"Rise and freaking shine sleepy Architect!" Sigaw sa akin ni Felip.
"Wow ha, palibhasa cumlaude ka kaya masigaw sigawan mo ako nang ganyan ha." Sabi ko at bumangon.
"Tsh. Pinaghanda kita nang breakfast."
"Ikaw nag luto? Malamang hindi." Sabi ko and then he scoffed.
"Huh. Wow, talaga lang ha? Ipinagluto kita nang adobo noon. Atsaka, estudyante to nang Hugh University." Pag mamalaki pa nya. Which I responded him with a sad smile.
"Oh, sorry. Hindi ko sinasadya.."
"Ayos lang noh. Mukhang masarap tong omelette mo. Tikman ko ha. Kapag to hindi masarap, ipapakain ko sayo."
"Ayos lang. Sigurado naman akong, masarap yan." Naka ngiti nyang sabi.
"Taas nang confidence! Abot hanggang--"
"Mars." Pagpuputol nya.
"Puta, hinde. Abot hanggang Jupiter. Para maiba naman." Sabi ko at natawa naman sya.
"Sana Neptune nalang sinabi mo." Natatawa nyang sabi.
"Eh sa Jupiter gusto ko eh. Kokontra ka?"
He raised his hands as sign of defeat.
"Kumain na nga tayo." Pag aaya ko nang biglang tumunog ang phone ko.
"Ba't 'di mo sagutin? Baka importante 'yan." Nakangiting sabi sa akin ni Felip nang makita kung sino ang natawag.
It's Dad. Akala ko nasa Singapore to? Bakit hindi international number 'to?
"Hello, Sapphire Cruz speaking. How may I help you?"
"C'mon anak. It's your dad."
"Oh. Kayo pala dad. Sorry ah, akala ko kasi someone lang." Sarkastiko kong sabi.
"Naman anak. Hindi ba naka save ang number ko sa contacts mo?"
"Yun nga po eh. Hindi po talaga sya naka save." Tatango tango kong sabi.
"Bakit hindi ka umuwi dito? Hinihintay ka namin nang mommy mo kagabi anak."
"Po? Hinihintay nyo ako? Akala ko nasa Singapore kayo?"
"Naka uwi na kami kahapon anak. Bakit hindi ka umuwi?"
"Naku Dad. Pasensya na ha, marami kasi akong ginagawa sa company ko. Atsaka Dad, hindi ako sanay na may nag hihintay sa akin sa bahay. Lagi lang kasing si Kuya Arnold ang nandyan."
"'Nak, umuwi ka pa rin. Bahay mo parin to. 'Wag ka namang tumira dyan sa office
"Dad, may gusto akong sabihin eh."
"Ano yun anak?"
"Mag papatayo na ako nang sarili kong bahay dad. Hihiwalay na ako sa inyo."
"Anak. Hindi mo pa kayang mag isa. 'Wag ka munang mag tayo nang bahay. Besides kailangan mo pa kami."
"Oh c'mon dad. Gusto nyo po bang sabihin ko sa inyo ang mga accomplishments ko? Well dad. Nakapag patayo lang naman ako nang sarili kong kumpanya! Ang galing ko di'ba?"
"Oo ang galing mo anak. Kaso, kailan ka'ba mag aasawa? Mag t-twenty nine kana anak wala ka paring boyfriend? Di bale na anak. I a-arrange marriage nalang kita. Sounds cool right?"
"Nakain ako Dad. Mamaya nalang. Bye." I said and then hang upped.
"Puta, arrange marriage?! Nahihibang na ba si Dad?! Gusto nya na ba talaga akong mag karoon nang asawa? Tangina. Ayoko non." Sabi ko sabay baba nang kutsara.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Felip.
"Liligo lang ako. Nawalan na ako nang gana. Pasensya na."
Felip also sighed. "You know, you're dad is right. Mag boyfriend kana ulit Sapphire."
"At ano? Masasaktan nanaman ako? Magiging miserable nanaman ang buhay ko? Mag papa treatment nanaman ako? Mag tatake nanaman ako nang anti depressant pills? Hell no Felip! Ayoko nang masaktan." Seryoso kong sabi.
That's right. I'm taking a anti depressant pills nang dahil kay Mark. Nag ka sakit ako nang maraming beses. Akala ko nga mababaliw na'ko eh. Buti nalang hindi.
"Right. I'm sorry. Alam ko kung gaano kahirap ang pinag daanan mo, at sorry dahil don. Pero kahit fling man lang Sapphire oh."
"Fling? Alam mo namang hindi ako pumupunta sa bar di'ba? Saan naman ako makakahanao nang fling aber? Aba, sobrang busy ko nang dito sa office, lalandi pa ako? No way. Ayoko!"
"I-set up kita nang blind date. Ano, game ka?"
"Ayoko nga."
"Bilis na oh. Sure akong mapapagkatiwalaan yung makaka blind date mo."
I sighed. Hindi to titigil hangga't hindi ako na oo.
"Fine! Pero sa oras na may ginawa yang hindi ko gusto. Alam mo na ang sunod na lilipad sa mukha nya at sa mukha mo hindi ba?" Nakangisi kong tanong.
"Top 2 ako, at top 6 kalang Sapphire. Wala kang panama sa akin." He smirked.
"Talaga lang ba? Kaya pala natalo kita sa test noon--"
"Oo na oo na. Maligo kana. Alam mo, pinagbigyan lang kita non."
"Ganito nalang. Isipin mo nalang na naniwala ako sa kasinungalingan na yon ha." Naka ngiti ko muling sabi at pumasok na nang banyo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at doon ko napagtantong wala na pala si Felip.
"Ta'mo ang gago, iniwan ako." Iiling iling kong sabi at binasa ang sulat nya.
Sapphire,
May nangyari daw sa site, nabagsakan daw ang isa sa mga engineers natin. Ang sabi ay dahil daw sa mga materials, masyado daw na light at rusty na ang iba. I'm sorry, hindi na kita nahintay.Felip
Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa kong sulat.
Kaagad akong nag bihis at nag ayos nang sarili ko at tinawagan ko ang head nang engineering department.
"Hello? Yes. Gusto kong malaman kung anong nangyari dun sa site? Yes yung may nabagsakan daw. Saan yon? I'm on my way." I said and then hang upped.
"Sa Mabini, Batangas. Malapit dun ang isa pa naming kompanya." Sabi ko at nag madaling lumabas.
Ang kompanyang tinutukoy ko ay kay dad at hindi na akin.
Malapit din don ang resort na pag mamay ari ko.
"For pete sake, kaninong project yun? Bakit naging pabaya ang mga engineers?" Tanong ko kay Felip.
"Kay engineer louie daw."
"Sabi na kasi sa kanyang sa office nalang sya at 'wag na sa ganitong field. Matanda na sya. Ano wala bang nasaktan?"
"Luckily wala. Kinabahan ako. Akin kaya ang blueprint don." Sabi ni Felip at bumuntong hininga.
"Kumalma ka. Papunta na ako dyan." Sabi ko sabay hang up.
Si Engineer Louie kasi ay isa na sa pinakamatandang nag tr-trabaho sa company ko. I think mag f-fifty na sya sa isang taon. Sabi ko mag retire na sya pero ayaw kaya sabi ko dito nalang sya sa office.
I sighed. Sana okay lang sya at ang mga empleyado ko.
~4572Angel
YOU ARE READING
Eternally (Hugh University #2)
Teen FictionI thought, everything about us will end that day, but I thought wrong, because now he's back.. Engineer Mark Christian Hugh is back.. ( Sequel of Learning How to Love in Hugh University. Hugh University part 2 ) ~4572Angel