KABANATA 10

811 136 70
                                    

  "Bakit nandito ka?" tanong ni William sa pinsan nitong si Arki Melendrez nang madatnan niya itong nakatayo sa parking lot ng kaniyang pinagtatrabahuhan. Doon pa iyon nakapuwesto kung saan nakaparada ang kaniyang kotse.

  "Just paying you a visit, cousin," masiglang tugon nito bago lumapit sa kaniya't naglahad ng kamay ngunit hindi niya iyon tinanggap. "Wala bang pa-welcome back diyan?"

  "Pauwi na ako. Tumabi ka," sabi na lamang niya dahil nakaharang ito sa pinto ng kaniyang oto.

  "Hanggang ngayon pa rin ba, mainit ang dugo mo sa akin?" natatawa nitong saad. "Ang tagal na no'n, ah?"

  Tiningnan niya lamang ito bago niya 'to hinawakan sa balikat at pinaurong para magkaroon siya ng espasyo. Mabilisan siyang pumasok sa loob ng oto para buksan ang bintana, paandarin ang makina at buhayin ang aircon nito.

  Napansin niya ang pagyuko ng pinsan para sumilip sa loob.

  "Tagal na nitong FD mo, ah? Palitan mo na 'to nang mas bago at modelo," maangas nitong komento, tinutukoy ang kaniyang Honda Civic FD 2007 model.

  Alam naman niyang dinadaan na naman siya nito sa kayabangan. Hindi pa naman ganoong ka-luma ang Civic niya dahil makinis pa nga ito kaysa sa ibang babae.

  "Pasensya na. Hindi kasi ako kasing lupet mo para magpalit ng oto taun-taon," pabalang niyang sagot. "Ano ba ang kailangan mo? Sinadya mo pa talaga ako rito, ah?"

  "Si Phoebe," diretsahang tugon nito.

  Tumayo ito nang tuwid bago nagpagpag ng mga kamay dahil sa pagkakahawak nito sa labas ng kaniyang kotse.

   Putangina, arte nito. Akala mo nama'y ang linis ng katawan, reklamo niya sa isipan.

    "Ah, si Phoebe na matagal nang sa akin?" pagmamayabang niya. "Wala ka nang magagawa pa, insan."

   Ayaw niyang masira ang kaniyang araw dahil maganda na ang kaniyang wisyo sa opisina kanina dahil marami siyang na-accomplish na trabaho at magkikita pa sila ngayon ni Phoebe sa isang restaurant malapit sa pinagtatrabahuhan nito.

   "Really? We'll see about that," sabi nito bago naglakad palayo. Kinatok pa nito ang hood ng kaniyang kotse bago tuluyang umalis.

   Napahigpit ang kapit niya sa kambyo at manibela. Hindi niya akalaing sa isang iglap, masisira nang tuluyan ang araw niya dahil lamang doon.

  Talagang sinadya pa siya nito rito para lang mang-inis na parang bata. 

  Muli na naman niyang naalala ang pangyayari dalawang taon na ang nakalilipas. Walang sabi-sabi niya itong sinuntok nang magdilim ang paningin niya rito kahit sila ay nasa family reunion.

  Hindi naman niya sinasadyang masira ang masaya sanang pagsasama-sama ng kanilang angkan pero hindi siya nakatiis dahil punong-puno na siya sa kagaguhan ng pinsan.

  Narinig niya kasi ito noon na nakikipag-usap sa iba pa nilang mga pinsan at sakto namang may narinig siyang foul tungkol sa babaeng tinutukoy nito.

  "Kumusta? Dami mo na yatang chicks, eh," sabi ng pinsan nilang si Charles. "Who's the baddest bitch, though?"

  Tumawa si Arki. "Phoebe's the name. She's my squirtle."

  "Damn son. Make sure na hindi makararating kay Paige iyan," komento ni Paul, isa pa nilang pinsan.

  Si Paige ang dating asawa ni Arki. At kahit gago siyang tunay ay ayaw niyang makakabalita nang pangangaliwa lalo na kung may asawa na ang isang tao.

  Hindi man siya pabor sa ideya ng pagpapakasal dati ay alam naman niyang nirerespeto dapat iyon, hindi lamang dahil isang mabigat na commitment iyon kundi dahil iyon ang tama.

Paglisan (Ikalawang Tamis) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon