sa bibig habang nakatitig sa dibdib nito. "Talbog na talbog talaga, B."

 "I know right. Natural 'to. Hindi man sobrang pink ang nipples ko pero gigil na gigil ka naman dito." Natawa siya nang bigla itong yumugyog kung kaya't umalog ang mga iyon. "Teka nga, inaaliw mo ako, eh. Ano 'yong sinabi sa 'yo no'ng Rude na iyon?"

  "Hey, Yam. What's up," panggagaya niya lang sa mensahe n'on kanina.

  "Nireplyan mo? Malandi ka kaya, siyempre go ka nang go sa mga ganoong klaseng babae, 'di ba?"

   "Sa 'yo pa lang solved na ako. Hindi lang What's up, kundi up and down pa," makahulugan niyang banat.

  "Paksyet ka rin, ano? Pati banat mo pangbastusan pa rin. Anyway, 'di ba kanina galing kami sa ospital ni Ride? Vertigo 'yong dahilan nang pagkahilo niya't pagsusuka. Niresetahan lang siya n'ong guwapong doktor kanina."

Paglisan (Ikalawang Tamis) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon