Chapter 18

2.4K 134 12
                                    

RU: 4 MY BULLY HUSBAND|Devereaux: 2

Chapter 18.

ASHTON 'S POV

"Ah! Franco, pwede bang dyan mo na lang ako ibaba?" tanong ko kay Franco, kasalukuyan kami ngayong nasa loob ng kotse, papasok sa school.

"Bakit? parehas lang naman tayo ng classroom diba, may pupuntahan ka pa bang iba?" tanong niya sa akin

"pwede kitang samahan kung gusto mo" dagdag pa niya

"Hindi na" sagot ko naman sa kanya na may kasamang pag iling pa

"Saan ka kasi pupunta at sinong kasama mo?" tanong niya, hindi naman pagalit yung pag kakasabi niya pero mahahalata mo yung pag kainis niya

"Si Ach" sagot ko sa kanya na ikinasalubong ng kilay niya

"Bakit ka makikipag kita sa kanya, sama ako!" biglang saad niya sa akin at saka niya tinabi yung sasakyan sa isang gilid

"Wag na, madali lang naman ako" sagot ko sa kanya at saka ko binuksan yung pintuan ng kotse niya at saka ako bumaba ng wala ng lingon lingon sa kanya.

nag text kasi kagabi si Ach, gusto daw kasi niya akong maka usap at makipag kita, agad naman akong tumugon sa kanya kasi gusto ko rin siya maka usap, gusto kung sabihin sa kanya  na tigilan na namin yung pag papanggap niya na fake boyfriend ko siya para pag selosin si Cassandra at Franco,

hindi ko alam kung ano yung alam ni Franco na hindi pa niya sinasabi sa akin about kay Cassandra, kaya siya nakipag hiwalay sa dalaga

ilang lakad pa at naka rating na ako sa lugar na tagpuan namin ni Ach, sa maarTEA milk shop, na malapit lang din sa Raino University.

agad itong kumaway sa akin ng makita ako, ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon.

agad ako nitong pinaupo ng makalapit ako sa gawi n'ya

"Anong gusto mong pag usapan?" walang paligoy ligoy na tanong ko sa kanya, tinapat namin niya sa may mukha ko yung limang daliri niya, sign na mamaya na lang namin pag usapan yung bagay na 'yun

mag sasali pa sana ako ng bigla niyang tinakpan yung labi ko gamit yung labi niya

"Sabi ko kasi sayo mamaya na lang natin pag usapan" sagot niya sa akin ng bumitaw siya sa pag halik sa akin, natigilan naman ako sa ginawa niyang pag halik.

ilang sandaki pa ay tinawag niya muna yung waiter at saka niya ako muling binigyang pansin

"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin

"Kahit ano, kung ano na lang sayo" sagot ko sa kanya

"Ach! ano ba yung pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya ng maka alis yung waiter, baka kasi malate kami pareho sa school, kung hindi pa niya sisimulan yung gusto niyang sabihin

tumikhim muna ito at saka umayos ng upo bago siya mag simula mag salita, at saka siya humarap sa akin

"Ashton gusto ko lang sabihin sayo yung totoo, pinag isipan ko ito kagabi pa, alam kung magagalit ka sa akin pero buo na yung disesyon ko na sasabihin ko sayo ito" saad niya sa akin, seryos yung boses niya kaya naman medyo kinakabahan ako, napa kagat pa ito sa kanyang labi bago niya ituloy ang sasabihin niya

"Naka plano ang lahat" dugtong niya sa sinabi niya sa akin.

"huh?" literal na napanganga ako, hindi ko alam kung anong pinag sasabi niya

"Anong ibig mong sabihin?" dugtong ko pa sa una kung sinabi

"Naka plano yung pag papanggap kung fake boy friend mo, hindi totoong ex ko si Cassandra, hindi totoong gusto ko siyang pag selosin kasi yung totoo plinano ito lahat namin" saad niya sa akin, hindi ko siya maintindihan medyo naguguluhan ako

"Sinong namin?" tanong ko sa kanya

"Plano ito lahat ni Franco King, siya yung nag pumilit na maging Fake boyfriend mo ako, para maging malaya sila ni Cassandra" sagot niya sa tanong ko na ikinatayo ko mula sa pag kaka upo ko, hindi, hindi totoo yung sinasabi ni Ach, ginugulo lamang niya ang isip ko

"At ngayon nakipag hiwalay siya kay Cassandra kasi narinig ko na pinag pustahan ka nilang dalawa"  dagdag pa niya sa sinabi niya

"Hindi, hindi ka nag sasabi ng totoo" saad ko sa kanya at saka ko siya tinalikuran, patakbo akong lumabas sa Milk tea shop na 'yun na hindi alintana yung mga tanong naka tingin sa akin

nililinlang lamang ako ni Ach, tama, pag kukunbinsyi ko sa aking sarili, at saka ko pinunasan yung mga luhang pumatak sa may pisnge ko

bago ako pumasok sa University nag hanap muna ako ng public Cr para makapag hilamos ng aking mukha, para maayos akong tingan pag pasok ko, baka kasi mapansin ni Franco yung mata ko, at baka mapuna ako

ng alam ko sa sarili ko na okay na ako, tumigil na ako sa pag iyak at saka ako nag lakad papasok sa Riano University

dirediretso lang ako sa pag lalakad ko at hindi pinansin ang ilang babaeng nag bubulong bulungan

ng maka rating ako sa loob ng classroom namin agad na hinanap ng mga mata ko si Franco pero hindi ko ito makita doon, wala ito sa upuan niya, agad ding hinanap ng mata ko si Cassandra kaso wala din ito doon

"Mr. Levista? pwede ka ng umupo" saad sa akin ng teacher namin agad naman akong napa tingin sa paligid, lahat ng mga kaklase ko naka tingin sa akin, maliban kay kuya Asher, hanggang ngayon kasi wala pa rin itong paki alam sa akin, hindi pa rin ako nito pinapansin

wala sa sariling nag lakad ako sa may upuan ko, hindi ko alam kung ilang minuto na akong naka tayo kanina at hindi ko namalayan ang pag dating ng guro namin, ang alam ko lang masyadong malalim ang iniisip ko, naguguluhan ako wala pa rin kasi si Cassandra at Franco, maging si Ach. wala rin, litong lito na yung utak ko

natapos ang  oras, hanggang sa mag recess na wala pa rin sila Franco at Cassandra kaya naman, sa sumunod na klase ay hindi na ako umattent sa halip umuwi na lamang ako nag babakasakaling nandun si Franco

pero nag kamali ako, kasi walang Franco akong nakita sa bahay namin, ni anino nito wala, napahiga na lamang ako sa may kuwarto namin at saka ako napa pikit, mahigit dalawang buwan na rin pala akong nandito sa bahay na ito, dalawang buwan na rin akong hiwalay kila mommy at daddy, bigla na lamang akong napa hagulgul ng maramdaman ko na nag iisa ako, paki ramdam ko walang nag mamahal sa akin paki ramdam ko pinag laruan lang ako ni Franco, kung totoo nga yung sinasabi ni Ach sa akin kanina, gusto kung sumbatan si Franco, gusto ko siyang tanongin, bakit pa nila ako pinag pustahan ni Cassandra? bakit pa niya pinaramdam na mahal niya ako, bakit niya pa pinaramdam na importante ako? bakit? gusto kung sumigaw pero wala akong lakas at tanging hagulgol lamang ang nagawa ko.

ilang minuto rin ako sa ganung ayos ng tumigil ako sa aking pag iyak, pinunasan ko yung luha ko at saka ako muling tumayo at saka ko inayos yung sarili ko, naligo ako at saka ako nag linis ng aking sarili

niluluko lamang ni Ach ang utak ko, nililinlang lang niya ako kasi mahal ako ni Ach, saad ko sa sarili ko

inantay ko si Franco sa bahay, medyo nagugutom na ako pero hindi naman ako makakain dahil hindi ako marunong mag luto.

ilang beses ko na rin tinawag ang cell phone ni Franco pero hindi ko ito matawagan, hindi ko alam kung nasaan ito ngayon, muli na namang nag unahan ang mga luha ko

My pillows witnessed how I hardly cried. The moon saw me in my darkest day but the moon gives light for me to see the positive side of life.

mahal mo ako Franco diba? tanong ko sa isip ko bago ako maka tulog.

A/N: Comment naman kayo guys ng sipagin ako, ng alam ko rin kung may nag babasa pa.

The Reluctant Heart [B×B| Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon