Chapter 13

2.9K 145 8
                                    

RU: 4 MY BULLY HUSBAND|Devereaux: 2

Chapter 13.

ASHTON 'S POV

"Ano 'yan?" tanong sa akin ni Ach, ng umupo siya sa tabi ko

nag angat ako ng tingin sa kaniya, at saka ko itinaas yung kamay ko na may hawak na pag kain

"Ito ba?" tanong ko, na sinagot naman niya ng pag tango

"hindi ko nga alam 'eh" kibit balikat na sagot ko sa kaniya

"Patingin nga ako" agaw niya sa pag kain na hawak ko

"May pangalan mo ahh" saad niya ng mapansin ang pangalan ko na naka sulat sa plastic, cheese cake ang laman nun at saka isang milk tea, sinilip ko kasi kanina kaya alam ko

"At saka may pa note pa ang luko" saad pa niya na ikinataka ko, agad ko naman na tiningnan ang tinitingnan niya

"sa susunod unahin mo muna 'yung pag kain mo, hindi yung kaharutan mo"

basa ko sa sulat na ikinataas ng kilay ko, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng katabi kung si Ach, hahampasin ko na sana ito ng mahina sa kaniyang braso ng sawayin ako ng guro naming nag tuturo sa unahan, naka limutan kung may guro nga pala sa unahan, masyado akong nalibang sa pakikipag usap kay Ach

tumahimik na lamang ako at ibinalik ang atensyon sa unahan, para makinig sa tinuro ng teacher namin, kasong itong si Ach, masyadong magulo, kinukulit ako, nandyan yung sasandal siya sa balikat ko tas kukunin yung kamay ko, kaya naman yung ibang mga kaklase na nakaka kita sa amin ay inaasar kami, nakaka inis lalo na't alam na ng mga kaklase ko na boyfriend ko ang lalaking ito

natapos ang klase na wala man lang akong natutunan bagama't nakinig ako kaso walang pumasok sa utak ko, masyado kasi yung nagugulo gawa ni Ach, samahan mo pa ni Franco, s'ya na lang kasi ang laging laman ng isip ko, simula kasi ng may nag yare sa amin, umiiwas na ito sa akin, para siyang naiilang, na hindi ko alam, pilit ko siyang tinitingnan sa mata ngunit siya yung laging umiiwas, hindi na rin siya nag lalagi sa bahay, hindi na doon natutulog, ako lang tuloy ang lagi sa bahay mag isa, kaya naman lagi na lang prito ang ulam ko, maliban na lang kung aayahin ako ni Ach na kumain sa labas.

napa buntong hininga na lamang ako at saka ako tumayo ng hilahin ako ni Ach, 12:15 pm na kasi oras ng tanghalian namin

nag maka rating kami sa may Canteen, binitawan na nito yung kamay ko

"Akala ko wala ka ng balak na bitawan ang kamay ko" puna ko sa pag bitaw niya ng kamay ko

"Sorry, ang lambot kasi" sagot niya sa akin, pinipisil pisil niya kasi yung palad ko kanina,kanina pa rin siyang nalalambotan sa palad ko

"Saan tayo" pag iiba ko ng usapan kay Ach, at saka ako ngumuso para ituro yung mga table sa canteen, tinatanong ko sa kaniya kung saan kami uupong dalawa

"Mag hanap ka na lang ng table natin ccr lang ako, ako  na ang oorder pag katapos" saad niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako sa kaniya

pag ka alis niya siya naman ang pag lakad ko para mag hanap ng mauupuan naming dalawa ni Ach

madali lang naman akong naka hanap ng mauupoan, sa may dulong bahagi ko na piling umupo

nag antay lang ako ng ilang sandali kay Ach, pero wala pa rin, ang tagal naman ata niya

kinuha ko yung cell phone ko para silipin yung oras, 12:31 pm na, mahigit 15 minutes na siyang wala pero wala pa rin siya na iinip na ako, kaya naman sa huli na pag pasyahan ko na lamang na sundan siya sa Cr

wala naman akong balak na masama, nais ko lamang siyang sunduin, kung andun pa siya o iniwan na rin niya ako

1:00 pm pa naman ang oras ng balik namin sa Classroom, kaya may kalahating oras pa kami

naka rating ako sa may Cubicle, wala namang ibang tao doon, bukas din ang ilang mga pintuan, kaya sigurado akong wala doon si Ach, iniwan na nga ako ng luko, hindi man lang siya nag sabi sa akin, sana naman hindi na lang niya ako pinag antay.

tatalikod na sana ako para umalis sa may  cubicle, nag maka rinig ako ng mahinang pag buntong hininga sa may dulong bahagi   ng cubicle, dahil sa narinig ko nag karoon ako ng dahilan para manatili muna ako doon

