Chapter 15

3.5K 178 16
                                    

RU: 4 MY BULLY HUSBAND|Devereaux: 2

Chapter 15.

ASHTON 'S POV

pag kapasok na pag kapasok ko sa loob ng bahay namin ni Franco, agad kung tinungo ang kwarto ko, na kalapit ng kwarto ni Franco

pag kapasok ko sa kuwarto ko, agad kung nilapag yung mga gamit ko sa school, at saka ako pagod na naupo sa may kama ko

nag pakawala pa ako ng dalawang malalim na buntong hininga, kasunod nun ang pag guhit ng isang ngiti sa labi ko, hindi ko alam masaya ako na malungkot ako, masaya ako kasi break na sila Franco at Cassandra, malungkot din ako para kay Cassandra

muli na naman akong napabuntong hininga, ilang saglit lang naisipan ko na lang na maligo na lamang para kahit papaano lumamig yung ulo ko, para kahit papaano makalimot din ako

binabad ko ang katawan ko sa malamig na tubig na nag gagaling sa shower, nasa may kalahating oras ko din iyung ginawa hanggang sa maka ramdam na ako ng lamig, kaya naman mabilis ko ng tinuyo yung sarili ko sa isang malinis na towel

simpleng damit na pantulog lamang yung sinout ko, pag katapos nun humarap ako sa salamin, para mag suklay ng buhok, medyo may kakapalan na rin pala yung buhok ko

nasa ganun akong ayos ng may biglang kumatok sa may pintuan ng kuwarto ko, binaba ko muna yung suklay na hawak ko bago ko tinungo yung pintuan para pag buksan ang tao mang kumakatok sa may pintuan.

pag bukas ko ng pintuan agad na bumungad sa akin ang mukha ni Franco, ngumiti ito sa akin kaya naman ginantihan ko rin siya ng ngiti

"Akala ko natulog ka na, kaya hindi ka bumaba, naligo ka lang pala" ika nito sa akin, napansin niya siguro na bagong ligo ako, makapal na kasi yung buhok ko kaya matagal bago ito matuyo

"Medyo naiinitan kasi ako kaya napag pasyahan ko na lang na maligo" sagot ko sa kaniya at saka ko siya nginitian ng pilit

"Hindi ka ba nagugutom?" pag iiba niya sa akin ng tanong

"Medyo nagugutom na ako, gabi na rin kasi" sagot ko sa kaniya, 7:47 pm na kasi kaya naman nagugutom na talaga ako, noong nasa may bahay pa kasi ako 6:00 pm palang nag hahain na yung mga katulong namin, maaga kasi kaming pinapakain ni Mommy

"Gutom ka na pala di ka pa bumaba" sagot niya sa akin

"Bumaba ka na lang doon" saad pa niya, medyo may pag kainis ang tono ng boses niya

"Pero... hindi ako marunong mag luto" saad ko pa, ng malala ko na hindi nga pala ako marunong mag luto, sana naman umorder si Franco ng pag kain sa online

"May pag kain na sa lamesa, ubosin mo 'yun" bilin niya sa akin at saka siya tumalikod at nag lakad papunta sa may kuwarto niya

kinuha ko muna yung cell phone ko sa may bag, bago ako bumaba

tulad nga ng sabi ni Franco may pag kain na ngang naka hain sa may lamesa, nag taka naman ako dahil mukhang hindi ito inorder sa online, agad akong nag tungo sa may kitchen para icheck yung mga gamit doon, tama nga ako, dito nga lamang niluto yung mga pag kain  na nakahain sa lamesa, dahil bagong hugas lamang yung kawali na naka sabit, medyo mainit pa rin ito, napangiti ako ibig sabihin si Franco ang  nag luto ng pag kain na kakainin ko.

marunong palang gumawa ng gawaing bahay si Franco. nahiya naman ako

bumalik na lamang ako sa may Dining Area para kainin yung mga pag kain na naka hain doon. medjo marami pala yung niluto ni Franco. kaya ko kayang ubusin ito?

The Reluctant Heart [B×B| Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon