Chapter 47 : Third Mission (Part Two)

83 11 0
                                    

Third Mission (Part Two)

Kasalukuyan naming iniikot ni Asher ang buong lugar. Parehas kaming may hawak na alak. Madami na rin kaming napatay na mga bampira pero alam kong madami pa rin ang buhay sa kanila. Inakbayan ko ang nadaanan naming bampirang lasing. Bakit mga lasing na ang mga 'to? May plano sila tapos maglalasing sila.

"Tol, lasing kana, ah." Pagkausap ko dito.

"Hindi p-pa ako l-lasing," sagot niya at inangat pa ang kaniyang kamay na parang may tinuturo.

"Ipahinga mo na yan, pre. Mukha kang sabog," sinaksak ko ito sa kaniyang dibdib at kusa itong naglaho.

Para namang nakita ito ng taong lalaking lasing nasa harap namin at natigilan sa pag-inom ng hawak niyang alak. Lasing itong naglakad palapit sa amin.

"Lupit no'n, pare. Galing mo." Lasing na anito. "Lasing na nga siguro ako, kung ano-ano nakikita ko." Hinampas niya pa ang kaniyang ulo habang naglalakad papalayo sa amin.

"Hindi ko alam gan'yan pala ang nangyayari kapag nalalasing ang mga tao." Sabi ko at tumingin kay Asher. "Lasingin kaya kita baka sakaling maging madaldal ka." Tinignan niya naman ako nang masama dahil sa sinabi ko.

"Shut up." Inirapan ko lang siya at nagpatuloy kami sa pag-iikot.

Kalalaking tao ang attitude. Daig pa ako. Nag-suggest lang naman ako nagalit agad.

"Naririnig ko ang nasa isip mo." Sabi niya.

Pasapak ako isa. Tinignan niya ako nang masama kaya inisip ko nalang na may harang ang isipan ko para hindi niya na mabasa pa. Kahit wala pa akong alaga kaya ko 'yon 'no. Napatigil kami sa paglalakad nang may mabangga ako. Napatingin ako sa taong lalaking nakabanggaan ko. Napasimangot ako nang maamoy ang alak na mula sa kaniya.

"Ano ba 'yan, tumin–" napatigil siya sa pagsasalita nang makita ako. "Amber? Ikaw nga! Natatandaan mo ako? Luis, mag kaklase tayo no'ng elementary. Hay, natatandaan ko pa no'ng umamin ka sa akin na gusto mo ako."

Lah, gagi sino 'to?

"Sorry, I don't remember you. Who are you again?" Tanong ko dito.

"Luis, Luis Torres." Sabi niya.

Siya 'yon? Siya 'yung naging crush ko dati? Sa pagkaka alam ko ay malinaw naman ang mata ko noong bata ako. Ako ata ang lasing sa amin.

"Sorry, I don't remember." Pagsisinungaling ko dito.

"It's okay. Mauna na ako." Tinanguan ko lang siya at umalis naman siya.

"Hindi ko alam na wala ka palang taste sa mga lalaki." Sabi ni Asher sa tabi ko.

"Manahimik ka." Nginisian niya lang ako nang nakakaasar.

"Amber, Asher." Narinig ko ang boses ni Ms. Yvaine sa earpiece na suot ko.

"Papatayin na nila Cole ang mga ilaw, maghanda na kayo."

"Sige po," sabay na sabi namin.

Pumunta kami sa gilid kung saan walang masyadong tao. Tumayo sa harap ko si Asher nang mapansin na tatanggalin ko na ang dress na suot ko. Nakatalikod siya sa akin. Hinubad ko na ito at kusang bumaba ang pants na nakatupi. Inayos ko ito pati na rin ang fitted shirt na suot ko.

"Ayos na." Sabi ko sa kaniya at umalis siya sa harap ko.

Kinuha namin ang salamin na binigay sa amin ni Ms. Yvaine. Sabi niya ay sa pamamagitan daw nito makakakita kami sa dilim. Baka pati multo makita ko dito, 'wag naman sana. Saktong pagsuot namin no'n ay ang pag patay naman ng mga ilaw.

Totoo nga! Malinaw kong nakikita ang paligid. Nagulat ako nang makita na isa-isang natutumba ang mga tao sa paligid. Napahawak ako kay Asher nang makaramdam ng kilabot dahil sa pagkawala ng malay ng mga tao.

"Close your eyes." Bulong niya at hinawakan ang kamay kong nasa braso niya.