"Nakukunsensya na 'ko" biglang saad ng kung sino, medyo mahina lang yun dahil malayo ako sa may dulong bahagi ng cubicle, dahan dahan ako lumapit doon ng walang nililikhang kahit na anong tunog, hindi naman ako chismoso pero parang nakikilala ko kung sino ang may ari ng boses na 'yun, gusto ko lang maka sigurado kung tama ba ako ng hinala, pumasok ako sa kasunod na cubicle na yun, na wala pa rin akong nililikhang ingay

"Makaka sira tayo ng relasyong dalawa, sa tingin ko naman mahal nila ang isa't isa" muling saad pa nito na ikinalaki ng mata ko, tama nga ako ng hinala ko, si Ach nga!

"Sasabihin ko na ang lahat sa kaniya, para matapos na ang kabaliwan mo" huling salitang binitawan ni Ach, kasunod nun narinig ko ang lag bukas ng pintuan ng cubicle niya

sino ang kausap ni Ach sa Cell phone? na bubuong tanong sa isip ko, sinigurado ko muna na wala na si Ach bago ako lumabas sa may Cubicle, pag katapos nun muli akong nag punta sa may Canteen baka doon nag punta si Ach, kaso pag dati ko naman doon wala na si Ach, kaya naman nag tungo na lamang ako sa may classroom namin, ilang minuto na lang kasi tapos na ang oras ng lunch time namin

wala rin si Ach sa class room saan naman kaya nag punta yun? baka naman pumunta ito sa sinasabi niya sa kausap niya sa cell phone kanina, baka nga! pag kunbensi ko sa aking sarili

muli akong umupo sa may upuan ko, umubob na lang ako sa may lamesa ng upuan ko dahil nakaramdam ako ng pag sakit ng tiyan ko nagugutom na nga ako, kumukulo na kasi yung tiyan ko

muli akong nag angat ng tingin ng maalala ko yung nasa plastic kanina na may laman na cheese cake at milk tea, na bigay ng kung sino, naka lagay nga pala ito sa may upuan ni Ach na nasa katabi ko lang din naman, agad ko iyun tiningnan kung nandoon pa iyun at sa kaswertehan andun pa nga, buti naman gutom na gutom na talaga ako, agad ko naman iyung kinuha at saka kinain, salamat na lang talaga sa nag bigay nito, na solve ang gutom ko ngayon, sana lang walang lason 'to

natapos akong kumain sya namang pag upo ng kung sino sa may tabi ko, yung sa kaliwa,  yung di yung inuupuan ni Ach sa kanan kasi naka upo si Ach

nag angat ako ng tingin pag katapos kung isilid yung mga kalat ko sa isang plastic

nagulat pa ako ng makita ko yung umupo sa may tabi ko, si Andrei pala pinsan nila Franco

"Hi!" bati niya sa akin nag angat pa siya ng kamay para kumaway

"Hello!" akward na bati ko sa kaniya pabalik, hindi ko kasi alam kung ano yung dahilan kung ba't bigla na lang ata itong nakipag usap sa akin, anong meron?

"Kakambal mo si Asher? right?" tanong nito sa akin na ikinatango ko lang, hindi ko alam kung anong klase yung tanong niya, kasi naman halata na mag kakambal kami, siguro wala lang siyang maitanong kaya yun na lang ang naitanong niya sa akin

"Oo" sagot ko sa kanya pag katapos kung tumango

"Ba't hindi kayo nag papansinan? hindi ba kayo close? sa pag kaka alam ko kasi pag mag kambal close sila sa isa't isa, ba't parang iba ata kayong dalawang mag kambal"  sunod sunod na tanong niya sa akin na ikinatigil ko, hindi ko alam na ganto pala makipag usap si Andrei, hindi naman kami close, tas kung maka tanong siya sa akin

"Sorry!, sa tanong ko" pag bawi niya sa tanong niya kanina, ngumiti lang ako sa kaniya, sa totoo lang close naman kami dati ni kuya Asher nag bago lang yun at lumayo siya sa akin ng nalaman niya babakla bakla ako, pakiramdam daw kasi niya binastos ko siya at hindi ko man lang sinabi sa kaniya, kaya alam kung galit siya sa akin kaya hindi niya ako pinapansin

"Okay lang!" nakangiting sabi ko sa kaniya

"Close naman kami dati" panimula ko para sagotin yung tanong niya, bahagya naman siyang tumingin ulit sa akin at saka bumilo na parang makikinig

mag sasalita na sana muli ako ng pumasok yung teacher namin, kaya naman nanahimik na lang ako, si Andrei naman nanatili na doon sa may upuan na may katabi ko.

The Reluctant Heart [B×B| Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon