Chapter 2 - The Revelation

30 2 0
                                    

Nasa sala kami ngayon. Nakaupo kami ni Kento sa mahabang sofa samantala naman si Inna at Marina ay nasa tapat namin nakatayo palakad lakad at parang detective conan kung mag usisa. Si mama naman nasa kusina.

"Akala ko ba kaibigan mo kami ah lokaret ka" galit na sabi ni Marina

"Oo nga! Magpaliwanag ka!" Pag-sang ayon ni Inna

Akala mo naman mga galit pero kita ko naman sa mga mata nila ang excitement at tuwa hay nako.

"So eto nga mag bestfriend ang tatay ko at tatay niya, Magkapitbahay kami, kilala namin ang isat isa simula pagkabata, okay na?" Paliwanag ko

"Hmm so basically childhood friend kayo or baka mag jowa na kayo at tinatago niyo lang?!" Usisa ni Inna

"Yuck never!" Pag disagree ko

"Ew" Kento

"Hay nako Marina at Inna matagal ko na yang pinupush na sila nalang dalawa pero walang epek pa din, pero I think they have feelings for each other tinatago lang nila hahahaha" at sumali pa ang nanay ko ang galing lang.

"Kaya nga tita boto kami kung maging sila man ohlala!" Pagsangayon ni Inna

"At tita huwag kang mag alala bantay kami sa dalawang yan lalo na ngayon ay co-ed na kami with Forging High" saad ni Marina

"Ay oo nga so exciting!" Mama

Tahimik lang kami ni Kento habang yung tatlo ay kuda ng kuda mga chismosa.

"Tukneneng oh pinapabigay ni mom advance gift niya sayo" sabay abot ni Kento sa paper bag

"Wow kaya love na love ko si Tita eh tsaka may pangalan ako noh i-chi-ka" mariin kong sabi

"Tukneneng pa din" walang emosyong sabi ni Kento

Bahala nga siya tumayo na ako at biglang niya hinawakan kamay ko bumilis nanaman tibok ng puso ko nyemas naman.

"Ako lang ang dapat tumawag sa iyo niyan tsaka huwag ka mag suot ng ganyan sa labas ah pangit" saad ni kento

Wala naman problema sa suot ko, Asungot talaga.

"Huwag ka nga dyan maganda ako at ikaw ang pangit, alis ka na nga bahay ko to!" Ginigigil naman ako ng mokong na ito.

"Bye tita, ladies and tukneneng!" Paalam ni Kento

"Bye kento see you sa school!" Sabay pa talaga itong dalawa.

Matapos ang interogasyon ni Inna at Marina ay umuwi na sila. Nasa kwarto ako ngayon nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame ano kaya ang mangyayari next week tsaka ano ito at may tibok sa puso na nagaganap. Hindi ito pwede!

Ay bahala na nga

KENTO's POV

Ang ingay ng mga kaibigan ni Tukneneng katulad niya.

Alas dose na ng madaling araw at hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nasa study room ako ngayon gumagawa ng business plan na i propose ko sa dad ko.

Sa murang edad ay minulat na ako sa business industry minsan ay tinutulungan ko ang aking magulang sa pag manage at umaattend din sa mga meetings.

Alam ko na balang araw ay sa akin ipapamana ang business namin at hindi sa kuya ko dahil wala siyang interest at isa siyang artista sa japan at madalang lang umuwi dito sa pinas.

"Anak matulog kana huwag masyadong magpuyat" pumasok sa study area ang mom ko.

"Sige mom maya maya" sagot ko

"Nga pala nak naibigay mo na ba kay ichika?" Tanong ng mom at lumapit siya sa akin

"Yes mom" sagot ko

"Oh ang tagal na nitong picture niyo ni ichika mga bata palang kayo, alam mo nak kung ako sayo umamin kana bahala ka baka maunahan at magsisi ka sa huli" mom

"Ma naman!" Sagot ko

Pero napaisip ako sa sinabi ng mom ako. Bata palang ay gusto ko na si Ichika pero hindi niya alam. Inis sa akin iyon dahil sa pangaasar ko.

Tinignan ko ulit ang litrato naming dalawa na naka frame na may pogs yun ang bigay niya sa akin dati.

Mas lalo akong na excite kasi maging co-ed na kami at lagi ko siyang makikita.

Ichika at Kento: Enemies in one roof (part I) On-goingWhere stories live. Discover now