KABANATA 7 - SPG

1.2K 155 67
                                    

   "May dumaang lalaki rito kanina, hinahanap ka sa akin. Iyong naka-kotseng pula," sabi ng nanay ni Phoebe sa kaniya pagkarating niya sa kanilang bahay. "Arki raw ang pangalan. Sino naman iyon?"

   Agad siyang napalingon sa kinatatayuan ng ina nang marinig ang pangalang matagal na niyang ibinaon sa limot. Matagal na rin siyang walang balita tungkol sa lalaking iyon dahil una sa lahat, wala namang katanda-tanda sa taong hindi marunong rumespeto sa kapwa, lalo na sa babae.

  Ang buong akala niya'y mananatili na iyon sa Canada for good, ngunit bumalik na pala ito sa Pilipinas. At ang nakapagtataka'y pumunta pa rito sa kanilang teritoryo.

  Para saan pa? Ano, hindi ito maka-get over sa performance niya dati? asar niyang wika sa isipan.

  "Kakilala ko lang dati," simple niyang tugon bago nagtungo sa kusina para maghanap ng makakain. Kung sinusuwerte nga nama'y wala pa palang lutong ulam o marahil naubusan na naman siya.

  Sumunod naman ang kaniyang ina, tila gusto ulit magtanong tungkol sa lalaking nabanggit kanina.

  "Mukhang mayaman at magalang ang lalaking iyon. Nag-iwan nga ng calling card. Ayon, idinikit ko sa may ref natin. Tawagan mo raw siya kapag nakuha mo na iyon," sabi pa nito.

  Napabuga siya ng hangin bago humarap sa kinatatayuan nito.

  "Kapag mayaman talaga, ang bilis ninyo, ano?" inis niyang saad, mapang-asar pang tumawa. "Hayaan n'yo, kakabit ako kay Mayor sa susunod para tiba-tiba kayo ni Papa."

  Hindi niya matanggap ang reaksyon ng sariling ina. Kapag naka-kotse at mukhang magalang kausap ang isang tao, ibig sabihin ba n'on ay mabuti na 'yong tao?

  Alam niyang pala-"po" at "opo" si Arki sa mga nakatatanda at mabulaklak din itong magsalita kung kaya't nakampante siya noon. Kaya nga sinubukan niyang sumama rito dahil sa pag-aakalang kaya siya nitong tratuhin nang mabuti.

  Ngunit habang tumatagal, doon niya napapansin ang tunay nitong kulay.

  Mukha lang maamo ang itsura nito pero nasa loob pala ang kulo. Hindi naman siya na-inform nang maaga roon. Minsan naiisip niyang mas mabuti pa ngang kay William na lamang siya sumama noon kung mas maaga lang silang nagkakilala.

  Pakshet, bakit pumasok si William sa kuwento? isip niya.

  "Punyeta ka. Ganiyan ka talaga magsalita sa magulang mo?" galit na saad ng kaniyang ina. "Baka nakalilimutan mong palamunin lang kita dati tapos ngayon porke nakapagbibigay ka na sa amin ng ama mo'y ganiyan ka nang magsalita sa akin?"

  Napahaplos siya sa kaniyang buhok bago umirap. "Mamsh, pagod ako sa work. Tomorrow na lang ang bunganga, okay?"

  Dali-dali niyang nilagpasan ang ina at dumiretso sa kaniyang kuwarto. Isa-isa niyang hinubad ang suot na damit bago iyon itinapon sa marumihan. Tinanggal na rin niya ang kaniyang bra para presko ang paghiga niya sa kaniyang kama.

  Napaungol siya nang maradaman ang malambot na kutson. Nag-unat pa siya kaya mas guminhawa ang kaniyang pakiramdam.

  Muntik na siyang makaidlip pero biglang tumunog nang malakas ang kaniyang cellphone na nakatago sa loob ng bag. Wala sana siyang balak kunin iyon pero nairita siya sa ingay na dulot n'on kaya tamad siyang tumayo't kinuha iyon.

  Rumehistro ang pangalan ng lalaking ipinaglihi sa libogYam Borjer.

  "Bakit na naman ba? Wala ka nang ibang ginawa kung 'di tumawag sa akin. Ganiyan ka na talaga ka-clingy sa akin?" bungad niya rito.

  Tumawa ito sa kabilang linya. "'tangina kasi si Devin kagabi, eh."

  Iyong inis niya'y tila humupa sa biglang pag-alala sa mga nangyari kagabi habang sila ay magka-video call sa Messenger.

Paglisan (Ikalawang Tamis) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon