Kapitulo V: Sa Likod ng Maskara

13 0 0
                                    




"Yanna! Dito!"


Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Nakita ko na mayroong mukha ang nakasilip na parang bang naliliwanagan ang mukha nito ng kulay asul na ilaw sa loob nito.


Nilapitan ko ng kaunti ang mukhang nakita ko sa looban nang mapagtanto kong si Angie ang nakasilip sa maliit na butas kaya't hindi na ako nagdalawang isip pumunta sa kinaroroonan niya. Hingal na hingal ako sa pagtakbo at para bang nawawalan na ako ng hanging hihingahan. Hawak-hawak ko pa rin ang dibdib ko dahil sa ginawa ko kanina. Bakit ba puro takbo ang ginawa namin ngayong araw na 'to.Papalapit na ako sa mataas na wooden na pintuan ng isang parang abandunadong malaking building.


Hinablot ni Angie ang kamay ko. Inabot ko naman agad iyon. Sa sobrang bilis nang pagkakahatak niya sa akin parehas kaming hinihingal at sabay na napaupo sa sahig gawa na rin nang pagkakatakbo at pagkakahila niya.


"Yanna! Buti na lang ligtas ka." Sambit ni Angie.


Hilong-hilo pa ako sa mga nangyayari nang biglaang napayakap sa akin si Angie. Habang yakap-yakap ko siya'y luminga-linga ako sa paligid para makita kung kasama niya ang lahat ng aming mga kaibigan.


Gulat na gulat ako nang makita ko ng hindi inaasahan si Margaret. Kitang-Kita ko sa mga mata niya ang pag-alala na para bang unti-unting nababalisa sa mga nangyayari. Gusto ko sanang itanong sa kaniya kung paanong nandito siya agad kung kanina ay naririnig ko ang boses niyang sinisigaw ang pangalan ni Matt habang tumatakbo kami sa iba't ibang direksyon. Napansin kong nakasalampak siya sa sulok at para bang natutulala sa lahat nang nangyayari sa amin.


Hinaplos-haplos ni Angie ang buhok ko habang yakap-yakap niya pa rin ako. Niyakap ko na lang rin siya pabalik at hinagod ko ang likuran niya para pakalmahin ang aming mga sarili. Maya-maya pa ay kumalas na siya sa kaniyang pagkakayakap.


Gusto ko sanang lapitan at itanong kay Margaret kung nasaan si Matt dahil alam kong sa aming lima siya ang pinakamalapit kanina at siya ang huling kasama. Pero parang may pumipigil sa aking itanong iyon dahil baka nagkamali lang ako nang pagkakarinig o di kaya ay dala lamang ng hilo na inabot ko sa kakatakbo at sa dami nang nangyayari.


Napansin ko si Joaquin na nasa isang sulok, hawak-hawak ang kaniyang cellphone habang bukas pa rin ang flashlight nito. Nasa kaniya na pala ang hawak-hawak ni Jax kaninang papel. Iniilawan niya ito na para bang nagbabaka sakaling mayroong makikita o may malalamang impormasyon.


Habang si Jax na nasa kabilang sulok rin at nakasalampak sa sahig. Nakatitig sa akin na para bang sinasabi ng mga mata niyang labis siyang nagaalala. Ni hindi ko man lang siya makausap o matanong kung okay lang ba siya. Dahil natatakot akong gawin ang mga bagay na magpapakitang mahalaga pa rin siya sa akin.


Tumayo na si Angie mula sa pagkakaupo at naglalakad-lakad nang pabalik pabalik na parang nagiisip nang pupuwedeng paraan upang makalabas.


Binalak ko na rin sanang tumayo sa pwesto ko kung saan ako napaupo kanina para sana tumabi kay Joaquin at tingnan ang papel na napulot ni Jax. Gusto ko rin sanang makatulong kung paano kami makakalabas sa lugar na ito. At ayokong ni isa sa amin ang may mapapahamak.

Nagulat ako nang biglaang papalapit sa akin si Jax. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko o saang direksyon ba ang tungo niya. Nagpatay malisya na lamang ako at diniretso ang tingin ko sa puwesto ni Joaquin nang hindi lumilingon kay Jax.

Diretso pa rin ang tingin ko nang biglang humarang siya sa nilalakaran ko.


Kinailangan ko pang tumingala para sana makita kung ano ang ekspresyon at reaksyon ng mukha niya dahil may katangkaran siya sa akin. Nakatingin pa rin siya sa akin. Ramdam ko ang lalim ng mga titig niya sa mata ko. At akmang lalagpasan ko na dapat siya dahil naawkward ako at hindi ko alam ang ikikilos ko kaya't iniwas ko na lang ang aking tingin. Saktong paglagpas ko sa puwesto kung saan siya nakatayo ay hinablot niya ang kamay ko dahilan kung bakit ako napaatras.


Good Mourning, San DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon