Chapter 3

26 2 0
                                    

Chapter 3

Sabado ngayon walang pasok at tinatamad din akong gumala. Usual outfit lang maong shorts at white tshirt.

Mag isa lang ako ngayon sa bahay nasa La Union ang magulang ko kasama ang mama at papa ni kento. Ganoon talaga kahit na may mga edad na sila ay mahilig mag out of town double date daw.

Alas otso na ng umaga at nagluluto ako ngayon ng almusal fried rice, scrambled egg at tuyo paborito ko!

Wala kaming kasambahay or personal yaya dahil ayaw ng mama ko para daw matuto ako sa gawaing bahay at sa buhay. Strong Independent woman!

For 2 servings ang ginawa ko kasi nag text si Kento na pupunta siya sa bahay wala din naman siyang kasama at wala daw pagkain ang yaman yaman walang pagkain hindi lang talaga marunong magluto.

"Ano yan ang baho" bigla nalang iniluwa ng pintuan si kento at teka paano siya nakapasok.

"Baka ikaw, toyo kaya ito paborito ko teka paano ka nakapasok?" Tanong ko sa kanya

"Nakabukas ang gate at pinto niyo Miss Tukneneng huwag ka mag alala sinara ko na" paliwanag niya sabay upo sa dining table.

"Aba aba feel at home bahay mo pre?" Saad ko

"Huwag kang maingay dyan dalian mo at nagugutom na ako siguraduhin mong nakakain yan ah" kento

Nako kung hindi lang siya anak ni tito ryota at tita aiska baka kanina ko pa hinampas itong frying pan sa pagmumukha niya

"Oh kain" sabay bigay ko ng plato sa harap niya

Tahimik naming dalawa ang awkward hindi kami ganito aso't pusa kami.

"Ako na mag huhugas ng pinagkainan Welcome in advance" kento

"Wow biglang umuhip ang hangin" saad ko

Tapos na kami kumain at kasalukuyang nag huhugas ng pinagkainan si Kento.

Umaykat muna ako sa taas para maligo at magbihis nakakahiya naman sa kanya mukhang bagong ligo.

Suot ko ngayon ay pambahay na sleeveless white dress.

Pagbaba ko ay nakita ko si Kento na nanonood ng TV sa sala aba bahay niya ba.

"Awow ka boy TV mo?" saad ko

"Alam mo kanina ka pa maingay itape ko yang bibig mo" kento

Tumabi nalang ako sa kanya. Nag movie marathon kami at umorder din ng pakain.

Pangatlong movie na namin at pinili niya ang nakakatok nyemas naman alam naman na matatakutin ako.

Napayakap ako sa kanya dahil sa gulat at takot ang lapit ng mukha namin at hindi na namin pinansin ang pinapanood namin ng biglang....

Click click click

Teka tunog ng camera yun ah

"My gosh sensored!" Sigaw ni Inna na kasalukuyan ay nasa pintuan namin kasama si Marina teka bakit kasama niya ang kanyang jowa at the rest ng FH5?!

Bigla akong napatayo at inayos ang sarili ko pati din si Kento.

"Bakit kayo nandito? Wala tayong usapan na gagala o pupunta kayo ng bahay ah?!" Tanong ko sa kanilang dalawa

"Nag pm sa akin ang Mama mo samahan ka daw namin pero parang hindi na ata kailangan kasi andyan na si Kento" Marina

"Iprint ko kaya itong picture at gawing banderetas sa labas ng bahay niyo" Inna

"Burahin mo yan kundi mawawalan ka ng buhok" saad ko

"Ayoko ko nga kiss muna" Inna

Hay nako mga walang hiya talaga itong dalawa.

"At kayong apat na mga lalaki ha bakit kayo nandito sa pamamahay ko!"

"Easy Miss Ganda sinusundo lang namin ang asawa mo" paliwanag ng jowa ni Marina na si Dave

"Asawa mo mukha mo! Iyo na yan kainin mo pa!" Pasigaw kong sabi

"Oh kento hindi mo sinasabi sa amin na may chicks ka palang kaibigan pakilala mo naman" Isaac isa sa mga FH5

Infairness naman sa FH5 mga pogi erase erase!

"Huwag na pangit yan at tsaka punta na tayo ng bahay" kento

"Sama kami nila ichika the more the merrier" saad ni Marina na kasalukuyang naka kapit sa braso  ng jowa niya koala lang

"AYOKO" mariin kong pagtanggi

"Sige na Ichika, please" with matching puppy eyes ang dalawang lokaret

Hind ako makatanggi sa dalawang to.

Ichika at Kento: Enemies in one roof (part I) On-goingWhere stories live. Discover now