Chapter 1 - The bad news

102 3 0
                                    

"Ichika taba!" Insulto ng batang lalaki

"Anong taba dyan ha! Eh ikaw nga itong bakla iyakin dahil lang natalo sa pogs, Nye nye nye bleh!" Pang-aasar ng batang babae

Lumapit ang batang lalaki at hinalikan sa pisngi ang batang babae natulala at hindi nakapagsalita.

"Bakla pala ha, tukneneng"

---

Kring (alarm clock)

"Anak ng tukneneng!" gulat at nagising si Ichika sa lakas ng kanyang alarm clock.

"Tukneneng maligo at mag handa kana baka ma late kapa sa klase mo!" Sigaw ng nanay ni Ichika.

Hi ako nga pala si Ichika San only child ng napakasweet at goals na mag-asawang filipino at japanese. Nagbakasyon sa pinas ang tatay kong japanese at ng bestfriend niya. Nabighani ang dalawa sa ganda bansa kaya napagkasunduan nila na dito na tumira, magtayo ng negosyo at mag-asawa.

Nakapagtayo ng ramen resto ang tatay ko samantala ang kaibigan naman niya ay naging isang business tycoon at nakapagpatayo ng dalawang school ang Highgate Academy (all girl school) kung saan ako nag -aaral at Forging High na all boys school naman.

Dahil sa hindi mapaghiwalay ang tatay ko at ng bestfriend niya kahit na may mga sariling pamilya ay nagpatayo sila ng bahay na magkatapat sa isang kilalang subdivision.

Si Tito Ryota ang bestfriend ng tatay ko na napakabait pati ng asawa niya na si Tita Aisika parehong sila japanese, dalawang lalaki ang kanilang anak at isa doon ay mortal kong kalaban sa kahit anong aspeto ng buhay.

"Ma, Ichika pangalan ko hindi tukneneng"

Nasa kusina na ako at kumakain ng almusal na niloto ng nanay ko.

"Ang cute nga ng tukneneng eh sino nga ulit ang nagpalayaw sayo niyan?

"Sino pa ba edi si Kento ayaw na ayaw kong makita ang mokong na yun"

"Bakit pogi naman si Kento ah bagay nga kayo eh"

"Yuck Ma! In my dreams!"

"Anong meron at ang ingay niyong mag-ina?"

Nandito na si papa para sunduin ako for school.

"Wala pa tara na at baka ma late pa ako sa klase bye ma love you!"

Paglabas ko ng bahay ay sakto ding paglabas ni Kento magkatapat ang bahay namin kaya sira ang araw ko lagi.

"Good morning bespren!" Sigaw ng papa ko at ni tito ryota sa tagal nila sa pinas ay marunong na silang magtagalog.

"Good morning Ichika oh Kento hindi mo ba babatiin si Ichika" bati ni tito ryota

"Good morning din po tito, hindi na po kailangan baka masira lang po ang araw ko" saad ko at may pilit na tawa.

Sabay ding tawa ni papa at ni tito ryota.

Walang ekpresyon ang mukha ni Kento na normal na sakanya yun at nakatitig sa akin bahala nga siya.

Nasa sasakyan na kami ni papa papuntang school. Hatid - sundo ako ni papa araw araw nag iisang anak lang ako kaya ganoon nalang ang alaga at protekta sa akin ng mga magulang ko ang swerte ko sa kanila.

"Bye pa love you!"

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin. Ang iingay ng mga schoolmates ko lalo na yung mga malalandi.

Padating sa academics, admit ko na hindi ako katalinuhan pero maganda at cute naman, bangs ko pa lang taob na ang lahat at Taekwondo black belter din ako.

Ichika at Kento: Enemies in one roof (part I) On-goingWhere stories live. Discover now