Pinikit ko ang aking mga mata katulad ng sinabi niya. Makalipas lang ng ilang minuto ay dinilat ko din agad ang mga ito. Lahat ng tao ay mga walang malay habang ang ilang mga lalaki at babae naman ay nakatayo pa rin. Sa tingin ko mga bampira ang mga ito. Ano nangyari? Bakit nawalan ng malay ang mga tao?

Nakita namin ang pagkataranta ng mga bampira at pilit na tinitignan ang paligid kahit na madilim. Bilib din ako sa mga 'to. Kaya nilang mag mukhang tanga kahit hindi nila pilitin. Pinigilan kong matawa dahil sa pinag gagagawa nila. Naramdaman ko ang pagsiko ni Asher sa tabi ko kaya nanahimik ako.

Tuluyan na akong natawa dahil sa nakita. May dalawang bampira na magkatabi isang babae at isang lalaki. Ginagalaw-galaw ng lalaki ang kamay niya na parang may inaabot tapos natamaan niya ang babae sa likod nito kaya binatukan siya nung babae. Hindi lang tawa ko ang narinig sa paligid. Nakarinig din ako ng ibang tawanan at sa tingin ko kela Natalie, Aruna at Cole nang-galing ang mga 'yon.

Napansin kong natigilan ang mga bampira dahil sa tawanan namin. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Asher sa tabi ko. Unti-unti kaming tumigil sa pagtawa nang magbukas ang mga ilaw. Masamang tingin na may kasamang pagtataka ang mga tingin nila habang tinitignan kaming lahat.

"Surprise!" Sabi ni Natalie.

"Sup!" Sabi ni Cole

"Hi!" At sabi ni Aruna.

"Sino kayo?!" Sigaw ng isang babaeng bampira.

"Ako ang pinaka gwapo s–"

"Wala akong pake sa 'yo." Putol ng isa sa sasabihin ni Cole.

"Ay, aba! Tanong-tanong kayo tapos ganiyan sasagot niyo. Kasama ko ba kayong tumakas sa mental?" Sabi ni Cole sa kanila. Hinawakan ni Felix ang mukha ni Cole at hinila ito. Kalalaking tao andaldal. "Papanget niyo!" Pahabol pang sigaw niya.

"Tama ka diyan, tol! Ngayon lang ako natuwa sa sinabi mo!" Sigaw naman ni Natalie sa kanya.

Diyan lang talaga sila nagkakasundo. Ang mang-inis ng iba. At mukhang naaasar na ang mga bampira sa harap namin. Gan'yan nga maasar lang kayo. Mukha kayong mga natatae dahil sa mga mukha ninyo. Walang sabi sabing sumugod ang mga ito sa amin. Si Asher ang unang nakipaglaban sa unang sumugod sa aming bampira.

Sinipa ko ang ibang bampirang papasugod dapat sa kaniya. Iniwasan ko ang mahahabang kuko ng bampirang papalapit sa mukha ko. Mukha ko pa talaga napagtripan mo, ah. Sinapak ko siya diretso sa kaniyang mukha. Muntikan na akong matawa dahil sa mukha niya.

Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa ilong niyang dumudugo. Tinignan niya ako nang masama at nginitian ko lang siya. Bago pa siya kumilos ay sinaksak ko na agad siya sa kaniyang dibdib ng kutsilyong hawak ko. Naglaho siya na parang abo sa harap ko. Napahinto sa mabilis na pagtakbo ang bampirang papunta sa direksyon ko dahil sa pagtutok ko sa kaniya ng kutsilyo sa kaniyang leeg.

"Oh, bakit ka huminto? Sayang naman, tapos na sana laban natin." Pang-aasar ko sa kanya na may kasama pang nakakaasar na ngiti.

"Hindi ako tanga." 'Di ka sure.

"Wala naman akong sinabi," nakangiti na sabi ko.

Hinawakan ko ang kanan niyang kamay nang inangat niya iyon papunta sa mukha ko. Tinuhod ko siya sa tiyan at sinaksak. Tinulungan ko si Asher sa mga bampirang kalaban niya. Nagsalubong ang aking kilay nang may mapansin sa mga kalaban niya. Bakit puro babae ang nasugod sa kaniya?

"Apaka gwapo mo naman, tol. Pati mga kalaban nagkakagusto sa 'yo."

"Ako lang 'to."

***

Her Hidden WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon