Kapitulo II: Maligayang Pagdating

38 1 0
                                    

"May mga signal ba phones niyo? Kanina pa ako walang masagip na signal dito."
Tanong ni Joaquin habang todo kalikot sa phone niya at todo hanap ng signal.

"I think more than 1 hour na tayong pabalik-balik sa kalsadang 'to. Saan ba kasi papunta yung daan na 'to? Hindi ba kabisado mo itong lugar Angie?" Baling naman ni Matt kay Angie. Pansin ko namang medyo bumagal na rin ang pagpapatakbo ng sasakyan niya.

Patuloy pa rin si Joaquin sa paghahanap ng signal at nagbabakasaling may masasagap. Halata naman kay Matt ang pagkakaburyo. Si Jax naman ay tahimik pa rin at ramdam kong sumusulyap-sulyap sa puwesto ko. Habang si Margaret ay ibinaling na lamang ang sarili sa pagmamake-up at pagseselfie selfie na parang di na alintana ang kabang naramdaman niya kanina.

Naramdaman namin ang biglaang pagtigil ng makina ng sasakyan. Sabay-sabay kaming nagkatinginang magkakaibigan.

"Mukhang naubusan pa yata tayo gas. Magtanong-tanong muna tayo diyan baka may mga tao pang gising." Wika ni Angie.

Walang alinlangang bumaba si Margaret dala-dala ang kikay bag niya, camera, at cellphone. Patuloy pa rin ang pagsasalamin ni Margaret gamit ang phone niya. Humaharap-harap pa siya at kumukuha-kuha pa ng tamang anggulo para makuha ang buong mukha niya at tingnan kung tama pa rin ba ang pagkakalagay niya ng make-up. Habang nakasunod na sa kaniya si Matt. Napagpasyahan na rin naming bumaba lahat para makahingi man lang ng tulong at magbaka-sakali. Sa kabilang dako naman ay patuloy pa rin sa pangangalikot ng cellphone si Joaquin. Sumunod na rin si Angie at ngayo'y kasabay na rin naming maglakad habang pinaglalaruan niya ang susi ng sasakyan.

"Guys! Look may gising pa yatang tao dito." Sigaw ni Margaret sa amin. Habang kaming lima ay dahan-dahang naglalakad papalapit sa puwesto niya. Napagpasyahan na lamang naming iwanan ang mga gamit at sasakyan.

"Parte yata 'to ng experience. Mukhang exciting pare!" Wika naman ni Matt habang akbay sa balikat ni Joaquin sabay siko naman sa kaniya nito sa kaniya na para bang hindi na natutuwa sa mga nangyayari.

"Anong parte ng experience sinasabi mo Matt? Hindi ka ba kinikilabutan sa kinilos ng matanda kanina? Saka tulong ang sadya natin hindi kalokohan." Sagot ni Joaquin.
Nagkibit balikat lang si Matt at tumawa ng bahagya.

"Alam mo kapag mas natatakot ka. Mas exciting yun! Mas thrilling. Ayaw mo ba ng thrilling sa katawan? Tsaka maiba lang tayo. Pare duwag ka ba? Ang tunay na lalaki wala dapat kinakatakutan." Wika ni Matt.

Habang patuloy na nagaasaran ang dalawa ay pinagmasdan kong maigi ang paligid. Madilim, Tahimik, Mapuno ang lugar. Isang poste lamang ang naanigan naming may sindi kaya't napagpasyahan na lang naming maglakad papunta roon.

Patuloy kaming naglalakad bitbit lamang ang mga sarili namin. Habang sinusundan ang liwanag ng isang poste na nagsisilbing gabay sa aming paglalakad. Medyo nahuhuli ako sa aming anim dahilan na rin para mabantayan ko sila dito sa likuran.

"Mahirap kung nasa likod ang babae. Mauna ka na." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Jax sa tabi ko kasabay ng pagtulak niya sakin ng bahagya para mauna ako sa kaniya. Wala na akong nagawa kaya't hinayaan ko na lamang siya sa likuran ko.

"Uy! Love birds. Comeback na ba?" Wika ni Matt sabay turo sa aming dalawa ni Jax habang patuloy sa pangaasar sa amin.

"Grabe guys! Feeling ko dadami na sana viewers ko nito sa live kung may signal lang phones natin dito. New experience din sana for vlogging. Tara dito Angie! Selfie naman tayong tatlo nila Yanna." Tuwang-tuwa wika ni Margaret habang patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang pagseselfie at pagvivideo ng sarili. Niyaya niya pa kami ni Angie para makapicture at magselfie kahit na takang-taka na ang reaksyon namin ni Angie sa inaasta ni Margaret na nakukuha pang maglibang sa mga ganitong pagkakataon. Napilitan na lamang akong ngumiti sa harap ng camera.

"Guys! Diba ito yung itsura noong matanda? Bakit siya nandito?" Tanong ni Joaquin sa amin. Dahil sa pagkakasabi niya ay sabay-sabay kaming napatingin sa tinuro niya.

"Mukha namang mabait yung matandang nakausap ko kanina. Tara na dito!" Wika naman ni Margaret. Napansin namin na mayroong estatwa sa gitna na para bang kamukhang-kamukha ang hubog ng katawan ng nakausap naming matanda kanina. Lahat kami ay napatigil sa paglalakad habang si Margaret ay nanguna pa rin. May hawak ring patpat ang statue at hindi rin bakas ang mukha nito. Ngunit maaaninag sa statue ang silay ng ngiti kagaya ng nakita ko sa matanda kanina. Sa sobrang titig ko ay hindi ko inaasahan ang aking nasilayan.

"Maligayang pagdating sa San Diego." Sabay paglaho ng mga nakaukit na letra sa paanan ng matanda. Nakaramdam ako ng hilo kaya't napahawak ako bigla sa balikat ni Angie. Napatingin ako kay Angie at kay Jax habang ang dalawa ay napaalalay din sa akin.

Good Mourning, San DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon