Chapter 4 - the kiss

20 1 0
                                    

Chapter 4

Nasa bahay na kami ngayon nila Kento isang linggo din akong hindi nakapunta dito and as I expected kay Tita Aisaka iba nanaman ang desinyo ng bahay.

"Omaygulay anong kaharian ito?" Manghang sabi ni Marina

Napanganga ang dalawa kong kaibigan sa laki at gara ng bahay nila Kento kulang nalang ay mamahay ang langaw sa bibig nila.

Nasa sala kaming lahat. Nakaupo ako ngayon sa tabi ni inna at marina. Inoobserve ko ang FH5 mukhang matitino naman.

"Hi I'm Raven, you're Ichika right? pakilala nung Raven na bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

"Hehe oo Ichika nice to meet you?" Sagot ko

"You know what type kita pero baka bugbugin ako ni Kento hahahaha" raven

"Hahahahaha" tawa lang naisagot ko ang landi nito ah pero infairness mabango at pogi.

"Ichika tulungan mo ako sa kusina" nagulat ako sa pagsulpot ni kento sa likod namin.

"Ah eh sige sige"sagot ko kawawa naman ang tao to walang kaalam alam sa kusina

"As I expected" mahinang sabi nung Raven at ngumisi nalang 

Ano kaya ang ibig sabihin niya ng "as I expected"

--

Tinutulungan ko ngayon si Kento maghanda ng pagkain para sa amin. Akmang kukuha ako ng drinks sa ref ay lumapit si Kento

"Huwag mo pansinin yang si Raven chickboy yun di hindi kayo bagay" saad ni kento

Nabigla ako ng isuot niya sa akin ang jacket niya, ang bango!

"Next time huwag kang magsuot ng ganyan kapag marami ang tao at lalo sa harap ng mga kaibigan ko" kento

Ano nanaman kaya ang problema sa suot ko lagi niya nalang napapansin matino naman ah

Inamoy amoy ko ang jacket  niya ang bango talaga huwag ko na kaya isauli.

"Oh baka maubos yang jacket ko kanina mo pa inaamoy hahahaha" kento

Nauna na si Kento sa sala, at anak ng tipaklong naman nakakahiya yung ginawa ko.

--
Naglalaro kami ngayon ng cards truth or dare. Yellow card for truth at red naman for dare. Kinakabahan ako sa larong ito.

Tawanan at hiyawan kaming lahat ang saya at ang ingay lang. Mababait at marunong makisama pala itong FH5.

Turn na ni Kento, yellow card ang kanya.

"Okay kento may gusto or nagugustahan ka ngayon at kilala ba namin?" Tanong ni Isaac

"Oo meron matagal na" sagot ni kento at napatingin siya sa akin

Sino kaya naman yun? Malas nung babae pero bigla akong nanlumo sa sinabi niya nag expect ako hay nako.

Turn na nung Raven at Red card ang napunta sa kanya.

"Okay Raven kiss the person infront of you" Dare ni Marina at naghiyawan ang lahat except sa akin at kento na katabi ni Raven.

Teka infront daw meaning AKO! Napalunok ako ng laway hindi ako makatanggi kasi unfair naman sa iba. Lumapit sa akin si Raven at isinara ko nalang ang mata ko.

KISS KISS KISS KISS tukso ng lahat ayaw kong buksan ang mata ko dahil sa kaba bahala kana batman sa FRIST KISS KO!

Napatayo ako ng may humigit sa akin teka sino ba ito, pagkabukas ko ng mata si Kento pala at palabas kami ng bahay.

"Wait Kento, saan tayo pupunta?" Tanong ko

"Just follow me" mando niya

Nasa labas kami ng gate nila at gabi na pala hindi na namin namalayan ang oras.

"Oh nasa labas na tayo ano naman itong pakulo mo kento ha?" Tanong ko at nakapamewang

Aba naman at tumawa pa ang lolo mo, nag role eyes nalang ako sa kanya ng bigla ko nalang naramdaman na parang may dumampi sa labi ko MYFIRST KISS!

Hindi ako makagalaw nanlambot ang buong katawan ko, nakahawak siya ngayon sa bewang ko at diniin niya pa ang halik niya ng biglang....

"What is the meaning of this?!" Sigaw ng mama ko

Napahiwalay kami ni Kento at gulat na napatingin sa mga magulang namin.

Teka akala ko sunday pa uwi nila.

Lagot nanaman tayo friends!

Ichika at Kento: Enemies in one roof (part I) On-goingWhere stories live. Discover now