Chapter 01 : New Friend

566 22 2
                                    

New Friend

Nakatayo ako ngayon sa harap ng eskwelahan na papasukan ko. Ano ba 'to school o mansiyon? Nagmumukha itong mansyon dahil sa laki at lawak. Pumasok ako sa loob at unang bumungad sa akin ang malawak na paligid, may malaking fountain sa gitna at may mga bulaklak na nakapalibot dito. Nakuha ng pansin ko ang isang hardin malapit lang sa kinatatayuan ko.

Naglakad ako papalapit doon at dahil sa pag-iikot ng aking paningin sa paligid ay hindi ko napansin ang babaeng papunta rin sa direksyon ko. Nagkabanggaan kami at nahulog ang mga dala niyang libro. Tinulungan ko siyang damputin ang mga ito.

"Sorry." Paghingi ko ng tawad.

"It's okay," nakangiting kinuha niya ang inabot kong libro. "Bago ka lang din ba dito?" Tanong niya.

"Ah, oo. Amber," nilahad ko ang aking kamay sa kaniya.

"Natalie," nakangiting tinanggap niya ito. "Kung balak mong pumunta sa garden ay hindi ka pa makakapasok doon. Hindi pa kasi nila tapos ang pag-aayos. Siguro mamayang hapon pa nila 'yon bubuksan." Napatango ako sa sinabi niya.

"Gano'n ba. Sige, salamat." Tinanguan niya lang ako bago nagpaalam sa akin.

Saktong pag-alis niya ay ang pagtunog naman ng bell. Hinanap ko ang magiging room ko at nang mahanap iyon ay umupo na rin ako dahil sakto namang dumating ang professor namin.

~~~

Lumabas ako ng room para kumain na ng tanghalian. Nasa labas ng building namin ang cafeteria ng school. Naghanap ako ng mauupuan. Matapos bumili ng makakain ay nagsimula na rin akong kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may maglapag ng tray na may lamang pagkain sa harap ko. Napaangat ako ng ulo.

"P'wede bang makisabay?" Tanong ni Natalie.

Tumango nalang ako sa kaniya at inurong ang iba kong gamit para malagay niya ang kaniya. Ang mga nag-uusap na estudyante at mga tunog ng kubyertos ang tanging maririnig sa buong cafeteria.

"Nakalimutan kong itanong sa'yo 'to kanina, anong year mo na?" Tanong niya.

"First year, 17 years ol d, turning 18." Sagot ko sa kaniya. "How about you?"

"Second year, 19." Sagot niya.

Ay, mas matanda pala siya sa akin. Ang akala ko ay magkasing edad lang kami dahil sa mukha niya. Mukha kasi siyang mas bata kumpara sa edad niya. Mahaba ang brown niyang buhok na umaabot hanggang sa tyan niya. Hindi siya gano'n kaputi at hindi rin siya ganon kaitim. Makinis ang balat niya ma akala mo ay hindi pa nadadapuan ng kahit na ano. Medyo makapal ang brown niyang kilay. Mahaba ang mga pilikmata niya na bumagay sa malaki niyang mata. Mapula ang manipis niyang labi. Ang ganda.

"Thank you." Biglang saad niya na nakapagpa-salubong ng kilay ko.

"Para saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Thank you for joining me for lunch." Tumango-tango naman ako sa sagot niya.

"You're welcome, wala rin naman akong kasabay."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Matapos kumain ay pumunta na kami sa papasukan namin. Hindi na ulit kami nagkita matapos no'n at umuwi rin ako agad sa bahay. It was a good first day for me. Binati ko si mama ng isang halik sa pisngi nang makauwi na ako.

"Kumusta ang unang araw mo sa eskuwelahan?"

"Okay naman po. Magbibihis lang po ako." I went upstairs to change my clothes. I hope to see Natalie again, I want her to be my friend. Bumaba na ako nang tawagin ako ni Mama para kumain ng hapunan.

"May nakilala ka na ba?" Tanong sa akin ni Mama.

"Meron po. Natalie po pangalan niya."

"Isa palang?"

"Opo," naiilang na natawa ako. After we ate I went straight to my room and cleaned up. I lay down on my bed and sleep.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. I immediately got up and went straight to the bathroom. Bumaba ako para kumain ng almusal. Naabutan ko si Mama na nagluluto kaya naghanda nalang din muna ako.

"Alis na po ako, 'Ma." Paalam ko.

"Sige, mag-iingat ka." Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na.

Naisipan kong maglakad na lamang dahil maaga pa naman. While walking, I noticed a woman I recognized. I ran towards her and greeted her.

"Good morning." Pagbati ko.

"Ikaw pala, Amber. Good morning din."

Sabay kaming pumasok at maagang nakarating sa school. Dahil hindi pa magsisimula ang klase ay napag-pasiyahan naming tumambay muna sa garden ng school. Mabuti nalang at bukas na ito. May ibang mga estudyante rin ang nakatambay dito.

Umupo kami sa upuan na nandoon, malawak ang hardin. Maraming mga bulaklak at mga puno, napansin ko ring may mga iba't ibang kulay ng ilaw dito para sa gabi. May design ng mga bulaklak ang mga upuan kaya lalong nakakakuha ng pansin ang mga ito.

"Naaalala ko ang dati kong paaralan, may ganto rin doon. Sariwang hangin, ang mga makukulay na mga bulaklak, mga maliliwanag na ilaw." Pagsisimula ni Natalie.

"Kung gano'n ay bago ka lang din dito?" Tumango siya bilang sagot. "Bakit ka lumipat?"

"Nasira ang dati kong pinapasukan; ang dati naming bahay ay nawasak din dahil sa nangyaring gulo."

"Gulo? Anong gulo?" Nagtatakang tanong ko.

Parang wala naman akong nababalitaan na may nangyaring gulo rito. Humarap siya sa akin at nginitian lang ako. Sakto namang tumunog na ang bell kaya hindi niya nasagot ang tanong ko. Napag-usapan din naming sabay kami ulit kakain ng lunch dahil parehas naman kaming walang makakasama dito. Pumasok ako sa loob at sabay no'n ay ang pagpasok ni Ms. Yvaine, ang professor sa unang subject namin ngayong umaga.

Nagsimula siyang magturo. Parang buong klase akong lutang dahil wala talagang napasok sa utak ko. Lumipas ang oras at natapos ang lahat ng professor namin sa pagtuturo ngayong umaga. Nagligpit ako ng gamit at lumabas ng room. Pumunta ako sa cafeteria at nakita si Natalie sa lamesa namin. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harap niya.

"Sorry, natagalan." Saad ko at nginitian niya lang ako.

Bumili lang kami ng pagkain saka nagsimulang kumain. Hindi ulit kami nagkasabay at hindi nagkita noong uwian na. Ang sabi niya sa akin ay may ginagawa pa raw kasi siya. Kaya mag-isa akong umuwi ng bahay.

~~~

Napabangon ako sa pagkakahiga at napahawak sa ulo ko nang biglang sumakit ito. When the pain disappeared I looked at the clock on my side table. It was exactly 12 a.m., I put it down and tried to sleep again. I closed my eyes but no matter what I did, I was no longer drowsy so I just stood up from lying down. Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko at binuksan yon. Bilog na bilog ang buwan.

Tangging liwanag lang ng buwan at mga ilaw sa daan ang nagsisilbing liwanag sa kalsada. Patay na ang mga ilaw sa mga bahay. I blinked at the sudden wind while staring at the moon. Bahagya akong natigilan nang maalala ang oras. I am 18 years old now. My lips curved into a smile. I went back to my bed after closing the window in my bedroom. Drowsiness overtook me until I was completely asleep.

***

Her Hidden WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon