Kapitulo I: Reunion

51 1 0
                                    


"Long time no see, Yanna. Buti makakasama ka na namin ngayong reunion."

Niyakap ko si Margaret ng makita ko kaagad siya sa harap ng sasakyan. Kakarating ko lang rin  dito at napagpasyahan ng tropa na magkita-kita malapit sa pinagparkingan ni Angie.

"'Kamusta? Marami-raming alak na nakapila sayo. By the way, namiss ka na yata ng ex mo. Tsaka ano yang suot mo? Bakit ang chaka naman? Manang na manang talaga."

Pinandilatan ko ng mata si Angie habang ang bruha naman ay enjoy na enjoy sa pangaasar niya. Halos nasanay na ako sa mga pangaasar niya sa pananamit ko sa ilang taon na naming magkaibigan kaya hindi na bago sa akin. Hininhintay na lang namin ng ilang minuto ang iba pa naming kasama para makaalis na.

"Uy Yanna! Ikaw pala yan. Buti makakasama ka na sa gala ng tropa. Tagal mong nawala. Namiss ka namin. Pero mas namiss ka yata ni Jax--- Aray!"

Nginitian ko lang si Matt at napatingin dahil sa pagrereklamo niya. Siniko pala siya ni Jax ng sabihin niya yun. Tumatawa-tawa pa rin ang mokong habang bitbit ang maraming pagkain na binili pa yata nila sa convenient store na kakainin daw nila sa biyahe papuntang Laguna.

Gabi na at nasa biyahe pa rin kami. Narito kami ngayon sa loob ng isang sasakyan kasama ang mga kaibigan ko para magpunta sana sa isang lugar kung saan dapat kami magdadaos ng reunion. Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakauwi at parang bagong-bago na ulit sa akin ang daang dinadaan namin o baka dahil sa dilim na dulot ng malalim na gabi.

Dahil sa haba ng biyahe ay napagpasyahan ko na munang umidlip. Sumandal na lang muna ako sa may bintana dala na rin ng kaantukan ko. Siniksik ko na lang rin ang sarili ko para kahit papaano hindi ako makadikit sa braso ni Jax. Katabi ko kasi siya sa pwesto. At kung minamalas malas ka nga naman nakatabi ko pa siya dito sa sasakyan. Nawalan pa ako ng space dahil inagawan agad ako ng pwesto ni Matt. Nakakainis. Tuluyan na lang akong umidlip at sinandal ko na ang ulo ko sa bintana kasunod ang paglalagay ko ng earphones sa magkabilang tenga.

Nagsimula ang aming pagkakaibigan namin noong high school pa lang kami. Anim kaming magkakaibigan at lahat kami ay masasabi kong magkakaiba ang personalidad. Hindi ko na nga rin matandaan kung paanong nabuo ang pagkakaibigan naming lahat kahit magkakaibang-magkakaiba kami. Mula sa aking kasuotan ay mahahalata na sa akin kung anong klaseng personalidad mayroon ako. Tahimik, hindi iimik kung hindi kikibuin. Taglay ang kabaitan at di palakibong tao. Si Jax naman tahimik lang rin pero hindi kagaya ko na mas kalmado. Sa ilang taon naming magkakasama ay maraming bagay na akong alam sa kanila. Mukhang malaki na rin ang pinagbago niya sa ilang buwan kong nawala dito. Una kong napansin sa kaniya ang kaniyang salamin na gamit niya sa mata na di hamak tumaas pa yata lalo ang grado. Nasa kaliwa naman niya si Matt, ang pinakamaingay sa aming magkakaibigan, palangiti, at palakaibigan din sa iba sa eskuwelahang pinapasukan namin. Minsan nga nagtataka na ako kung kami ba talaga ang circle of friends niya sa dami niyang kakilala noong high school kami. Si Angie naman ang masasabi kong pinakaclose ko sa lahat ng tropa. Siya rin ang madalas na naasahan pagdating sa mga galaan at kung anu- anong trip ng tropa. Kaibigan madalas kaaway ang turing naman niya kay Joaquin. Sa lahat na lang ng bagay nagtatalo sila. Ni bihirang- bihira ko silang makitang nagkakasundo. Si Margaret naman ang pinakakikay sa aming magtotropa. Kumpleto lagi sa kung ano-anong kolorete sa mukha. Maiwan na niya lahat wag lang ang mga make-up at lipstick niya.

Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng leeg na inabot sa pagsandal ko sa bintana. Hindi ko namalayan ang sarili kong napasandal na rin pala ako sa balikat ni Jax. Nagising na rin ako ng tuluyan dahil na rin sa pagbabangayang naririnig ko.

"You okay?" Tanong agad sa akin ni Jax habang kinukusot ko ang mga mata ko.

"Ah Oo ayos lang ako. Uy sorry napasandal na pala ako." na kahit na ang totoo hindi ako kunportable sa pwesto ko dahil nangawit talaga yung leeg ko.

Good Mourning, San DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon