Chapter 03 : Danger

337 13 2
                                    

Danger

Matapos kumain ni Natalie ay hinatid niya ako sa room ko. Nagtataka ako kung bakit kailangan niya pa akong ihatid. Nasa kabilang building pa ang room niya at malapit na mag umpisa ang klase. Huminto kami sa tapat ng room ko.

"Pumunta kana sa room mo baka ma-late ka pa." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Napatingin ako sa loob ng room nang biglang tumahimik ang iba kong mga kaklase at nakatingin sa amin. Nakatingin sa amin ang iba at ang iba naman tuloy lang sa mga pinag-ga-gawa nila. Nagtaka ako dahil hindi makapaniwala ang mga reaksyon nila habang nakatingin kay Natalie at bumalik ang tingin sa akin.

"Amber," napabalik ang tingin ko kay Natalie nang marinig ko ang seryoso niyang boses.

Kanina pa siya seryoso ah. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at deretso na nakatingin sa akin ang seryoso niyang mga mata. Kinakabahan na ako.

"Mag-iingat ka, tawagin mo ako 'pag may nanakit sayo, okay?"

"O-okay." Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko nalang din siya pabalik.

"Sige na, pumasok ka na sa loob."

"Mauna ka ng umalis."

Ngumiti siya sa akin saka sumenyas na aalis na siya. Tinanguan ko nalang siya habang nakangiti parin. Pumasok na ako sa loob nang mawala siya sa paningin ko. Nang pumasok ako sa loob nakatingin sa akin ang iba kong mga kaklase na nakatingin sa amin kanina. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso sa upuan ko. Nagtataka ako sa mga reaksyon ng mga kaklase ko at ang reaksyon ni Natalie.

Dumating na si Mr. Bryant kaya nagsitahimik na silang lahat. Lumilipad ang utak ko kaya wala akong natutunan buong araw sa mga naging lesson ng mga professor namin. Bumalik lang ako sa katinuan nang mapansin na ako nalang ang nasa loob ng room. Agad akong nagligpit ng gamit at lumabas.

Nadaanan ko ang room ni Natalie pero wala ng tao doon. Medyo madilim na rin kaya binilisan ko na ang paglalakad. Nang makalabas ako ng building namin ay nag-dahan-dahan nalang ako sa paglalakad. Napahinto ako nang maramdaman na tila may nakasunod sa akin.

Lumingon ako sa likod ko pero wala akong nakitang tao doon. Muli kong naramdaman ang mga yabag ng paa nang muli akong maglakad. Muli ko itong nilingon at walang nakita kahit na anino ng kung sino man. Napahawak ako sa strap ng aking bag at binilisan ang paglalakad dahil sa kabang nararamdaman. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humarang sa harapan ko. Napaatras ako nang konti dahil sa gulat.

Tatlong lalaki ang nasa harapan ko at nakatingin sa akin. Sinubukan kong umatras pero may naramdaman akong presensya sa aking likod. Nilingon ko ito at nakita ang dalawang lalaki. Napahawak ako nang madiin sa strap ng aking bag at napalunok dahil sa kaba. Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako nito. Mahina akong napadaing sa sakit nang pahagis niya akong pinasandal sa pader. Nasa harapan ko ang limang lalaki at nasa gitna nila ang sa tingin ko na humila sa akin. Mas lalo pang humigpit ang aking hawak sa strap ng aking bag at napalunok nang biglang lumapit sa akin ang lalaking nasa gitna.

"What do you think you're doing?" Napatigil siya sa paglapit sa akin at napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.

Napatingin din ako sa direksyon na iyon at nakita ang isang lalaking nakatayo habang nakatingin sa amin.

"Wala, paalis na rin kami." Sabi ng lalaking nasa gitna.

Tumingin muna siya sa akin bago sila umalis ng mga kasama niya. Napahinga ako nang malalim nang makaalis na sila. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo medyo malapit sa akin. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa harapan ko.

"Salamat." Sabi ko sa kanya nang magkaharap na kami.

"This is not a good place to spend the night."

"Pauwi na rin dapat ako kaso hinarang ako ng mga lalaking 'yon." Sabi ko sa kanya.

"Umuwi ka na, baka kung ano pa mangyari sa 'yo dito." Tumango ako sa sinabi niya.

"Salamat ulit..."

"Waver, Waver ang pangalan ko."

"Salamat, Waver. Amber." Pakilala ko sa kaniya at nilahad ang kamay ko. Ngumiti siya at inabot ang kamay ko.

"Sige, mauna na ako." Tumango nalang siya sa akin kaya naglakad na ako palabas ng school. Kulang nalang tumakbo ako para lang makalabas sa school na iyon dahil sa takot.

~~~

After dinner, I went upstairs to my room. I went straight to the bathroom to clean up before changing into my pajamas. Pinatay ko ang ilaw at lamp lang na nasa ibabaw ng side table ko ang tanging nakabukas. I lay down on my bed and wrapped myself in a blanket and closed my eyes.

Ilang oras na akong nakapikit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, palipat-lipat ako ng posisyon ng pagkakahiga. Dinilat ko ang aking mga mata at tinignan ang oras na nasa side table ko. Malapit na mag-alas dose ng hating gabi nang tignan ko ang oras.

Tumagilid ako ng pagkakahiga at humarap sa bintana. Nakatali ang isang kurtina, at ang isang kurtina naman ay tinatakpan ang kalahati ng bintana. Nakatingin lang ako sa maliwanag na buwan. Mahilig akong tumitig sa buwan t'wing hindi ako makatulog sa gabi. Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa school, 'yung mga lalaking humarang sa akin. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ang pag-iiba ng kulay ng mga mata nila. Napapikit ako nang madiin at napahawak sa sentido ko nang biglang sumakit nanaman ang ulo ko. Hinilot-hilot ko ang ito para mawala ang sakit.

Tinigil ko ang paghilot sa aking sentido nang mawala ang sakit ng ulo ko. Pinagmasdan ko ulit ang buwan. Pero sigurado naman akong hindi totoo 'yung nakita ko sa mga mata nila. Imposibleng mangyari ang bagay na 'yon. Dahil siguro sa pag-iisip ko kung ano-ano nalang ang nakikita ko. Tinignan ko ulit ang oras at hating gabi na. Pinikit ko ulit ang mga mata ko at pinilit na makatulog dahil hating gabi na.

Muli akong napahawak sa aking sintido nang mas lalo itong sumakit. Hinilot-hilot ko ito pero hindi mawala-wala ang sakit. Pinilit ko itong hilutin, pero kahit anong gawin ko ayaw talaga nitong mawala. Makalipas ang ilang minuto ay nabawasan na rin ang sakit. Dahil na rin sa sakit ng ulo ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Her Hidden WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon