Chapter 43 : Vampire's Plan

77 12 0
                                    

Vampire's Plan

Natalie

Umupo kami sa damuhan nang makarating sa gitna ng gubat. Hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Cole na nasa tabi ko.

"Aba'y malay ko, bakit ako tinatanong mo?" Inirapan ko nalang siya dahil sa naging sagot niya sa akin. Sarap sapakin ng ngala ngala ng lalaking 'to.

"Antayin nalang natin si Ms. Yvaine. Siya ang nagpapunta sa atin dito." Sabi ni Waver at sumandal sa puno na nasa likod niya.

Dahil sa pagka-bored ay napagtripan ko nanamn si Cole na nakapikit sa tabi ko. Kinuha ko ang mga dahon na nahulog mula sa puno at hinagis sa kanya.

"Ano ba 'yan, Natalie! Waver, si Natalie nanggugulo!" Sumbong niya kay Waver.

Tinignan lang naman siya ni Waver bago sumandal ulit sa puno at pumikit. Nginisian ko naman si Cole at tinignan niya lang ako nang masama. Limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa din sila Ms. Yvaine.

"Huy!" Tumalsik ako dahil sa tulak ni Cole sa braso ko. Tinignan ko siya nang masama at nginitian niya lang ako nang nakakaasar.

"Ano bang problema mo? Sasapakin kita lumayo ka sa akin." Banta ko sa kanya bago umayos ng upo.

"Hindi, kasi-" bago niya pa matapos ang kaniyang sasabihin ay naunahan na siya ng tawa. Sasapakin ko talaga 'to. Lakas ng tama.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Ganto kasi-" at naunahan nanaman siya ng tawa.

Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili ko dahil sa lalaking 'to. Magsasalita na dapat siya pero ayon tumawa nanaman. Mas lumakas ang tawa niya na pati sila Waver ay napatingin sa kanya. Tinignan nila ako na parang nagtataka at nagkibit balikat lang ako.

"Felix, kaibigan mo nababaliw na dito! Sa tingin ko kailangan mo na siyang dalhin sa mental!" Malakas na sabi ko kay Felix.

"Matagal ng baliw 'yan. Dinala ko na 'yan sa mental pero pinaalis din siya doon kasi hindi na kaya ng mga nag-aalaga sa kanya." Tugon naman nito sa kalokohan ko. Natigil ang pagtawa ni Cole at tinignan kami nang masama.

"Kaibigan mo daig pa babaeng may regla. Paiba-iba ng mood." Muli kong sabi kay Felix.

"Gan'yan talaga 'pag takas mental." Parehas kaming natawa dahil sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa pagtawa.

"Tigilan niyo nga ang pagtawa!" Nakangusong sabi niya pero mas lumakas pa ang tawa namin. Sila Waver at Asher naman ay tahimik na pinapanood kami.

"Ayoko na! Tama na!" Natatawang saad ko.

Pinunasan ko ang gilid ng aking mata at napahinga nang malalim. Napaayos kami at tumayo nang makita si Ms. Yvaine kasama ang alaga niyang fire wolf. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok nang may tumabi sa kanilang isang fire wolf. Nakasakay dito ang isang babae.

"Takot ka 'no?" Bulong ni Cole sa tabi ko.

Sinikmuraan ko siya gamit ang siko ko at narinig ko ang pagdaing niya pero hindi ko na siya pinansin.

"Pasensya na at natagalan kami," sabi ni Ms. Yvaine habang bumababa sa wolf niya. "Ito nga pala si Selene, maaari niyo siyang tawaging Ms. Selene. Tutulong siya sa gagawin natin." Nakangiting tumango sa amin si Ms. Selene.

Nakangiting tumango din kami sa kanya at nagpakilala. Kusang nawala sa tabi nila ang kanilang mga alaga.

"Asher."

"Felix."

"Ako po pala si Cole ang-" bago niya pa masabi ang idudugtong niya ay tinakpan ko na ang kaniyang bibig.

Alam ko na ang sasabihin niya. Kilalang kilala ko na ang lalaking 'to. Masyadong makapal ang pagmumukha nito eh. Kaya minsan tinatanggi kong kilala ko 'to.

"Ako po si Natalie." Nakangiting pagpapakilala ko. Natatawang nakatingin lang siya sa amin. Tumikhim si Ms. Yvaine na nakakuha ng atensyon namin.

"May misyon tayong gagawin kaya ko kayo pinapunta dito. May magaganap na party ang mga tao sa isang bayan malapit dito. Nalaman naming pakana ito ng mga bampira at plano nilang kunin ang mga tao at gawing bihag. Hindi sila hawak ni Warren kaya walang alam si Warren na may mangyayari na ganito." Paliwanag sa amin ni Ms. Yvaine.

"Magagawa po ba natin ito ng tayo lang? Hindi po ba masyado tayong kakaunti kumpara sa mga bampirang dadalo sa party na 'yon." Sabi naman ni Cole.

"May tiwala ako na magagawa natin ito. At may dalawa pang sasali sa atin upang tumulong." Nagtataka na tingin ang binigay namin kay Ms. Yvaine.

"Sino naman po sila?" Tanong ko.

Nawala ang ngiti ni Ms. Yvaine at lumingon kay Ms. Selene. "Nasaan na nga ba ang dalawang iyon?" Nagkibit balikat lang naman si Ms. Selene sa kanya.

Napalibot ang aming paningin nang makarinig ng mga yabag sa damuhan. Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa dalawang babae na papalapit sa amin. Pero natuon ang atensyon ko sa isang babae.

"Pasensya na po at nahuli kami." Sabi nito kay Ms. Yvaine.

Lumingon siya sa amin at nginitian kami gano'n na din ang babaeng kasama niya.

"Hi?" Patanong na bati ni Amber.

"Amber!" Sigaw ko sa pangalan niya.

Tumakbo ako palapit sa kanya at yinakap siya. Napa atras naman ang ang babaeng kasama niya dahil sa pag yakap ko. Natatawang tinapik tapik ni Amber ang likod ko.

"Miss mo ko 'no?" Bulong niya sa akin.

Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya. "S'yempre! Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng mga kasama ko." Nakita ko ang pagsalubong ng kilay nila Waver.

Natawa naman si Amber dahil sa mga naging reaksyon nila. Napatingin ako sa babaeng kasama niya at tumingin din ito sa akin saka ako nginitian.

"Aruna," sabi niya at nilahad ang kamay sa akin. Parang narinig ko na ang boses niya pero hindi ko maalala kung saan.

"Natalie," tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad.

"Ako naman si Cole ang pinaka gwapo sa aming lahat," inagaw naman ng lalaking ito ang kamay ni Aruna.

Parang nagulat pa siya dahil sa ginawa ni Cole. Apaka siraulo talaga ng lalaking 'to. Hinawakan ko ang mukha niya at hinila sa likod ko.

"Hindi namin siya kilala. Actually, napulot lang namin siya kaya pagpasensyahan mo na. Takas mental din kasi ang lalaking 'to." Sabi ko sa kanya.

"Halata ko nga." Nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Sigurado akong magkakasundo tayo." Sabi ko na ikinatawa niya.

***

Her Hidden WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon